Loading... 1%
"Tinitingnan mo na naman 'yan? 'Di ka pa ba nagsasawa?"
Napalingon ako bigla dahil sa pagkagulat. Ah, si Amy lang pala. Dali-dali kong ni-minimize ang file na naka-open sa aking laptop, at tuluyang humarap sa kaniya. "Ano bang sinasabi mo, Amy?" Ngiting-ngiting pagmaangan ko.
"Nako Ate, style mo...! Bahala ka nga dyan. 'Wag kang iiyak iyak mamaya." Pagkatapos ay lumabas na siya sa kwarto. Hay. Ano naman bang magagawa ko? Bumalik ang tingin ko sa harap ng laptop. Manginig-nginig kong inabot ang keyboard at pinindot ang...
Enter
Loading... 1%
Nararamdaman ko ang namumuong luha sa mga mata ko. Hindi ko na kaya. Kailangan ko ng mayayakap. Tuloy-tuloy ang pagtulo ng aking mga luha. Nanghihina ako, pati ang mga luha ko ay hindi ko na kayang kontrolin. Biglang bumagsak pabukas ang pintuan ng kwarto ko. "Ate...!"
Dire-diretsong umupo sa tabi ko si Amy, habang pinapatahan ako. "Ate naman eh. Pa'no ka n'yan? Hindi naman pwedeng palaging mo na lang siyang iniiyakan! Kalimutan mo na!"
Kalimutan mo na!
Kalimutan mo na!
Kalimutan? Sana nga gan'on kadali.
~~~~~~
"Happy Anniversary, Ma!"
"Happy Anniversary, Pa...!" Pagkatapos ay hinalikan niya ako sa noo. Dumiretso sa ilong, at dumapo pababa sa... labi ko. Nagsimula akong tumugon sa halik niya. Two years. Two years na kaming magkasama sa lahat. "I love you, Ma. Tara kain?"
Nauna siyang pumunta sa table at hinanda ang uupuan ko. Nanatili lang akong nakatayo. "Oh Ma, anong problema?" Nag-aalalang tanong niya sa'kin. May naramdaman kasi akong kulang. Parang... "I love you too, Pa." Alam ko na...? 'Yun yung kulang?
Napalitan nang malapad na ngiti yung pagaalala sa mukha niya. Hinawakan niya ako sa kamay at in-escort papunta sa upuan. Para akong nakuryente. Ulit. Sa bawat pagkakataon na hahawakan niya yung kamay ko, panay pa rin akong nakukuryente.
Natapos ang gabi na pareho kaming masaya.
~~~~~~
Loading... 19%
Patuloy kong bino-browse ang mga lumang picture naming magkasama. Ah, ang ganda ng pagkakakuha nito. Diba ito yung picture namin nung second anniversary namin? Ni-move ko ang cursor para makita ko pa ang ibang mga litrato. Napapanatag ako kapag nakikita ko yung mukha niya, pero at the same time... maiiyak ulit ako.
~~~~~~
"Pero Dad, bakit?!"
"'Wag kang makialam dito, Amy. Hindi ikaw ang kinakausap namin."
"Pero Da--!"
"Amy! Pumunta ka sa kwarto mo."
Hindi ko alam kung bakit, kung pa'no. Ayos naman ang lahat kahapon eh. Pero... bakit biglang nagkaganito? Ano na lang ang masasabi ko kay Bren? Na iiwan ko na yung kuya niya ng walang dahilan?
"Ngayon Gene, kakausapin ko ang lalaking 'yun sa ayaw at sa gusto mo." Banta ni Dad.
"Pero Dad! Wala naman siyang ginagawa! Wala kaming ginagawa!" Pilit kong laban kay Dad. Pinapapunta nila ako ng ibang bansa dahil daw hindi kami nararapat ni Bonn sa isa't isa? Anong klaseng rason 'yun?
