It's already 11:11
Sabi nila pwede ka daw humiling sa mga oras na 'to?
Kaso..
Pwede pa ba akong humiling? May dapat pa ba akong hilingin?
Gusto kong hilingin na makita siya ulit.
Gusto kong hilingin na makasama siya ulit.
Gusto kong hilingin na makausap siya ulit.
Madami akong gustong hilingin. Kaso, kapag humiling pa ako,
baka bumalik lang din sa dati.
Kasi...
Parang hiniling ko na din na saktan niya ako ulit.
Parang hiniling ko na din na iwan niya ako ulit.
Parang hiniling ko na din na ipagpalit niya ako ulit.
Sagutin mo nga ako!
Sagutin n'yo nga ako!
Dapat pa ba akong humiling?
May dapat pa ba akong hilingin?
Masakit para sa akin ang balikan pa ang nakaraan.
Pero ang nakaraan din ang nagparamdan sa akin kung paano sumaya.
Unti-unting naglabasan sa utak ko ang mga masasayang alaala noon hanggang sa mapapait na alaalang naidulot mo. Bigla nalang napabuhos ang mga luha ko ng hindi ko namamalayan.
Masakit pa pala.
May ihahapdi pa pala.
May ikikirot pa pala.
Sana ang sakit na 'to ay katulad ng oras. Na kung gaano kabilis dumaan ay mabilis din lumipas.
Akala ko "time can ease the pain"? Pero bakit parang hindi. Parang sa pagdaan pa ng mga oras, lalo sumasakit?
Lalong kumikirot?
Lalong lumalalim?
Siguro nga may dapat pa talaga akong hilingin.
Hilingin na makalimot.
Hilingin na magamot.
At hilingin na sana ay muling maging maayos.
Time check: 11:12.
