Author's note

18 0 0
                                        

Lahat ng lugar, pangyayari, tauhan at kwento ay pawang likhang isip o imahinasyon lamang ng may-akda.
Ang anumang pagkakahalintulad nito sa reyalidad ay hindi sinasadya.

Ito ang kauna-unahang kwento na aking ginawa. Isang subok lang kung may kakayahan ba ako bilang isang manunulat.

Sinimulan kong gawin ito noong Oktubre 18, 2015(11pm) ng magkaroon ako ng "readers block".

Ang ideya ng tungkol sa buhok ay insperasyon ko mula sa nabasa kong horror komiks noong bata pa ako. Nagtitinda pa noon ang mga magulang ko sa bangketa ng Ermita sa kanto ng Pedro Gil ng mga komiks. Hindi pa noon mayor si Mayor Lim.

Bata pa ako ay mahilig na talaga akong bumasa ng mga kwento lalo na kung tungkol ito sa pantasya at katatakutan.

Sana mag-enjoy kayo sa pagbabasa nito.

Hindi ako magrereklamo kung ano man ang mga magiging reaksiyon nyo.

Ngayon pa lang ay magpapasalamat na ako sa pagbigay ninyo ng atensiyon dito sa aking isinulat.

Muli MARAMING SALAMAT!!!!

: Dherell

BuhokWhere stories live. Discover now