TWO

30 1 0
                                    

TWO



"Good morning, everyone! Good morning, Mark! WOW! Ang yabang naman nung van," sabi ko. Dahil nga sa school ko na rin mag-aaral sila kuya JB, napagpasyahan nila na sabay-sabay na lang kaming pumasok. Kahit na hindi naman kami pare-pareho ng schedule. Ako ang may pinaka-maagang pasok, pero papasok na din sila ng maaga para mahatid ako. Ang sweet nila, 'no? At may van pa kaming gagamitin.

"Well, well, well," mayabang na sabi ni Jinyoung.

"Inyo 'to?"

"Obviously."

"Yabang ha!" Hinampas ko s'ya at sinilip ang loob ng van. "Ay, wait may nalimutan ako." Tinulak ko ang mga nakaharang sa daan ko at bumalik sa loob ng bahay para kunin ang libro ko. Pag balik ko, lahat sila nasa loob nan g van. Si kuya JB na lang 'yung naghihintay sa akin sa labas.

"Tara na, princess!" At binuksan n'ya ang pinto ng van para sa akin.

Isang bakanteng upuan na lang ang meron. Sa gitnang part, tabi ng bintana. Wow! Alam nila kung saan ang favourite spot ko, ha. Pero may mali!

"Tabi tayo, Georgina!" sabi ni BamBam at tinapik ang upuan sa tabi n'ya.

"Aish! Sabi kong 'wag akong tawaging Georgina, e! 'Tong Kunpimook Bhuwakul na 'to. Tsaka, bakit ikaw katabi ko?" Hindi naman sa ayaw kong katabi si BamBam. Pero mas gusto kong katabi si Mark, syempre.

Tinapik ni Mark, na nasa likuran, si BamBam, at nagpalitan na sila ng upuan. Yie. Kinilig naman ako dun. Alam n'yang s'ya lang ang kailangan ko. Joke. Hihi.

Buong byahe, nakahilig ako sa balikat ni Mark, at inaamoy ang mabango n'yang pabango habang share kami ng earphone. Hindi naman s'ya nagrereklamo. Sanay na s'ya. Sanay na din ang buong tropa sa amin. Pero bakit kaya hindi na lang kami maging kami, 'no? Sabi naman ng mama n'ya bagay kami.

"Oh, shit!" Lahat kami ay halos tumalsik nang biglang pumreno si kuya JB.

"What was that?" tanong ni Mark. Masyado akong nagulat kaya hindi agad ako maka-react. "Are you okay, princess?" tanong niya. Tinignan ko lang siya.

"Okay lang ako. Ikaw?" Agad kong chineck kung okay lang ba siya. Bakit kasi biglang pumreno si kuya?

"I am fine," sagot niya at tumingin kay kuya JB. Ganon din ang ginawa ko. Nakita kong lumabas si kuya JB at Jinyoung. Sumilip ako sa harap para makita anong nangyari.

May babaeng nakaupo sa kalsada at napansin kong may dugo siya sa damit. Oh my God! Did kuya JB hit her?

"Hala, nakasagasa ba tayo?" Natataranta kong tanong.

"Calm down, princess." Hinagod ni Mark ang likod ko. Alam kong hindi ito ang oras para kiligin ako, pero masisisi niyo ba ako?

Maya maya ay pumasok na ng sasakyan 'yung dalawa.

"Anong nangyari, kuya? Nasagasaan niyo ba? Nasaan na siya?"

Lumingon muna sa akin si kuya bago sumagot, "Hindi natin siya nasagasaan. Muntik lang."

"Eh nasaan na siya?" tanong ni BamBam.

"Tumakbo palayo, e," sagot ni Jinyoung.

Pagtapos nun ay medyo bumagal ang pagpapatakbo ni kuya JB ng van. Kinabahan siguro.

xx

"Okay for now, class, I want you to paint the most beautiful scenery you've ever seen in your life," sabi ng teacher namin sa painting. Napabuntong hininga ang buong klase, pati ako. Anong ipi-paint ko? Tumayo ako at naglibot sa classroom. Tinignan ko 'yung mga gawa ng mga kaklase ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 21, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

GOT7 Mark Tuan FF: Upside DownWhere stories live. Discover now