Chapter 1

4K 117 40
                                    

Chapter 1


Ang lahat ay walang kamalay malay sa nangyayari. Ang lahat ay bulag sa katotohanan.

"Tita sorry po!"

Napalingon si Ynez sa batang tumabi sa kanya.

"Sorry po tita wala po akong nagawa nung madulas si Jazmin sa pool. Hindi din po kasi ako marunong lumangoy" sabi ni Yara na nakayuko

"Huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari Yara. Walang may kasalanan aksidente lang ang lahat"

"Pero...."

"Sige na Yara. Ayoko muna makarinig ng kung ano ano ang gusto ko lang isipin sa ngayon ay ang mga magagandang alaala ni Jazmin"

"Okay po tita"

Umalis si Yara sa tabi ng tita Ynez niya. Lumapit siya sa kabaong kung saan nakahimlay si Jazmin.

Pinakatitigan niya ang mukha ni Jazmin. Ngumiti siya. Kung may makakakita lang ng mukha niya ng mga sandaling iyon tiyak niyang mangingilabot ito sa itsura niya

"Tanga ka Jazmin! Ayoko sa mga papansin! Walang dapat sumapaw sa ganda at atensiyon na meron ako!"

FLASHBACK

"Alam mo Yara sabi ni mami maganda ka daw! Kaya lang mukha kang weird! Sabi ni mami mas maganda daw yung itsura ko sayo! Common naman yung itsura mo eh"

"Saka mas mayaman kami sa inyo mas magaganda ang mga damit ko, sapatos ko at lahat ng gamit na meron ako!"

"Yara"  (Very Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon