Four down. Six to go.

Ilang minutong natahimik ang bahay nila. Hindi alam ni Richard kung bakit, naubos na ba niya? Ang bilang niya kasi ay sampu ang pumasok sa bahay nila para hulihin siya. Dahil illegal na sundalo siya.

Bigla na lang pinaulanan ng baril si Richard. Nakita na pala kung saan siya nagtatago.

"There you are!!"sigaw ng isang sundalo.

"Find all the other members on this house! His family! Kill them!"

Pumasok ang mga sundalo ng Verona sa kwarto kung saan nandoon si Janine at ang kanyang anak.

Natunugan ni Janine na kailangan siya ang mahuli. Para makaligtas ang anak niya. Sinadya ni Janine mag-ingay sa closet.

Binuksan ng Veronian Soldier ang closet. "Huwag! P-please..."pagmamakaawa ni Janine.

"I don't think they have kids. Cause if they have? I'm sure the kid will be there hiding with her pretty mom" nakakangiting sabi ng Veronian Soldier habang hinihipuan si Janine.

Wala namang magawa si Janine kundi ang magpigil sa pag-iyak.

"She's pretty, huh?"komento ng isang Veronian Soldier.

Umiiyak si Janine habang sinasaktan at hinihipuan siya ng mga Sundalo. Ayaw niyang manlaban o sumigaw dahil baka lumabas si Zeaus.

Puro ungol at mahinang hikbi lang ang maririnig sa kwarto. Habang nasa ilalim ang inosenteng si Zeaus.

Nang matapos pagpasa-pasahan si Janine ay binaril na siya sa ulo.

Nang maramdaman ni Zeaus na wala ng tao ay lumabas na siya sa ilalim ng kama.

"M-mama.... MAMAAAA..."sigaw ni Zeaus.

"P-papa!!!! S-si m-mama...."Naiiyak na sabi ni Zeaus. Nanginginig si Zeaus sa nakita.

Bumaba si Zeaus at hinanap ang Papa. Nakita din niyang nakahandusay ito malapit sa likod ng hagdan. "P-papa.... K-kala ko ba... l-labanan moa ng b-bad guys... S-sinalbahe n-nila si mama.. Papa..."

"Colonel..."malungkot na sabi ni Heneral Martinez

Napalingon si Zeaus sa isang lalaki.

Si Heneral Martinez.

Kakatag pa lang ng Hukbong Makabayan Pilipinas nung taon na 'yon. Plano ni Heneral Martinez pagsamahin ang grupong nabuo ni Col. Guevarra sa nabuo nila Heneral Martinez at Antony Cruz na Hukbong Makabayan Pilipinas.

Ilang taon na nag-aral si Antony at nagpayaman para mapondohan ang Hukbong Makabayan Pilipinas. Noon pa ay may plano na siya, Bata pa lang siya. Gusto na niyang gumawa ng Time Travel Machine para mabago ang nangyari sa Pilipinas.

Naka-ilang attempt na kasi si Antony Cruz mag-imbento ng kung ano-ano para mapabagsak ang Veronians. Pero lagging kulang at hindi sapat 'to. Masyado silang marami. Kaya napagdesisyunan niyang ilaan at igugol ang panahon niya sa pagawa ng Time Travel Machine. Nakapag-aral sa ibang bansa at likas na matalino naman si Antony Cruz.

END OF FLASHBACK

Kaya ganito na lang katindi ang galit ko sa mga putanginang Verona.

Hindi ko aakalain na mauulit 'to sa Pilipinas. Dahil sa walang kwentang gobyerno nasakop na naman ang Pilipinas.

Dinala ako ni Heneral Martinez dito sa "Hukbong Makabayan Pilipinas"siya ang nagpalaki at nagpasok sa akin dito. Siya yung tumayong tatay ko. Pinaga-aral din kami dito ng basics ng Math, Science, Filipino, English at History. Kumbaga overall basic knowledge lang tinuro.

TADHANAWhere stories live. Discover now