Chapter One:First day of school

7 0 0
                                    

Unang araw ngayon ng school at kasalukuyang kinukuha ko ang aking gamit sa school,papasok na kasi ako.

"Ma,alis na po ako.Baon ko po."sabay lahad ko sa kanya ng aking palad.Haha,pag baon talaga hindi nakakalimutan.

"Oh.."sabay abot nya ng 100 pesos."..mag-aaral ng mabuti ha lalo na ngayon na college ka na.Sige na umalis ka na at baka mahuli ka pa sa klase mo."sabi ni mama at itinuloy na ang pagwawalis.

Hay naku,umpisa na naman ng paghihirap ay este pag-aaral.Excited na ako na kinakabahan.Ano kaya ang mangyayari sa bagong hakbang ng buhay ko.Sana masaya pa rin.

Nandito ako ngayon sa highway at naghihintay ng taksi buti wala pang limang minuto ay nakasakay na ako.

**Seoul University**

Nasa gate na ako ng SU.Wow,ang ganda ng mga building kahit nasa labas ka pa lang ano pa kaya pag nasa loob ka na.

"Year?"tanong sa akin ng guard.

"First year po."sagot ko naman.

"Pasok na."sabi ni kuya guard.

Wow,ang ganda.Talagang modern na modern ang design ng mga school dito sa SU.Ang lawak ng plaza ng school na 'to at ang ganda kasi may mga bench na pwede mong upuan.Ang lawak nya,ang ganda sa mata ng espasyo ng school.Isa kasi ito sa mga sikat na school sa Korea.Bakit ako napapunta dito sa gantong kagandang school na 'to?Nag-apply ako sa sa mga nag-ooffer ng scholarship at sa kabutihang palad eh nakuha ako.Libre ang tuition fee ko dito kaya wala akong problema sa tuition ko,sa allowance naman pagpasok araw-araw ay kay mama na lang.

Oo nga pala hahanapin ko nga pala ang room ko.Saan ko ba yun hahanapin e ang laki ng school na to?

May isa akong babaeng nakasalubong at agad akong nagtanong dito.

"Miss,saang banda dito ang room ng mga freshmen."

"Freshmen din ako kuya e,gusto mo sabay na lang tayo hanapin ang kanya-kanya nating room?"magalang nyang alok.Buti mabait ang nakublit ko kasi alam nyo na pag private ang school mga snob at ang aarte ng mga estudyante except na lang sa akin at sa kanya pati na rin(kung mayroon)sa mga estudyante na tulad namin.

Hinanap na namin kung saang parte ang mga room ng mga freshmen.At sa kinahaba haba ng paglalakad namin..sa wakas nakita din namin at ang good news pa eh magkaklase kami.Sabay na kaming pumasok.

Magkatabi kami ng upuan,haist magpapakilala na naman.Kinakabahan ako buti matagal pa at sa bandang gitna kami umupo.Kinakabahan talaga ako.Bakit kaya pag first day of school kailangang magpakilala eh magkakakilala din naman kami pag matagal na,kinakabahan na ako lalo na't papalapit na akong magpakilala.

"Ayos ka lang?"tanong ni Tiffany sa akin.Anyway si Tiffany nga pala,sya yung babaeng kasama ko kanina sa paghahanap ng room namin.

"Aah?Oo kaso medyo kinakabahan ako."nanginginig na ako at ang lamig na ng mukha at kamay ko.

"Easy lang,malapit ka na oh."sabi nya.Tinignan ko yung katabi ko,wala na pala kasi nasa unahan na sya at nagpapakilala na.

"My name is Sehun Oh and as can you see I'm handsome man.I'm playing basketball at minsan ay nagcocompose ako ng kanta,kasama nun kaya kong tumugtog ng guitar and I'm only 21 yrs.old."sabi nito na confident na confident sa pagkakasabi nya.Medyo mayabang ang aura nya lalo na sa pagdedescribe nya ng sarili nya.

"Hoy Luhan ikaw na."gising sa akin ni Tiffany.Haist,bakit kasi napansin ko pa ang kayabangan nitong katabi ko napatulala tuloy ako at lalo pa ako nayabangan sa kanya ng..

"Pre nagwapuhan yata sa akin itong katabi ko."sabi nya sa katabi nya sabay tawa nila.Bale kasi two row lang kami at row one kami,pangatlo kami mula sa unahan ng row one at ako ang nasa pangalawang upuan dito sa pangatlong layer ng row one,sa bandang kaliwa.

Ganto arrangement namin.

