#TEAMCONCERT

600 20 6
                                    

#TEAMCONCERT
Sila yung mga fans na nakaka LL o RK (parang si BB Rion). Sila din yung mga maswerte dahil nakikita nila ng malapitan yung ABS ng bias nila at nakukuhanan ng picture. Sila din yung mga naga'update ng happenings para sa mga di nakapunta. At sila din yung sobrang hirap na hirap mag move on pagkatapos ng concert.

#TEAMAIRPORT
Sila yung mga fans na sumasadya pa sa airport para abangan yung pagdating o pag alis ng mga asawa at kabit nila. Sila din yung mga kadalasang nakikita sa TV.

#TEAMLABAS
Sila yung mga fans na may pamasahe pero walang pambili ng ticket o kaya naubusan. Sila din yung mga fans na madalas umasa na papasukin sa loob pag di na sold out yung ticket.

#TEAMLIVESTREAM
Sila yung nga fans na kahit walang pamasahe at pambili ng ticket pero nakikita pa rin ang bias na nagpe'perform ng live. Asa sa Free WiFi ng kapit bahay o di kaya may sariling Pocket WiFi sa bahay. Pero madalas walang live stream dahil bawal.

#TEAMAUDIOSTREAM
Sila yung mga fans na naasa sa mga #TeamConcert through Mixlr application. Sila yung kahit papano masaya na dahil narinig nya yung boses ni bias. Asa rin sa WiFi.

And last but not the least...

#TEAMBAHAY
Sila yung mga fans na poorita o kaya nasa malayo at di pinayagan ng parents. Isang mumunting patatas. Sila yung madalas mag luksa dahil sa sobrang inggit. Asa sa Free Data para kahit papano update kahit sobrang sakit na. Kandila ang light stick at haharap sa mga poster nya sa pader para kunwari nasa concert din sya. (At dito ako kabilang)

So... Sawa ka na bang maging Patatas na #TeamBahay #TeamAudiostream #TeamLivestream #TeamLabas at #TeamAirport? At gusto mo nang mapabilang sa dagat na ginagawa ng fandom nyo? Gustong gusto mo na ba silang makita at magkaroon ng picture na ikaw mismo ang kumuha? Pwes! Mag Ipon ka!

#IPONINGTIPS

20 Tips para makaipon pang concertWhere stories live. Discover now