30 Ending (Promises)

Start from the beginning
                                    

Napatango si Rica. "Okay. Good night Dominic."

Pilit na napangiti ang lalaki rito. "Good night."

Umakyat at nagtungo na si Rica sa kaniyang kuwarto subalit hindi pa rin niya maialis sa isip ang pag-aalala na baka isauli siya ni Dominic sa kakambal nito. Sinamahan naman niya ito na hanapin si Vernice, siguro naman ay may isang salita ito nang sabihin niya na tutulungan siya nito na makalayo kay Casper.

Sana nga...

Ngunit may parte pa rin talaga ng isip niya na lubusang natatakot sa maaaring mangyari sa kinabukasan.

ALAS NUEVA NA nang umaga at kasalukuyan pa ring nahihimbing ang tatlo sa pagtulog. Samantalang sa labas naman ng bahay ay may mga mabibilis na paang naglalakad patungo sa may pintuan sa harap.

Naalimpungatan si Dominic sa mga kaunting kaluskos kaya daig pa niya ang kidlat sa bilis nang puntahan niya ang main door ng bahay. He twisted the knob and opened the door.

He was met by his twin's worried face. "Where's my wife?" he whispered. Akmang papasok si Casper ngunit hinarangan siya ni Dominic. "Goddamn it Dominic! Let me pass!"

"Leave," tanging tugon naman ni Dominic.

"What do you mean 'leave'? I want to see my wife!"

Madiin na hinawakan ni Dominic sa braso si Casper dahil sa pagpupumilit nito na pumasok. "She doesn't want to see you, mabuti pa umalis ka na. Natutulog ang asawa ko sa loob, ayaw kong mabulabog siya dahil sa pangugulo mo."

Marahas na binawi ni Casper ang kaniyang kamay. "Hindi ako nanggugulo Dominic! I just want to see my wife, and what do you mean that she doesn't want to see me anymore? If you don't want trouble, then let me pass."

"You heard me right. She doesn't want to see you anymore. Naalala niya na ang lahat, naaalala na niya ang lahat ng nangyari sa nakaraan niyang buhay. Just please, go away..."

Casper's eyes widened because of what he heard. "No... no. That can't be. Bakit mo sinabi sa kaniya?! Akala ko ba hindi ka makikialam?!" Dominic tried to reason with his twin but his words were not reaching Casper. "Rica! Rica lumabas ka kung nasaan ka man!"

Itinulak ni Dominic palabas ang kaniyang kapatid. "Stop it Casper! Sinabi ko na sa'yo na umalis ka na!" bulyaw ni Dominic. Halos yumanig ang paligid dahil sa lakas ng pagkakasabi niya sa linya niyang iyon.

Naalimpungatan din ang dalawang natutulog sa itaas. Dali-daling nagtungo si Rica sa may hagdan para tingnan kung ano ang nangyayari. Halos madapa siya nang manlambot ang kaniyang tuhod nang makita niya ang kaniyang asawa. Hindi, bakit siya nandito?!

Sa kabilang banda ng itaas ng hagdan ay naroon din si Vernice na pupungas-pungas pa habang nakasilip.

Nanlamig ang buong katawan niya nang magtama ang kanilang mga mata ni Casper. "Rica..." anas nito sa kaniyang ngalan. "Mahal ko, sumama ka na sa akin. Umuwi na tayo..." anito sa nagsusumamong tinig.

Paulit-ulit na napailing si Rica. Ang pagsama rito ang pinakakinatatakutan niya sa kasalukuyan. "Hindi, Ayoko!"

His eyes widened more, then his iris turned into golden red because the anger, his pupils' shape turned into an elongated diamond. "Sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo!" madiin nitong wika.

In split seconds, Casper immediately appeared in front of her by using his vampire speed. Akmang hahawakan siya nito nang bigla na lang itong mapaubo ng may kasamang dugo. Namilog ang mga mata ni Rica dahil sa biglaang pangyayari niyon.

She wasn't expecting that.

They both looked down on his chest. Basang-basa na sa pulang likido ang kulay abong t-shirt nito dahil sa patalim na nakatusok sa gitna ng dibdib nito. "R-Rica..." he managed to say. His pained expression caused a tear to fall down from Rica's eyes. Puno ng pagmamakaawa ang mga matang tinitigan niya ito. "Sumama ka na sa akin, mahal ko. Nakikiusap ako..."

Married to a Stranger [R-18] [Completed] [Published]Where stories live. Discover now