Kabanata 4

20 2 0
                                    

Isang araw ng biglang may tumigil na magandang sasakyan sa tapat ng bahay nina Sioni, nasa bukid si elaine at pinag dala sya ng pananghalian para kina piyo... Nagtaka si Sioni at ang lumulan sa sasakyan ay si Mr. Olivar.....

"Mr. Olivar,napadalaw po kayo dito sa amin?.. " bati ni sioni

"Sioni hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, simula ng makita ko ang anak mo noon sa bayan hindi na matahimik ang isip ko..."

"Bakit po Mr. Olivar? "

"Sioni nararamdaman kong nagkakagusto ako sa iyong anak"

"Pero Mr. Olivar.. Alam nyo naman ho siguro na malaki ang agwat ng edad nyo sa anak ko at...... Bata pa si elaine.. "

"Alam ko Sioni.. pero hindi talaga ako matahimik simula nung araw na yun."

"Mr. Olivar baka po humahanga lng kayo sa anak ko?"..

"Sioni hindi ito pag-hanga lang, handa akong ibigay lahat kapalit ng pagpapakasal ni Elaine sa akin."

"Pero Mr. Olivar,..hindi ko ho ipinagpapalit ang anak ko sa kahit anong bagay o pera man.. "

"Sioni pag isipan mo din, kahit ang bahay nyo ay kaya kong pagandahin at palakihin,sasagutin ko ang pag aaral ng bunso mong anak at si Elaine ay pag aaralin ko rin.. Ipapangako ko sa iyo na ihihiwalay ko ang kanyang kwarto na tulugan hanggang sa matutunan nya akong mahalin at kaya ng tabihan.. "

"Mr. Olivar napakahirap ho ng hinihingi nyo, alam kong mahirap lang kami pero wag nyo po sanang silawin kami sa inyong kayaman.. "

"Hindi kita sinisilaw sa kahit ano Sioni,..itong inaalok ko saiyo ay pagiging praktikal lang, nakakasiguro naman akong mamahalin ko ang iyong anak at lahat ay ibibigay ko sa kanya. Hindi sya maagrabyado sa pagpapakasal nya sa akin..

"Mr. Olivar, hindi po ako makakapayag sa inyong kagustuhan, mabait kayo sa akin pero iyon ay tatanawin kong malaking utang na loob pero ang ipakasal sa iyo ang aking si Elaine, yan ang hindi ko kayang gawin"..

"Sioni, alam mong kailangan din ito ni elaine. Lalo na at makakapag aral pa sya. Hindi ko naman sya kukunin sayo bagkus ay ilalagay ko lang sya sa maayos na buhay.. Araw araw ko syang pabibisitahin dito o kaya naman ay pwede mo syang dalawin sa mansyon"..

"Ipagpaumanhin po ninyo Mr. Olivar hindi ko ipinagpalalit ang anak ko sa kahit ano,mawalang galang na pero makakaalis na po kayo. Salamat na lang sa alok ninyo! "

"Pero Sioni.. Pag isipan mo din ang alok kong ito at alam mo nama---..

Naputol ang sasabihin ni Mr. Olivar ng biglang........

"Sandali inay! " si elaine lumabas sa pagkukubli sa likod ng pintuan..

"Anak - elaine kanina ka pa ba riyan?" ..tanong ni sioni..

"Opo inay at narinig ko lahat ang napag uusapan ninyo ni Mr. Olivar" sagot ni elaine.

"Anak wag kang mag-alala hindi ako pumayag sa kagustuhan niya"..

"Pero ako pumapayag ako inay!" sagot ulit ni elaine.

"Pero anak hindi mo alam ang sinabi mo. "

" Mr. Olivar?" baling ni elaine sa matanda..

" Maipapangako mo bang, tutuparin mo lahat ng sinabi mo sa inay ko,kapalit ng pagpapakasal ko saiyo?"
tanong ni elaine

"Oo elaine ipinapangako ko..Lahat ng hihingin mo para sa inay at kapatid mo ibibigay ko pati na ang para sayo ibibigay ko"sagot ni mr olivar.

"Sige Mr. Olivar,pumapayag ako sa gusto mo. Ibigay mo lahat ng sasabihin ko at ihanda mo na ang kasal natin at pakakasalan kita" sabi ni elaine.

"Pero anak? Hindi mo kailangan gawin ito! " tutol ni sioni

"Inay desisyon ko ito, hayaan nyo na lang po ako. Para po sa inyo ni aldrin ito at gusto kong makatapos sa kolehiyo.. " sagot ni elaine

" Kung ganoon elaine,bibigyan kita ng isang linggo para makasama mo ang inay at kapatid mo pero, pagkatapos niyon sa mansyon ko na ikaw ti2ra at magpapakasal na tayo. "

"Sige pumapayag ako Mr. Olivar" sang ayon ni elaine.

"Aalis na ako, asahan kita Elaine sa napagkasunduan nating ito" natutuwang sabi ni Mr. Olivar..

Nang makaalis si Mr. Olivar kinausap agad ni Sioni ang anak...

" Anak bakit ganon na lang ang pagpayag mo sa alok ni Mr. Olivar?"

"Inay ito na ang pagkakataong, hinihintay natin kaya ayaw ko po itong palampasin. " sagot ni elaine

"Anak ayaw kong kunin saiyo ang kalayaan mo, kapalit ang pagiging masagana natin....ni aldrin. Kinakaya naman natin kahit bukid lang ang pinagkukunan ng ikinabubuhay natin di ba"..

"Inay masyado ng malaki ang sakripisyo ninyo sa aming magkapatid,..kaya po ako naman. Wag kayong mag alala kaya ko na ang sarili ko.Kayo ni aldrin ang Mahalaga sa akin. "

"Pero elaine pede pang magbago ang isip mo. " payo ni sioni sa anak.

"Inay hindi na po mababago desisyon ko. " sagot ni elaine.

"Anak ayaw kong pagsisihan mo ito sa banda sa huli...Pero kung yan talaga ang desisyon mo,wala Na akong magagawa pa." napipilitang sang ayon ni sioni.

"Inay kaya ko ito.. Mukha naman mabait si Mr. Olivar. Inay pangako kapag nag-aaral na ako,pagbubutihan ko inay. "

"Anak may isang linggo ka pang pagdedesisyon. Pag isipan mong mabuti anak. Mabigat sa kalooban ko ang makasal ka sa taong hindi mo lubusang kilala at higit sa lahat hindi mo mahal. " pagil pa rin ni sioni sa anak..

"Inay hindi na po mababago desisyon ko dahil ngayon pa lang buo na ang pasya ko. " sagot ni elaine..

"Basta pag isipan mo pa rin anak, kalayaan mo ang nakakasalalay dito." kumbinsi ni sioni..

"Inay ipangako ninyo sa akin na kapag sa mansyon na ako nakatira dadalawin ninyo ako doon,..kayo ni aldrin.." sabay yakap ni elaine sa ina.

"Anak ko wala na akong anak na hihilingin pa, maliban lang sa inyong dalawa ni aldrin. " umiiyak ng sabi ni sioni

"Inay wag na po kayong umiyak, isipin nyo na lang po na nag-aaral lang ako kaya po mapapahiwalay ako sa inyo ni aldrin." alo ni elaine sa ina

Natapos ang usapan ng mag-ina at ang desisyon ni Elaine ay buo na pakakasal sya sa mayamang si Mr. Olivar..

At lumipas ang maghapong araw-araw na paulit ulit lng ang ginagampanan nilang mag ina,. Bukid bahay, bukid bahay,....

Isinasaisip ni elaine ang kapakanan ng ina at kapatid niya.
Kalayaan nya, kapalit ng karangyaan at kasaganahan sa buhay.
Yun naman ang pangarap ng isang anak na tulad ni elaine para sa pamilya nya.
Bata pa lang siya ng maulila na sila ni aldrin sa ama, na ang tanging naiwan lamang ay ang hindi kalakihang sakahan at taniman ng gulayan.
At kapag minamalas pa sila sa anihan, parang natabunan sila ng langit at lupa dahilan ng pang hihinayang.
Pang hihinayang sa, pagtityaga sa araw araw na pag aasikaso sa mga pananim. Kasama na ang pagtityaga sa mga alagang hayop na kapag napepestehan at nangAkamatay ay lugi pa sila sa nagastos para sa pagkain ng mga ito. Pagod at hirap kapalit ng hindi kalakihang kita ng mag-ina sa bukid at mga alagang hayop na pinagkukunan nila ng pang araw araw na pagkain.. Ang ganitong pamumuhay ay napakahirap kahit na sila ay tatatlo lang na kumakain.
Saging, kamote, at iba pang halaman lupa na pwedeng kainin galing sa bukid nila ay siyang kanilang kakainin kapag wala na silang mapagkunan ng kakainin..
Ganyan ang pamumuhay ng isang Elaine Samoria.
Bagay na nagtulak sa knya upang tanggapin aang malaking alok ng matandang mayaman sa kanya,
ano nga bang pakialam nya sa sasabihin ng iba kung ito ang paraan na magdadala patungo sa pagtupad ng mga pangarap nya..

YOU TO ME ARE EVERYTHINGWhere stories live. Discover now