Door Blackboard Teacher's Table

ROW1 ROW2
C1,C2,C3,C4,C5 SAME
C6,C7,C8,C9,C10 HERE
T,A,S,C14,C14,C15 IN
C16,C17,C18,C19,C20 ROW
C21,C22,C23,C24,C25 ONE

A=Ako,T=Tiffany,and S=Sya/Sehun

Ang kapal nya.Hindi ko na naipagtanggol ang sarili ko kasi ako na ang magpapakilala.

"Hi,my name is Xiao Lu or you may call me in my nickname,Luhan.Amf...that's all."

Gusto ko sanang sabihing ayaw ko sa mga taong mayayabang kaso baka isipin nya na affected ako sa sinabi nya.Wag na lang,mayabang sya oo sobra ng kayabangan ang ugali nya.Hai nakakakulo ng dugo,umupo na lang ako at si Tiffany na ang nagpakilala.At ito namang katabi nya sus playboy ata 'to.Ipagsigawan ba naman na maganda si Tiffany tuloy nahiya tuloy yung tao.Ewan ko ba sa lalaking yun masyadong eskadaloso basta ang naaamoy ko lang sa kanya eh playboy sya.Basta,bagay nga silang magkabarkada.

At yun nga,syempre first of day syempre di mawawala ang mga tanungan na kung saan nag-aral at kung ano ang may nakuhang mga award o honor nung highschool pa kami at kung ano ano pa.

"Ikaw Luhan anong honor o reward ang nakuha mo nun?"tanong sa akin ni Lester.Mabait sya hindi katulad ni Sehun.Sya yung katabi ng barkada ni Sehun na ipinagsigawan na maganda daw si Tiffany except dun magkaibigan sila pero hindi si Sehun yabang.

"Ah..ako?Valedictorian ako nun sa school naman at best in science tsaka sa Math."

"Wow ang talino mo pala.Swerte naman ni Tiffany may katabing valedictorian."sabi naman ni Justin na nasa unahan lang ni Tiffany nakaupo.

"Hingi na lang tayo ng sagot kay Luhan pag may mga quiz,haha."nagtawanan kami sa sinabi ni Lester.

Recess kasi ngayon at hindi na kami lumabas kasi pare-pareho kaming tinamad pumunta ng cafeteria.Kaya kanya kanya tuloy kami ng hila ng sariling upuan at nagkwentuhan.Oo,ang gulo na ng arrangement ng upuan ng row namin.Masaya na sana kami kaso may biglang may um-extra.

"Talaga,matalino yan si Deer Luhan?Hindi lang si Tiffany ang swerte kasi ang swerte ko din pala kasi katabi ko sya at syempre swerte nya din kasi may katabi syang gwapo,diba deer Luhan?"sabi nya na may pagngiti pa at pagtaas ng kilay.Hai umiral na naman ang kayabangan nito sarap itapon sa Bermuda Triangle ay.

"Grabe pare lakas ng trip mo ha?Wag mo naman bastusin ang kaklase natin."tanggol sa akin ni Lester.

"Pare totoo naman ha na ang gwapo ko at ang swerte nya.Hearthrob yata to haha"sabi nito na may pagkamongoloid.Ewan,yun ang nakita ko sa kanya eh.

At bigla naman sumulpot yung isa.

"Ako din swerte ko rin kasi malapit lang ang future wife ko sa akin."sabi bigla nung barkada nila Sehun at Lester.

Aba bakit kaya naririnig agad nila ang mga pinag-uusapin namin eh pareho lang silang kadadating pa lang.Talas naman pandinig nitong dalwang 'to.

"Tumigil ka dyan Nickhun kung hindi sasampalin na kita."pagbabanta naman ni Tiffany.

"Sige,kikiss-an naman kita."sabi nito na may pagngiti ngiti din.Haist sarap pag-untugin ng dalawa.

"Ewan ko sayong baliw ka."sabi ni Tiffany na walang kapigil pigil ang pagsabi ng baliw kay Nickhun.Nickhun pala ang pangalan nun.

"Ang sakit naman nun pare."dagdag pa ni Sehun.

"Hindi mo man lang ba ako ipagtatanggol Lester.Pare ang sakit."sabay hawak ng kamay nito sa dibdib at umarte pang parang nasasaktan.

"Pare tama na kasi yang mga kalokohan nyo."

"Haha loko loko talaga 'to.Makisama ka naman sa biro ko,sayang effort ko sa pag-arte."sabi nito.

Ei ewan.Buti na lang nagtime na at may dumating na din na proffesor.

Naasar ako sa katabi ko kahit na hindi kami nag-uusap.Haist,nadidistract tuloy ako sa pakikinig ng lesson.

In 123456789 hours,hai salamat uwian na din.Half day lang kami,salamat di ako mabuburo sa kainisan sa mongoloid na 'to.Hai,ang pagod talaga ng first day of school.

The Promise(Hunhan Fan Fiction)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora