DRAMA NI DHO -9-

210 14 10
                                    

Narito nanaman ako,

Muling magdradrama sa inyo.

Pasensya na lamang kung akala nyo,

Kayo’y akin lamang niloloko.

Gusto ko lang sanang ikwento ang aking karanasan.

Pagkat nitong mga nagdaang araw ako’y may nakilalang nilalang.

Isang lalaking mahilig mambara lalo na kapag ika’y pikon na.

Lalaking ubod ng yabang, Oops teka lang ako’y nagbibiro lamang.

Lagi nyang bukam-bibig na ang mga babae raw ay may pagkamadaldal,

Ngunit sa nakikita ko’y, sya itong may dilang ubod ng kapal.

Isama mo na ang kanyang labing may nunal.

Pati na rin ang kanyang ugaling may pagkabipolar.

Noong una raw sya’y saki’y nagtampo

Pagkat sinabihan ko raw syang “ mukang unggoy sa kanto”

Ngunit sya’y nagkakamali, dahil may patunay ako

Hindi nya alam “ mukang palaka” ang sinabi ko.

Sa paglipas ng panahon sya’y aking naging kaibigan.

Sa katunayan, natuwa ako sa pinakita nyang kahusayahan.

Iginawa nya ako ng isang malaking pabor na nagbigay sakin ng kaligayahan.

Kung inyong itatanong kung ano yun, ay nako wag nalang!

Pero sige, sasabihin ko na, wag lang sana kayong atat diba?

Gumuhit sya ng isang larawan na aking ikinasaya.

Sana lang sa susunod ibahin nya ang kulay ng buhok ng aking bida .

Pwede namang kahit ano,wag lamang pula. XD

Ngayo’y tanggap ko na ang kanyang ipinaglalaban.

Na sya raw ay gwapo at hindi nagbibiro lamang.

Sadyang sinasabi lang daw nya ang katotohanan.

Sa madaling sabi sya’y nananaginip lamang. (hihihi :p)

Kung kayo’y naguguluhan, wag kayong mag-alala .

Pagkat ang totoo’y hindi kayo nag-iisa,

Maski ako sa sarili ko’y nabeberat na .

Oh sya dito nalang pagkat nararamdaman kong sya’y reresbak na.

=====================

 

UNA: anong pumasok sa isip ko’t naisulat ko to haha, oy DUPAL! JOKE LANG TO HA! Pikon talo!

PANGALAWA: tulatulaan para sa kanya, wala pa kasi akong nadededicate sayo kaya eto nalang muna, (^O^)v

PANGATLO: wag kang mag-alala, hihintayin ko ang iyong bwelta. 

Nakakainis feeling ko ang korny haha, wala eh! hindi ako marunong magpatawa. Kaya pagtyagaan nyo nalang ha!

-DHO♥

DnD .℘ᶴᶬ.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon