Chapter Two

587 15 0
                                    

"HELLO GIRLS. It's nice to finally meet you. You can call me Sky," panimula ng lalaki.


     "Kuya, ngumiti ka naman," untag ni Thalee dito.


     Tumawa ang mga kaibigan niya pero hindi siya nakisali sa mga ito. Parang zombie kasing bumangon sa dibdib niya ang inis para sa lalaking kapatid pala ni Thalee. Ito ang lalaking naka-engkuwentro niya kanina!


     "Grabe, Thalee! Ang tagal mo namang ipinagkait sa amin ang kaguwapuhan nitong kuya mo!" ani Lily, nagtu-twinkle pa ang mga mata nito.


     Natawa si Thalee. "Palagi kasing busy itong si Kuya. Buti nga at nakasama siya ngayon. Kuya, hindi masama kung ngingiti ka kahit konti lang," anito pagbaling sa kapatid. Wala pa rin kasing emosyon na makikita sa mukha nito.


     "Ikaw?!" malakas na sabi ng lalaki. Nakatingin na pala ito sa direksyon niya.


     "Ako nga. May problema ka?" taas-noo niyang sagot.


     Nagpalitan naman ng tingin ang mga kaibigan niya. Tila nalilito sa kanilang dalawa ng lalaki.


     "Magkakilala na kayo ni Kuya?" nagtatakang tanong ni Thalee.


     "Kanina lang. Your brother helped me earlier. Muntik na kasi akong matumba. Yung... Yung masungit na lalaki na sinabi ko sa stage kanina, siya 'yon. Hindi ko naman kasi alam na kapatid mo pala siya." She explained it while avoiding him from her sight. Baka kasi imbes na makapagpaliwanag siya ng mahinahon ay maisigaw niya lang lahat ng salitang gusto niyang sabihin sa sobrang inis na nararamdaman.


     "Ah... pasensya ka na kay Kuya Sky, Tala. Medyo masungit nga siya talaga in real life pero mabait naman siya." Thalee smiled at her apologetically.


     "Hindi ko nahalatang mabait siya," mataray niyang sagot at saka humalukipkip.


     "Ako na ang magso-sorry para kay Kuya, Sis." Binalingan nito ang kapatid. "Ikaw naman Kuya, bawasan mo nga 'yang pagsusungit mo dahil hindi 'yan mabuti sa kalusugan nating lahat na nandito."


     Natawa ang mga kaibigan niya.


     Nang matapos ang party, nagpaalaman na silang magkakaibigan. May sarili naman kasi silang mga sasakyan kaya hindi na nila kailangang ihatid ang isa't isa. Matiwasay naman ang kabuuan ng pagdiriwang. Nag-enjoy siya kasama ang mga kaibigan kahit pa kasama sa grupo nila ang Sky na iyon na nanira ng kanyang gabi. Itinuring na lang niya itong invisible. Ilang beses niyang nahuli itong nakitingin lang sa kanya marahil ay nakokonsensya ito sa pagiging antipatiko nito ngunit iniirapan lamang niya ang pobreng binata.


     "Ingat kayo ha? Text-text tayo kapag nakarating na kayo sa mga bahay niyo," bilin ni Flora.


     "Dahan-dahan sa pagmamaneho, Lily," paalala niya sa kaibigang gusto yatang sumali sa palabas na Fast and Furious.

My Wedding Singer by Evangeline Grace [Published under My Special Valentine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon