Ly: Alam mo, sabi ni Spiderman, with great power comes great responsibility.

Nagkneel ako sa tabi niya while facing the altar. I sensed that he was shocked with my voice and looked up at me with a questioning face.

Kief: Anong konek?

Ly: Wala lang. Sabi ko lang. Wala kasi akong maisip na ibang quote e.

Napakamot ako sa ulo ko. Engeng e. Bat ko ba sinabi yun e no sense naman sa situation. But whatever, he giggled kaya I felt relieved.

Ly: Papa God, yung katabi ko po o, umiiyak. Pero di po ako may gawa nyan a. Siya lang po. Madrama siya e.

Nakatingin pa rin siya sakin based on my peripheral vision. Nakakaconscious, pero nagpatuloy pa rin ako.

Ly: Tingnan niya po, di nalang luha tumutulo, pati sipon rin. Eww diba po, Papa God? Haharap siya sa inyo tas ang dungis? Pero di ba po love niyo siya kahit na ganyan siya? Di ba po hindi kayo gagawa ng ikapapahamak niya? Di ba po kaya minsan may masasakit na nangyari sa kanya kasi mas may better na dadating? Di ba po Papa God kahit di niya ma shoot freethrows nya, at minsan nagbabwakaw sya, binigyan niyo pa rin siya ng talento at talino to help his team? Di ba po para sa iyo, Papa God, enough does not always mean winning but doing your best? Papa God, thank you po ha. Kasi biniyayaan mo kami ng katulad niya. Madungis man, madrama, pero the best naman.

This time, lumingon nako sa kanya and smiled. Nakatitig pa rin siya sa akin kaya I snapped my fingers at him.

Ly: Oy Kief.

Para namang natauhan siya dun kaya he looked up at the altar once again, and smiled. Thank God he finally smiled.

Kief: Papa God, thank you rin po ha kasi the best din naman po ang binigay mo sakin. Makulit man, moody, pero lagi namang anjan.

Wait... Wow. Nakakahiya. Kinikilig ako sa harap ni Papa God. Bigla tuloy nag flashback yung panaginip ko before na kasal na kami ni Kief. Sana Papa God, sa next time sa kiligin ako sa harap mo, sa kasal na namin ha.

Hahaha mej grabe ata wish ko. But baka lang naman i grant.

I was stunned when he hugged me from the side and whispered thank you. But I had enough smarts to get my hankerchief off my back pocket and wipe his tears.

Ly: Kief, tama na iyak ha. Nagiging uhugin ka e.

I continued what I was doing until his face became free of tears. Syempre joke lang yung uhugin siya. Kahit na umiiyak siya ang gwapo niya pa rin kaya.

Kief: Ly, sorry ha. Diko na nasabi sayo na umalis ako. Nahihiya kasi ako sayo e. May pa cheerleader cheerleader pakong nalalaman, talo naman pala.

Ly: Bakit sa mga panalo lang ba dapat magkaroon ng cheerleader? Kaya nga cheerleader di ba, para mag cheer win or lose?

He smiled again. Wow ha nakaka brighten naman ng araw yung smiles niya. Lalo nat after tears. Totoo nga namang, there's a rainbow always after the rain.

I urged him to stand up.

Ly: Papa God, alis na kami ha. Hinahanap napo ata kami sa family dinner e. Thank you po!

Kief: Family dinner talaga e, no?

Hinampas ko siya sa braso before continuing.

Ly: Papa God, inaasar na naman po niya ko.

Kief: Sakit din po niyang manghampas, Papa God.

Ly: Aba at nagsumbong ka pa talaga ha.

Kief: Ikaw din naman ha. Pero Papa God, seryoso alis na po kami ha. May FAMILY dinner pa kasi kami e.

At diniinan pa talaga niya yung family habang tinitingnan ako. Ughhh kung pwede lang sanang magmura.

Nagpray lang ako saglit while Kief looked for the donation box to drop an envelope.

Kief: Ready kana? Tara na, Alyssa Ravena.

Ly: Ravena ka jan.

Kief: Kasi nga diba may family dinner tayo? The fact na kasama ka makes you a Ravena too.

At nag wink pa ang loko.

Ly: Kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo.

Inunahan ko nalang siyang maglakad palabas ng church. Gusto ko sanang magdabog pero nakakahiya naman nasa loob pa kami ng simbahan. I just heard him laugh behind me.

Tamo to, kanina iiyak iyak tas ngayon wagas kung makatawa. But it really doesn't matter. He can annoy me all he wants. At least I know I make him smile even once in a while.

***************************

Yay for an update! Ewan ko sobrang bv ako kanina sa nakikita ko sa twitter tl ko regarding the game kaya i felt the need to update to lighten up my mood! Did not edit this so thank you if you're reading this part kasi napagtyagaan mo syang basahin hihi till next time! Goodvibes lang! :)

PS: Please do check out my other book called "Snippets". It's a collection of KiefLy one shots. Imbakan ng mga ideas na diko mainsert dito :) Love you guys! Thank you! :*

One More ChanceWhere stories live. Discover now