"We have no choice. Ayokong suwayin si Daddy sa utos niya. Hmm, kung gusto niyo ipag-kilala na natin ang mga bata. Para malaman natin kung papayag ba sila dito." Sagot ng kung sino man sa apat.

Hindi na ako nakinig pa sakanila. Sobrang sakit na ng ulo ko. Di ko na kayang i-absorb pa ang mga narinig ko. Pakiramdam ko sasabog na ito sa sobrang kakaisip.

Pumasok na lang ako sa kwarto ko at humiga na lang sa kama. Nilabas ko ang picture ni Jake na pinunit ko pa sa bago niyang magazine cover. Hindi ako papayag sa kasal na sinasabi nila, kung hindi  lang din naman si Jake ang magiging asawa ko.

Oo, sobrang obsessed na talaga ako artistang hinahangaan ko na kahit napaka-imposible ay siya ang ideal husband ko. But seriously, sa generation ngayon, hindi na uso pa ang fixed marriage. Pero bakit ganon ang usapan nila?




Sa sobrang pagiisip ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako habang hawak hawak pa din ang litrato ni Jake Villafuente.

"Baby, wake up. I have something to tell you." Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang boses ni Mommy.

Bigla naman pumasok sa isip ko iyong narinig ko kagabi. Eto na ba 'yon? Sasabihin na ba ni Mom sakin ang tungkol sa kasal na pinaguusapan nila kagabi? Gosh. Kinakabahan naman tuloy ako. Sana naman namali lang ako ng rinig.

"Baby, alam mo ba yung fixed marriage?" Dahan dahan pang sabi ni Mom na para ba akong isang 5 year old kung paliwanagan niya.

Magsasalita pa sana ulit si Mom ng putulin ko na kung ano man ang sasabihin niya. "I know na Mom kung anong sasabihin mo. Narinig ko po kayo kagabi." Sa wakas ngayon lang nag-sink in sakin lahat ng narinig ko kagabi. Nagulat naman si Mommy sa sinabi ko. Tama nga ata ako. Huhu. Magkakaasawa na ako ng wala sa oras. Ano ba yan! 

Hindi siya nagsalita at hinawakan na lang niya ng mahigpit ang dalawa kong kamay.

"Pasensya ka na, baby ko." Parang maiiyak pa ito.

At kahit hindi ko pa din tanggap ang nangyari ay ngumiti na lamang ako. "No need to worry Mom. It's okay." I lied.

Tumango na lang si Mommy at napailing na lang. "Okay, anak. Nagaantay na sila sayo sa baba. Kailangan natin silang makausap." Umoo na lang ako sa sinabi niya kaya lumabas na muna si Mom sa kwarto ko at ako naman ay dumiretso na sa CR para maligo at ayusin ang sarili ko. I need to do this, for the sake of my Lolo's will.

Pababa pa lang ako sa hagdan ay nakita ko na agad iyong magasawa na nagpunta dito kagabi. Lumapit naman sila agad sakin ng tuluyan akong makababa at nakipagbeso. May isa pang kasama ang magasawa na isang lalaki na sa tingin ko ay ka-edad ko lamang. Nakayuko ito at busy sa pag-cecellphone kaya naman di ko pa nakikita ang muka ng binata. Pero wala na akong pakialam doon. Ang dapat kong isipin ay ang 'fixed marriage' na narinig ko kagabi.

"William, meet Martha. Siya ang fiancee mo." Dahan dahan niyang inangat ulo niya at muntik na akong matumba sa kinatatayuan ko sa sobrang gulat. Waahhh! Totoo ba to? Siya yung magiging asawa ko? Siya yung itinadhanang ipakasal sakin?

Married To Mr. Artista #Wattys2016Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz