1234 - Hindi ako tameme!

41 2 0
                                        

1234 - Hindi Ako Tameme!

Ilang santo rin ang tinweet ko para gabayan nila ang isang mahabang byahe habang magkatabi kami ng pinakamamahal kong si Aica. Dahil medyo maliit yung tricycle ay dikit na dikit sya sa akin. Gusto ko na syang ibag at iuwi sa amin. <(ˍ ˍ*)>

"Oy," sabi nya at ngumiti pa. "Ayos ka lang? Natahimik ka na naman dyan!" At natawa pa sya. Hindi ko na alam kung paano ako sasagot dahil ang naiintindihan ko na lang ay mahal ko ang babaeng ito at hindi ko pa rin masabi sa kanya. Bakit ba hindi ko masabi? Bakit ba hindi ako makapagsalita ng dalawang salita na hindi ko napagdududahan? Sigurado ako. Diba?

"Oo," na lang ang sabi ko. Wala lang. the shorter, the safer. Mamaya, ugh na lang masasabi ko.

"Then bakit tense ka? Hahaha, natatae ka no? Hahaha!" Sabi nya at natawa ng malakas. Halakhak na parang may sinabi akong joke na sobrang nakakatawa. Ano ba yun?

"H-hindi ah!" Pero pramis, parang natatae nga ako. Kinakabahan na ako eh! Halaaaaa!

"Wooo! Yung totoo?" Sinundot-sundot nya pa yung tagiliran ko at parang lalo lang akong natense. Hinawakan nya ang T-shirt ko. Waw.

"H-hindi," nauutal na sabi ko. Tae, bat ngayon pa nag-traffic? Natetense ako dito! Para akong hihimatayin!

"Woo, kapag bumaho, alam na!" At natawa na naman sya. Nyets, parang gusto ko na lumabas ng tricycle at kumaripas ng takbo pauwi! Kinakabahan na ako! Natatae na ako!

Nasa kalagitnaan na ako ng pagdedesisyon kung paparahin ko yung tricycle o hindi nang bigla nya hinawakan yung braso ko.

Oo, hinawakan nya. Hinawakan. Ni. Aica. Ang. Braso. Ko. "Biro lang."

Kusang bumilis ang hininga ko, hindi makapaniwalang hawak nya ako. Dahan-dahan akong napatingin sa kanya, nag-iinit ang mukha.

Nakangiti lang sya sa akin, 'yung mata nya na nakakalaglag-boxers habang lalong lumalapad yung ngiti nya.

Doon ko naramdaman na malaki ang kasiguraduhan kong mahal ko talaga ang babaeng ito. Kahit hindi ko masabi o kahit hindi nya alam, mahal ko sya. Kahit hindi ko naipapakita, mahal ko sya. Kahit na torpe ako, mahal ko sya. Seryoso. Mahal ko si Aica. Mahal ko si Aica.

"Ma-"

⊙__________⊙

Muntik na! Muntik ko na masabi! Agad syang napalingon sa akin, nakataas ang kilay. Halatang narinig kung ano ang sasabihin ko. Anak ng gravy! Kill me now! "Hmm?"

Hala! Anong palusot na sasabihin ko? Anong kasinungalingan? Hindi ko kaya magsinungaling. Wag ka na lang umimik, Meico! Magaling ka naman dyan, diba? Or else, bakit hindi nya pa rin alam? Napabuntung-hininga ako, saka umiling.

"O. Bakit ka naman nalungkot?" Bakas rin sa mukha nya ang pagpapalit nya ng emosyon. Adorable. ♥

Since hindi ko naman masabi na mahal ko sya, ang sasabihin ko na lang ay yung nararamdaman ko dahil di ko masabi sa kanya. Napabuntung-hininga ulit ako. "Nakakainis lang na yung mga bagay na hindi natin masabi.. Ay yung mga bagay na matagal na natin gustong ipagsigawan."

Halata namang nagulat sya. O natakot dahil may katabi syang may diperensya sa utak. Either way, napangiti pa rin sya. Ang hilig nito ngumiti no? "Baka kasi dahil hindi mo pa kailangan sabihin yun. Or yung mga bagay na gusto mo sabihin ay balak mo isigaw sa ibang tao kahit na nararapat ito sa iba."

Napapikit ako. Naiintindihan nya ba ang sinasabi ko? Bakit parang may sinasabi sya? Bakit parang alam nya? Mahal nya rin ba ako? "Ha?"

Napailing lang sya, napatingin sa daan na masyado nang madilim. "Hay nako, Mico. Ang gwapo mo."

1234Where stories live. Discover now