*tok....tok....tok....*
Tunog ng sapatos ko habang dumaraan sa pasilyo ng HRM dept.
"Good morning Ma'am ay Sir." bati ng mga estudyanteng nadaraanan ko.
Lihim akong napapangiti. Ramdam ko kasi kung gaano sila natatakot sa akin. Napapayuko pa sila kapag bumabati dahil takot silang makipagpiringan sa nakasisindak kong tingin.
Guro ako sa unibersidad na iyon. Filipino ang itinuturo kong sabjek. 1st year ang hawak ko kaya I expect na mag-aadjust talaga ako sa mga ugali nila dahil alam kong dadalhin nila ang mga pag-uugali nila sa hayskul. Humanda sila sa akin.
May mga napansin din akong mga estudyante na nagbubulong-bulongan. Hindi naman nakatakas sa aking pandinig ang kanilang usapan.
"Uy, di ba yan yung bagong titser? Nakakatakot naman yung kilay niya. Antaray!" saad nung bakla.
"Bali-balita nga na terror daw ang titser na yan!" sabi nung isang babaeng kasama niya.
"Ano ba ang itinuturo niya?" tanong naman nung isang lalake.
"Filipino lang naman!" sagot nung bakla.
Naiinis ako sa mga narinig ko pero ipinagkibit-balikat ko na lang. As if naman parang sisiw lang sa kanila ang Filipino? Try nga nilang pag-aralan nang maranasan din nila ang naranasan ko. Lagi kayang dumudugo ang ilong ko sa sabjek na to. Hmft!
Hindi ko nga rin alam kung bakit Filipino ang napili kong major. Marunong naman ako sa English wag lang Math! Bobo ako sa math kaya kinatatakutan ko yang subject na yan.
Malapit na ako sa room 4 kung saan yun ang 1st period ko. May mga napansing akong estudyante na nakatambay lang sa corridor. Wala silang kaalam-alam na guro ako.
"Guys may parating na bagong classmate natin!" sigaw nung babaeng kulot.
"Saan?" dali-dali namang nagkumpulan yung iba niyang kasamahan.
Dumaan ako sa kanilang harapan na nakataas ang kilay ko.
"Taray ng kilay ng lola niyo!" narinig ko pang sabi nung matabang babae na kasama rin nung kulot.
Hindi ko na lang iyon pinansin. Huminto ako sa tapat ng pintuan ng room 4. Bigla namang nanahimik ang mga maiingay na 1st yr na nasa loob.
Nagkatinginan yung iba na para bang takang-taka sa artistang nakita nila. Jk ✌
"Guys tara na sa canteen, hindi siguro tayo imimeet nung propesor natin kasi 1st day of class pa lang naman!" sigaw nung lalaki na parang ito yung lider nila.
Isinukbit na nung iba ang kanilang bag habang ang iba ay abala sa pagpupulbos.
"Magandang umaga!" mataray kong bati saka pumasok. Naupo ako sa teacher's table.
"Hoy! Andito na si Mam ay Sir pala!" sigaw ng isa nilang klasmeyt.
Nagulat yung iba sa narinig nila. Dali-daling pumasok yung mga nasa labas at bumalik naman sa kani-kanyang upuan yung naghahanda pa lang na umalis. Napansin ko naman ang pamumula ng mukha nung lalaking nagyaya kaninang magmeryenda.
"Siya ba ang propesor natin? Parang kaedad lang natin siya eh." narinig kong bulong nung babaeng nakatirintas pa ang buhok na parang ninja.
Siniko siya ng katabi saka sumenyas na wag siyang maingay.
"HRM 1-A, right?" tanong ko.
"Yes Sir!" in chorus.
"Ok, pass your classcard forward."
utos ko.
Dali-dali naman nilang hinalungkat ang kanilang classcard na hindi pa napaghiwa-hiwalay. Dinilaan na lang nung iba yung papel para madaling punitin. Palihim naman akong nandiri sa ginawa nila as if naman hindi ko iyon gawain nung ako ay college.
Napapansin kong tila hindi komportable yung iba. May kinakabahan, yung iba dedma lang, at mayron din namang yung nagpapapansin. Hinayaan ko lang na ganoon ang reaksyon nila.
Ito pa lang ang simula at excited na akong makipaglaro sa kanila.
*evil smile*
KAMU SEDANG MEMBACA
THE STORY BEHIND MY MONSTER TEACHER
HumorNatutuwa ako kapag natatakot sila sa akin. Kumikislap ang aking mga mata sa tuwing nakikita ko silang nanginginig. Musika sa aking pandinig ang kanilang pagmamakaawa. Ang kanilang inis at galit ang siyang nagpapatatag sa akin upang kontrolin ang kan...
