Chapter Three

475 19 0
                                    

SA HALIP na sagutin siya ni Sky ay kinuha nito ang bag niya at isinara.


     Isinukbit din nito iyon sa magkabilang balikat. Parang naging bato si Tala sa kinatatayuan. Ano ang ginagawa mo dito, Sky ? tanong niya sa isip. Ilang araw na ang lumipas noong kumain sila sa labas ng binata. Again, she thought she would never see him after that. Marami talagang maaaring mamatay sa maling akala. Tulad na lamang niya. Nakalimutan na yata niyang huminga dahil sa biglaang pagsulpot ni Sky.


     Nakakunot-noo ang lalaki ngunit maaliwalas ang dating nito. Unlike before, he was now wearing the kind of clothes that suited his image. Naka-itim na t-shirt lang ito na tinernuhan ng faded jeans at high-cut Chuck Taylor. Malayong-malayo sa amerikana at barong nito noon. "Ang tagal mong bumaba."


     Mabilis naman siyang nakabawi sa pagka-shock. "Katatapos lang kasi ng meeting namin." Nagtataka siya kung bakit naroon ito pero hindi na niya isinatinig iyon. Baka kasi bigla itong mag-walk out. Sigurado pa naman siyang may maluwag sa mga turnilyo nito sa utak. Daig pa nito ang babae sa sobrang bilis ng pagbabago ng mood. Masaya siya dahil naroon ito. Hindi niya alam kung bakit, pero nagliwanag ang nagugutom niyang mood nang makita si Sky.


     Napansin nito ang pananahimik niya kaya't pumitik ito sa tapat ng kanyang mukha. "Gutom ka na nga. Ang tahimik mo na eh." Hinawakan ni Sky ang pulsuhan niya at nagpatiuna na sa labas ng gusali. Nagulat na naman siya sa ginawa nito sa hindi na niya mabilang na pagkakataon. End of the world na ba?


     "Sandali, kasama ko si Lily!" Inilibot pa niya ang paningin pero hindi na niya makita ang kaibigan.


     "Huwag mo nang hanapin. Nakita ko na sumabay na siya doon sa iba niyo pang kasama."


     "Baka ako naman ang hanapin niya," reklamo niya.


     "Hindi. Nakita naman niya ako. At saka hindi naman siguro siya magagalit kung aagawan ko siya ng kasabay kumain," may pagkainip nitong sagot sa kanya. Lumingon pa ito bago siya hilahin palapit sa isang sasakyan na naroon sa parking area.


     "Tala," tawag sa kanya ni Sky. "Dito tayo sasakay sa kotse ko. Mukha kasing kinain na ng bag mo ang susi ng kotse mo."


     Naloka siya sa joke na 'yon. Wait. "Did you just crack a joke?" tila hindi makapaniwalang usal niya.


     "Hindi ba tunog-joke 'yong sinabi ko?" seryosong tanong nito.


     Natawa siya. "So, you actually mean that as a joke?"


     "Hindi na ako mag-jo-joke sa susunod. Ang slow mong maka-gets," wala pa ring emosyong wika nito.


     Hindi na talaga niya mapigilang mapabunghalit ng tawa. "At ako pa talaga ang slow? Sino kaya ang magbibiro na pero ni hindi pa rin magawang ngumiti man lang?"


     Nagkibit-balikat lang ito. Ipinagbukas siya nito ng car door sa passenger side bago nito tinungo ang kabilang pinto.

My Wedding Singer by Evangeline Grace [Published under My Special Valentine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon