"In the beggining"

5 0 0
                                        

Lunes ngayon, unang araw ng pagiging 2nd year high school student ko. Para sa akin isa lang tong boring na araw sa skwela, hay gusto ko na sana magtrabaho pero sa murang edad ko na to hindi pa pwde eh. Kaya naligo nlng ako, kumain, nagbihis, at tsaka nagpaalam at umalis na. Meron nga pala akong dalawang lalaking kapatid, mga bata pa sla puru nasa gradeschool. Ayun nga, papunta na ako sa skwela at nakarating rin. Tinext ko yung bff ko, Viena pangalan nya. (A: asan ka na? Andito na ako, excited na kong makita ka!
S: parating na, malapit na ko. Hintayin mo ako sa guard house see you!) Pagkatapos ng ilang minuto ay nagkita na rin kami, at yun nga pagkasalubong namin sobrang lakas ng tili an namin. Para kaming hindi nagkita ng isang taon ah! Hahahaha :D kaya ayun, kwento kami ng kwento. Pumunta kami ng canteen para pampalipas ng oras. Wala pa nman kaming schedule eh, ganito kasi sa skwelahan namin kami na yung hahanap ng schedule namin since 2nd yr hs na kami. Sa Abellana National School nga pala ako nag-aaral, dito ko napiling mag aral kasi andito yung mga kaibigan ko simula bata pa eh hehe kaso medyo hindi na kami magkaka sabay sabay ngayun kasi busy na. Ayy! Sa kakakwento ko hindi ko namalayan alas onse na pala! (A: bff kain na tayo, lunch break na oh! Medyo gutom na ako.
S: oh sge bili muna tayo ng makakain)
Pumunta na kami sa pabilihan ng kanin at ulam at nag simula ng kumain. (Ilang minuto lumipas, tapos na kaming kumain at *kringgggggggg) ayun! Nag bell na, pasok na kami sa RSD. Sabi don sa listahan, room 314 yung samin kaya hinanap namin. Andun lang pala sa 2nd floor, hindi pa kami masyadong marami dito sa room at puro lang kami babae. Kanya kanya kaming hawak ng cellphone ng bff ko, may mga katext kasi kami eh hehehe :P at ayan na, dumarami na ang mga tao dito sa room! Syempre kami ng bff ko naghahanap kami ng mga gwapo :D lingon dito, lingon doon. At ayun nga, ang nahanap namin ay yung kakilala ng bff ko Eugene ata pangalan? Oo sya nga! kakapasok palang ang kukulit at iingay na ng mga boys grabe! So yun na nga, dumating na yung adviser namin. Naka salamin, maputi, rebonded tsaka mga nasa 20-30's na. At hulaan nyo kung ano ang sunod na nangyari? Tama! Nag introduce kami ng aming mga sarili (introduce dito, introduce doon) yan! Bff ko na! Pumunta na sya sa harap at sinimulan ang pagpapakilala. (S: ako po si Viena Mae Aya-ay, 13 yrs old... *pinutol
Lalaking mataba, Pete ata pangalan: ha?! 13 ka palang? Akala ko ko 17 o kaya 16!) Wow ha! Makapanlait sa bff ko parang ang gwapo! Che! Sarap batukan!! Umupo na yung bff ko, at eto na ako na! Nanginig kamay ko, mga mata nila nasa akin! pano ba to? Kalma lang, ngisi lang at simulan mo na! (A: ako nga po pala si Gabrielle A. Aballe, 13 yrs old, pwde nyo kong tawaging Gab) umupo na ako, hay salamat tapos na. May pumasok, dalawang babae, yung isa maputi at may straight na mahabang buhok. Yung isa naman singkit! (A: oy bff, tingnan mo yung babaeng nasa likod natin, yung singkit? Na may dalang gitara?
S: oh bakit?
A: ganda nya no? Parang crush ko na sya :D
S: tanungin natin yung pangalan nya
*lingon at ngiti
BFF: hi! Marunong ka ba mag gitara?
S: oo, bakit?
A: wow, kababae mong tao marunong ka nyan? Nga pala, anung pangalan mo?
S: Shaznee *ngiti) huwaaaaw!! Grabe yung ngiti nya oh nakakatunaw! :D hoy! Hindi ako tomboy ha wag kayung ano! nagagandahan lng ako sa kanya, ang kyot kasi ng mga mata nya hahahaha :)) (Mam: okay let us start our votation for the class president) at yun nga, hindi ako nakinig. Kami ng bff ko hahaha eh anong magagawa nyo? Ka vibes kami sa lahat ng bagay eh :P hayy ang boring! Makabasa na nga lang ng ebook. basa dito, lipat ng page, lipat, lipat, at! (Babaeng medyo mataba at mabahang buhok: I nominate her for muse *sabay turo sa akin
Bff: hoyyy! *sabay hampas sa balikat ko* nominado ka bilang muse!!
A: anoooooo?! O.O
Mam: okay please stand up candidates for muse
Bff: oh tayo daw! *sabay tulak) ayyy nominado rin yung babaeng maputi at mahaba ang buhok, yung kasama ni Shaznee pumasok? pwde ba sya nalang? Ayoko talagaaaa!! >< (Mam: okay, give us a walk around the room) oh my geeeeee!! I'm getting goosebumps! Ay kaya ko to, nag aral kaya ako ng modeling nung grade 6 ako, sa Ayala! At nakakuha ako ng medal na "most graceful move". At ayan na nga, sya na ang na una! Wow magaling rin sya ha, malakas ang hiyawan. May tumitingin rin sa bintana sa labas! oh my gulaayyyy ako na nga pala! Okay kaya ko to, oh lakad pak! Lakad, ikot ikot aaaat smile :) oh diba? Palakpakan! Oh diba ang feeler ko hahaha :P at ayan na nga, botohan na :3 (Mam: okay, majority wins. And majority chooses... you! *sabay turo sakin* okay you may now take your seats) ganuuuuun? Nge! Ayaw ko! (Suuus pa ayaw ayaw pa, eh gusto naman) hahahaha eh oo nga gusto ko perooooo, ang payatot ko. Baka mapahiya lang yung sec namin :3 (Mam: and now, for the prince) omggggg! Sino kaya ang magiging partner ko? Hmm haha hindi ko nlng e kukwento yung botohan, anlabo eh haha! Basta yung napili ni Mam ay Harvey yata pangalan? Gwapo din, mukhang arabo, pero ampayaaaaat! Mas payat pa sakin! Hahahaha :3 nakakainis lng kasi ginugulo ako ng bff ko, magka tandem raw kami? Ginawa ba naman kaming loveteam sa room? Ay, pero okay lng naman sya eh :P (kriiiinnnggggggggg) ayun! Snack time na! (Bff: oy! Bili tayo ng pagkain bff gutom ako.
A: oh sge labas tayo, dun tayo sa canteen. *tayo, lakad, labas, bili*
Eugene: oy! Gab dba? Naalala mo ko?
A: oo, yung makulit sa pinakadulo ng room namin nung first yr.
Eugene: wow ha? Makulit talaga?
A: *snob, hanap ky bff, at ayun kakatapos lng bumili* tara na nga bff, andaming makulit rito!) Kasama kasi ni Eugene yung Pete na yun, yung nang asar sa bff ko kanina? Barkada kasi sila eh, classmate nung first yr. (Krriiiiiiinnnngggggg) tapos na snack time, maya maya ay uwian na. Hayy andami ring nangyari ngayong araw ah, akala ko magiging boring tong araw na to haha :P

I Thought I Knew LoveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang