Truth hurts

17 1 0
                                        

Bat kaya ganon? Palagi nalang may tutol. Palagi nalang HINDI pwede. Di ko ba deserve maging masaya? Natatawa nalang ako e. Kapag naaalala ko yung mga kabobohan ko. Yung mga katangahan ko. Bakit kailangan ko pang masaktan? Corny ko pero masisisi nyo ba ako kung malas ako sa pagmamahal? Siguro kaya gusto kong maging madre nung bata ako. Bata palang siguro ako alam ko na wala na akong future sa love life hahahahaha. Grabe ha? Ang sakit lang. Alam mo yung feeling na gusto mong ilabas lahat. Gusto mong umiyak ng todo. Gusto mong mag pa ka lasing gusto mong mag wala. At lalo sa lahat. Gusto mong makalimot. Yung feeling na bigla mo nasabi sa sarili mo na "Sana di na lang kita nakilala" yung hirap na hirap ka ilabas lahat. Wala naman kaseng makakaintindi ng sakit na iniwan ng mahal mo kung hindi saril mo e. Puro sarili mo. Kaya siguro nagpapakamatay yung ibang tao. Nagpapakamatay sila kase gusto nilang makatakas sa problema. Pero kase kaduwagan yun e! Sabi nila. Binigyan ka ni lord ng pagsubok na ganyan kase alam nyang makakaya mo yan. Tanginang pagsubok yan! Sobra naman. Ano bang ginawa ko? Bat kailangan kong pagdaanan to? Yung mga ganyan. Yung mga tanong na alam mong ikaw lang makakasagot. Yung tanong alam mo na ang sagot. Nagtatanong ka sa iba kase gusto mong paniwalain yung sarili mo na mali yung sagot na alam mo. Pero ano bang pake sayo ng ibang tao? May kanya kanya tayong problema. Swerte ka nalang kung sakaling may taong tumulong sayo.yung tulong na Mamahalin ka nya habang buhay. Yung tulong na hindi ka nya iiwan kahit kaylan. Yung tulong na walang hinihinging kapalit. Yung tulong na parehas kayong hindi masasaktan. Yung tulong na magiging masaya kayo hanggang sa huling hininga nyo. Kung meron mang tulong na ganito. For sure! Walang taong malungkot ngayon na kagaya ko. Walang taong sawi ngayon. At lalong walang tao na pupunta sa sulok para lang mag mukmok. Pero nandito tayo sa reyalidad , hindi tayo nabubuhay sa pantasya. Darating at darating sa point na mag mamahal ka nang ikaw pa mismong sobrang masasaktan. Natatawa ako sa sarili ko. Kase habang tina type ko to. Tumutulo luha ko. Hindi ko mapigilan. Hindi ko ba alam kung dahil to sa pagmamahal o dahil lang to sa kaawaan sa sarili ko. Oo naaawa ako sa sarili ko.naawa ako kase deserve ko ba to? Deserving bakong masaktan ng ganito? Kelan ba dadating yung taong mamahalin ako hanggang dulo. Yung hindi ako iiwan kapag nahulog o napamahal na ako. Yung ipaglalaban ako. Yung hindi magsasawang mahalin ako kahit na may topak ako. Sana dumating na sya. Hindi sa nagmamadali ako . Gusto ko lang kasing maging masaya. Gusto ko lang maramdam na pinahahalagahan ako. Except sa friend and family ko. Oo sobrang masaya ako kasi nanjan sila. Pero diba? Iba pa din kung yung may magmamahal sayo hangga sa pagtanda mo. Yung lalaking kasama mong bumuo ng bagong pamilya nyo. Yung lalaking nakasuporta sayo. Pero sa panahon ngayon bilang nalang yung ganito. Karamihan nag pakamatay pa dahil nagmahal sila ng todo. Yung iba naman nagiging bakla kase niloko. Tangna diba? ang lupit lang ng tadhana. Hahahaha! Puro nalang tayo "Kailan at Sana" hindi naba matatapos to? Kung hindi may masasaktan,may mananakit naman. dumadating na sa point na magsasawa ka na lang. Yung gustong gusto mo nang tumigil mag mahal. Pero anong magagawa mo? Darating at darating pa din yung lalaking mag papatibok ng puso mo. Yung lalaking mamahalin mo . Pero dapat magtira ka sa sarili mo. Para kung sakaling iwan ka man nya ulit. Hindi na ganun kasakit. Hindi naman masamang sumubok mag mahal ulit. Basta magtira kalang sa sarili mo. Wag mong ibigay lahat kase pag dating nang panahon na iiwan ka na din nya. Sobrang nakakabaliw. Sobrang sakit. Dahil minahal mo naman sya ng sobra. Yung mag tatanong ka nalang sa sarili mo na. Ano bang ginawa ko? Minahal ko naman sya. Sobra pa! Pero bat iniwan nya ako? Yung pag gising mo nang umaga. Wala na sya... Wala na yung taong minahal mo nang sobra. Sa dahilan na ano? Sa dahilan na "HINDI KAYO PWEDE"

POINT OF VIEWSStories to obsess over. Discover now