Sana

9 3 1
                                        

Naalala ko pa...

May event noon sa school. Kumakanta ka sa stage. Unang kita ko palang sa iyo, nabihag mo na ang puso ko. Ang ganda ng boses mo pati iyang ngiti mo. Sayo lang naka focus ang attention ko hanggang nang matapos kang kumanta. Tumalikod ka at sa damit mo, may nakasulat na pangalan mo.

Siyempre, agad na akong gumawa ng moves pagkatapos nun. Nagtanong tanong ako kung ano ang buong pangalan mo.

Ka-close mo pala ang karamihan sa mga classmate ko kasi president ka sa isang club. Sayang. Hindi ako active sa extra-curricular activities. Kaya malamang di mo ako kilala.

Kapag hinihintay namin na lumabas ang mga seniors, inaabangan kita. Kaya lang kapag nagsasalubong tayo, lagi kang nakatingin sa cellphone mo o di kaya busy kang nakikipag-usap sa kasama mo. Hindi mo manlang ako mabigyan ng kahit ligaw tingin.

Lumipas pa ang mga araw ganun parin. Ikaw parin ang gusto ko. Kinuha ko yung cellphone number mo sa classmate ko then nagtext ako sa iyo.

Sobrang kinabahan ako nun. Nagreply ka at tinanong mo kung sino ako pero hindi ko sinabi ang totoong pangalan ko. Gumamit ako ng ibang pangalan. Sinabi ko sayo na idol kita. Sobrang dami ng kinukwento ko sayo. Kahit puro "haha" lang ang iyong reply, natutuwa ako. Nung nagtagal, nag kwento ka na rin ng mga nangyari sa buhay mo. Ang daldal mo pala. Ako naman muna ang nagreply sayo ng "haha" kasi naman, sobra ang epekto mo sakin. Na speechless ako sa tuwa.

Naalala ko pa nung nagtext ka ang sabi mo "tawag ka kakantahan kita" Kahit sobrang kinikilig ako, hindi kita sinunod. Ayoko. Hindi mo pa ako kilala. Nagsinungaling ako sa iyo. Alam kong hindi mo ako magugustuhan. Alam kong magagalit ka lang kapag sinabi ko sayo ang totoo.

Kaya hindi ako nagreply. At iyon na ang huling text na natanggap ko galing sa iyo. Tumigil na din ako sa pagte-text sayo.

Pero naghihintay parin ako.

Naiinis ako sa sarili ko. Sinayang ko yung pagkakataon.

Ngayon, sobrang dami na ng humahanga sayo. Sobrang sikat mo na.

Pero nandito parin ako sa malayo tinitignan ka.

Lagi din akong nanonood kapag nagpeperform kayo.

Sana mapansin mo ako.

Sana balang araw, ang mga kinakanta mo ay para sa akin. Sa akin mo inaalay.

Pero hindi. Kailangan kong tanggapin na nasa real world tayo. Hindi mangyayari sa atin yung nababasa kong love story sa mga libro.

SanaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon