Chapter 1

1.6K 68 2
                                    

Hi Readers. please support my new story!   ^_^   

Alas-kwatro noon ng hapon nang makarating si Nathalie sa mall kung saan magkikita sila ng kanyang mga kaibigan na kanya ring mga college classmate. Napagdesisyunan kasi nila na mag-rent na lang ng internet para sama-sama silang makakagawa ng kanilang project presentation na ipe-present nila sa Lunes. Nasira kasi ang kanyang laptop na gagamitin niya sana sa paggawa ng proyekto kung kaya't sinabi niya na lang sa mga kaibigan na sa mall na nga lang sila gumawa. Napag-usapan rin nila na sa loob sa harap ng internet shop sila magkikita-kita.

Kasalukuyan na siyang naglalakad sa harap ng mall nang bigla ay may isang bulto ng lalaki ang bumangga sa kanya, at dahil nawalan siya ng balanse kung kaya't pabagsak na napaupo siya sa sahig.

"M-Miss, I'm sorry! Are you ok?!"
  nagpapanic na tono 'nung estrangherong lalaking nakabangga sa kanya.

Hindi! hindi naman masakit! binunggo mo ko eh tapos bumagsak ako! Hindi masakit! Lanya! Nagtanong ka pa?
   aniya sa kanyang sarili.

   

Yun ang gusto niyang isigaw sa lalaki, ngunit dahil mabait naman siya, syempre hindi niya yun sasabihin. Itinaas niya lang yung kamay niya para ipahiwatig sa kaharap na OK lang siya kahit hindi naman talaga. Kahiya kasi sa kanya eh.

Dahan-dahan ng tumayo si Nathalie mula sa kanyang kinabagsakan habang sapo-sapo ng kaliwang kamay niya ang kanyang balakang habang yung kanan niya naman ay abalang pinapagpagan ang nadumihan niyang jeans.

Tapos ay deretsong tumingin siya dun sa lalaking bumunggo sa kanya. Kailangan niya pang tumingala dahil sobrang tangkad nito.

Halos mapamura siya sa kanyang sarili ng makita ang itsura ng lalaking kaharap niya ngayon, na animo'y isa sa mga Greek Gods na bumaba mula sa kalangitan. Napanganga siya dala ng sobrang paghanga sa kagwapuhan ng kaharap. Base sa physical na anyo nito ay mapaghahalataang di nagkakalayo ang edad nilang dalawa ng lalaking 'yon.

Pinagmasdan niya ng maigi ang mukha nito.

   

Mahaba ang buhok nito na tumatakip sa kanyang noo na para bang isang koreano, maputi at makinis ang balat, at matangos ang ilong. Binaba niya pa ang kanyang paningin patungo sa mga labi nito. Muntikan na siyang mapakagat-labi dahil sa nasilayang red kissable lips ng kaharap, tila kaysarap halikan. Napapikit na lang siya habang iiling-iling na iwinawaksi sa isipan ang kanyang naging pilyang imahinasyon.

Muli ulit niya itong tinitigan. Sayang, gusto pa man din sana niyang makita ang mga mata nito na siyang bubuo upang masabing 'perfect' ang itsura ngunit natatakpan iyon ng suot nitong sunglasses.

Napansin niya na kanina pa nagpapalinga-linga ito sa paligid na para bang may hinahanap. Nag-pout siya.

Hello! nandito ako oh! Aish! Oo na,alam kong pandak ako!
   sigaw niya sa kanyang isipan.

A Time To Remember (Revising)Where stories live. Discover now