Pumayag ako kahit alam kong mahihirapan lang ako na makita uli sina Ezq at Katrina na magkasama.

"Grandpa," bati ni Kiefer sa lolo niya. "I want you to meet my friend, Sophie Saavedra."

"Good evening, sir."

"Are you related to David Saavedra of PCBC, hija?"

"He's my father, sir."

"Ah! That's nice. David is a good man. A very trustworthy and loyal employee. I like him."

Hindi ba aware si Chairman Khanh sa kaso ng Kuya Danny ko? Mukhang hindi. Kunsabagay, hindi naman mataas ang dating posisyon ni Kuya Danny sa PCBC para makilala ng chairman. Saka sa laki ng kompanya nila, imposibleng mabalitaan niya lahat ng kaganapan roon.

"Ezequiel, you know Kiefer, your brother, right?" tanong ni Chairman Khanh.

"Of course, Chairman Khanh. How are you doing, Kiefer?" Nakangiti ang mga labi ni Ezq pero kasinlamig ng yelo ang boses at mga mata niya.

"I'm fine," Kiefer answered cautiously.

"I told you last week to call me Grandpa, Ezequiel, not Chairman Khanh."

Ngumiti lang uli si Ezequiel sa sinabi ng lolo niya. Malamig pa rin ang mga mata niya.

Naramdaman ko ang mga mata ni Katrina sa akin. Sinulyapan ko siya.

"You look familiar," sabi niya.

"Really? I don't think we've met before."

Kahit si Chairman Khanh ang kinakausap ni Ezq, may pakiramdam ako na para sa sinabi ko ang ngiti na umalpas sa mga labi niya.

"Baka nagkamali lang ako. I'm Katrina Olbes."

"Sophie Saavedra."

Tumingin si Katrina kay Kiefer. "Nice to see you again, Kiefer. I had no idea you are Ezequiel's brother."

That's because you haven't known Ezq for a long time, and he keeps a lot of secrets, sa isip-isip ko.

"Ngayon alam mo nang nananalaytay sa ugat ni Ezequiel ang dugong Khanh, Katrina. Kapag naikasal kayo, magbubuklod rin ang dalawa sa pinakamalaking chain of banks sa Pilipinas," nasisiyahang sabi ni Chairman Khanh.

Na-drain ang dugo sa mukha ko. Pakakasalan ba ni Ezq si Katrina? Oh... shit. Sumulyap ako kay Ezq. Umiinom siya ng wine, walang emosyon sa mukha. Katrina was smiling radiantly. Naubos ko ang champagne ko.

"Do you want to have dinner now?" tanong sa akin ni Kiefer. He looked more confused and worried.

"Yes, please." Pakiramdam ko ay kailangan kong sumagap ng sariwang hangin.

"He's definitely up to something," sabi ni Kiefer nang naglalakad kami. Pumuwesto kami sa isang lamesa.

"Si Ezq?"

"Hindi mo ba narinig si Grandpa? Ang sabi niya, magbubuklod ang PCBC at OLB Bank Corporation sa sandaling ikasal sina Ezequiel at Katrina Olbes. Paano iyon mangyayari kung hindi naman konektado si Ezequiel sa PCBC? Unless... gusto ni Grandpa na magkaroon ng posisyon si Ezequiel sa PCBC. At kung tatanggapin iyon ni Ezequiel, ibig sabihin ay interesado siya sa PCBC. Gusto niyang maging tagapagmana ni Grandpa, Sophie."

"Anak siya ng father n'yo. May karapatan si Ezq sa ipapamana sa kanya ng lolo n'yo."

"I know. Pero hindi ito magugustuhan ni Mommy. Iisipin niya na inaagawan kami ni Ezequiel. Mas lalala ang galit ni Mommy sa kanya... sa inyo."

Lumunok ako. Ito na ba ang sinabi ni Kiefer sa akin na naiipit ang pamilya ko sa war ng mag-inang Khanh at ni Ezq? Pero bakit imbes na protektahan ang mga taong mahalaga sa akin, mas gusto ko pa na makasama ang may pakana ng bagyo na nakaambang lumamon sa amin?

"M-magpapahangin lang muna ako sa labas," paalam ko kay Kiefer.

Pumunta ako sa balcony ng Grand Ballroom. Huminga ako nang malalim. Ano ba ang gagawin ko? Napakalayo sa hinagap ko na magiging ganito ang takbo ng ugnayan namin ni Ezq. At first, I thought we were just two people who couldn't help giving in to our strong attraction to each other. Akala ko, ang problema lang namin sa relasyon naming dalawa ay ang madalas na pag-aaway namin.

Mas malalim pa pala roon ang tunay na nangyayari. Ang totoo pala, maliit na bahagi lang ako sa palabas ni Ezq. Isa lang ako sa mga kinasangkapan niya para isakatuparan ang plano niyang pagganti sa mag-inang Khanh. At nagsisimula pa lang siya...

May yumakap sa akin buhat sa likuran. Muntik nang tumalon sa lalamunan ko ang puso ko sa sobrang pagkagulat ko.

"I'm glad you came here. Magkakaroon na ako ng pagkakataong gawin ito sa iyo." Nabosesan ko si Ezq. Hinalikan niya ako sa leeg.

"Ezq, what are you doing?"

"To you? Or here?"

"May binabalak ka ba laban kina Kiefer at Mrs. Khanh?"

"Oh you were referring to that." Gumapang ang mga labi niya sa balikat ko. I shivered. "Just watch the show, Sophie. Watch how I will take everything from Kiefer."

Pumihit ako paharap sa kanya. "Ezq, why do you have do that? Kalimutan mo na ang galit mo."

"It pains me to see that you care for the man I want to destroy, baby." Hinawakan niya ang baba ko at dinampian ng magaang na halik ang mga labi ko. "You look sensational tonight." Iniwan na niya ako sa balcony.

Napapikit ako. Oh what happened to my Ezq?


Inihatid ako ni Kiefer sa apartment ko pagkaalis namin ng party. I felt emotionally drained. Gusto kong ibagsak agad ang katawan ko sa kama. Pero pagpasok ko ng apartment, nagtaka ako dahil nakabukas ang mga ilaw. May naaamoy rin akong mga pagkain mula sa kusina.

Pumunta ako ng kitchen. Nandoon si Ezq. Nagluluto siya!

"Hi, baby. Napansin ko na hindi ka kumain ng kahit ano sa party. So here, nagluto ako ng dinner."

Nakabuka ang bibig ko habang tinitingnan siya. I couldn't believe that he was in my apartment and cooking for me... just like before.

This isn't just a dream, right?

Inilapag niya sa lamesa ang pinggang hawak niya. "Sit down and eat."

"Mag... papalit lang ako," medyo tulala pa ring sabi ko.

"Don't. Ako ang magtatanggal niyan sa iyo mamaya," sabi niyang nakatingin sa dress ko. "You know I like peeling the clothes I bought for you off your body."

"Ikaw ang nagpadala ng damit na ito?"

"Of course. Now eat the food I prepared for you. You need energy, I will f*ck you later."

Oh shit!

RELENTLESS LOVE ✔️Where stories live. Discover now