Queued #2: LOKI: The Aftermath

1.3K 42 8
                                    

LOKI: The Aftermath

POV: Multiple

Genre: Vampire, Action


May isang bagay akong hindi nasabi kay Serenity. Dinukot si Fenrir ng hindi ko pa matukoy na kung sino. Dinukot ang aking kapatid habang nasa kasagsagan siya ng paggamit ng mahika upang tulungan ako sa Valaskaif.

Ang nilalang na dumukot kay Fenrir ay tuso. Sinamantala niya ang komosyong nagaganap sa Valaskaif dulot ng aking puripikasyon.

Wala na si Odin, hindi ko alam kung may balak pa siyang bumaba ng kanyang trono. Wala akong tiwala sa kakayahan ni Freyr kahit pa mas matanda siya sakin.

Sa katayuan ko ngayon, nuncang susundin ako ng mga bagong henerasyon ng Aesir at Vanir... Wala akong magiging tagasunod kundi ang mga jotnar na sina Surtyr at Sukmim.

Ano ang gagawin ko? Sa pagkawala ni Fenrir, hindi ko magawang iisantabi ang isang propesiya na binasa ng norn na si Urd sa harap ni Ymir.

Hindi ko nasaksihan ang sandaling iyon sapagkat napakatagal na niyon--noong mga panahong wala pa si Fenrir sa poder ng Asgard.

'Ang pagkalupig sa diyos ng mga Lobo at ang muli nitong pagwawala ay magdudulot ng kaguluhan sa siyam na mundo...'

Iyon ang propesiyang namutawi kay Urd. Iyon din ang dahilan kung bakit inagaw ni Ymir ang diyos ng mga lobo.

Subalit ano nga ba ang totoong kahulugan ng propesiyang iyon?

Ang ikalawang Ragnarok?

Paano ko mapoprotektahan si Serenity kung sakali?

"Loki!" kumaway sakin si Serenity habang nakangiting pinipitas ang mga ligaw na bulaklak sa di kalayuang talahiban. Pinilit kong ngumiti at gumanti ng kaway sa kanya. Sinipat ko ang langit. Kahel na ang kulay niyon.

"Ang mabuti pa, umuwi na tayo." sigaw ko. Sinabayan ko na rin ng tayo sa kinauupuan kong damuhan. Halos tumakbo na ako para makalapit sa pinakamamahal kong asawa.

Mahahawakan ko na ang braso niya... ngunit bigla na lamang siyang naglaho.

Coming SoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon