"I'm your type? Katulad ako ng ex-girlfriends mo?"

He nodded. "You all have the face of an angel."

Face of an angel... Kamukha ko ang ex-girlfriends ni Kiefer... ang ex-girlfriends niya na nagpa-seduce kay Ezq. Cheaters... Bakit parang napakaimportante ng nalaman ko na iyon? Pero bago ko pa ma-figure out ang implikasyon ng sinabi ni Kiefer ay may nakakuha ng pansin ko.

Oh shoots! It's Ezq!

Nakatayo si Ezq sa di-kalayuan. Napapalibutan siya ng mga babae na gaya ko ay nakasuot ng mamahaling dress. Itinaas ni Ezq ang hawak na baso ng wine bilang pagbati sa akin pero nanunuya ang ngiti niya.

"What's wrong?" tanong ni Kiefer.

"Nandito si Ezq."

"Kung hindi ka komportable—" Parang isa-suggest ni Kiefer na umalis na kami.

"It's okay. Mukha namang hindi siya gagawa ng gulo."

Actually, natutuwa ako na nagkita kami ni Ezq sa party. Ito talaga ang gusto kong mangyari, ang makita niya na magkasama kami ni Kiefer dahil iyon ang maglalapit sa akin sa kanya. Gagawa siya ng paraan para magkalayo kami ni Kiefer kaya lalapitan uli niya ako. Iyon ay kung tama ang hinala ko.

"Hanapin natin si Mommy."

"Puwedeng ikaw na lang? Medyo sumasakit kasi ang paa ko."

Halatang hindi ko naloko si Kiefer; alam niya na si Ezq ang dahilan kung bakit hesitant akong umalis sa kinatatayuan ko. Gayunman ay hindi niya ako pinilit na sumama sa kanya. Iniwan na niya ako para hanapin si Mrs. Khanh.

Sinulyapan ko si Ezq. Mas marami nang babae sa paligid niya. Sheesh. Why couldn't they just leave him alone? Para silang mga bubuyog na masarap bugawin o hampasin.

Almost twenty minutes na ang lumilipas pero hindi pa rin ako nilalapitan ni Ezq gaya ng ipinapanalangin ko. Iniwan na niya ang mga babae at may kausap na siya ngayong matandang lalaki na may makapal na balbas. Sino kaya ang matandang lalaki? Parang masaya ito na kausap si Ezq. He looked proud or something.

Na-shift ang atensiyon ng mga tao. Nakatingin na sila sa babaeng naglalakad sa gitna ng Grand Ballroom. It was Katrina Olbes, and she looked exquisitely glamorous in an Oscar de la Renta dress.

Nakatingin rin sa kanya si Ezq. He was smiling at her. It felt like my heart was ripped to pieces. Nang lapitan at halikan ni Katrina si Ezq sa pisngi, inalis ko ang tingin ko sa kanila dahil hindi ko na nakaya ang sakit na naramdaman ko sa eksenang iyon. Pero hindi ko magawang humakbang. Masakit pero ayokong tumakbo na lang palayo.

"I'm sorry I took so long," sabi ni Kiefer pagbalik niya. "Pinuntahan ko pa si Mommy sa labas. Umalis na pala siya rito dahil mayroon daw nakakasira sa paningin niya."

"I guess that's Ezq."

"I guess so too." Tumingin siya sa kinaroroonan ni Ezq. Kumunot ang noo niya. "What's he up to? Why's he talking to Chairman?"

"Chairman?"

"Eustace Khanh Senior. My grandfather and the Chairman of PCBC."

Ang lalaking may balbas, lolo siya nina Kiefer at Ezq?

"You know what's even weirder in this scenario?"

"What?"

"Si Katrina Olbes na anak ng may-ari ng OLB Bank."

"Ano'ng weird doon?"

"Mahigpit na karibal ng pamilya namin ang mga Olbes sa negosyo. But there's my grandfather, happily chatting with Ezq and Katrina. I don't feel good about this." Ibinalik ni Kiefer ang tingin sa akin. "Anyway, hindi na natin makakausap rito si Mommy. But would you like to meet my grandfather?"

RELENTLESS LOVE ✔️Where stories live. Discover now