Chapter 9: #WontLastADay

1.4K 58 2
                                    

♥May hinahanap....♥

KRISTOFFER'S POV

" Mr. Kojima? " tanong ng instructor...

" Absent po sir.... " sagot ko.

Absent nga si Yaya Shiro... wala akong bubwisitin. Teka pati pala si Phao wala!

Umub-ob ako sa table ko. Amboring ng araw na to ngayon... kulang mga dude.

" Morning ser! " biglang pumasok si Phao... pagod na pagod si Phao. Siguro tumakbo to...

" Okay you may sit down Phao... " natatawa ako ke Ser. Kahit sya di nya mapronounce name ni Phao. XD

Umupo na si Phao... hingal na hingal nga.

" Phao. Psst! " sitsit ko sa kanya.

" Oh bakit? Kamusta pala kahapon? " hingal na sabi ni Phao.

" Nabrownout nga e. Uy. Si Yaya Shiro? " pabulong kong tanong...

" Ewan ko ba dun... di nga nagrereply e. Ano na kaya nangyari dun? " pabulong din na sagot ko.

Maya-maya may tinawag si sir na kaklase namin...

" Mr.Imperial... what is the main ingredient you have to use for a soup? "

" ehem sir.... "

Napatingin lahat ng mga kaklase namin...

" Sir... the main ingredient is Love. Yes its love... ganyan naman lagi e. Para sumarap ang pagkain we need love.. lots and lots of love.. pag walang love parang walang asin ang lulutuin mo. Mapakla, matabang, walang flavor...

Kung wala sya.... hanapin mo. Hanapin mo. We'll never know na yung taong asa tabi mo pala, sya na yung key ingredient mo for love... "

Palakpakan ang klase.... pati si sir...

" Ah okay Mr.Imperial.. nice answer pero ang tamang sagot e Stock.. " sabi ni sir sabay facepalm..

" Oo nga Toper... " sagot naman ni Phao...

" Oh bakit? "

" Wala! "








" Kung wala sya.... hanapin mo. Hanapin mo. We'll never know na yung taong asa tabi mo pala, sya na yung key ingredient mo for love... "

Parang nagreplay ang sinabi nitong kaklase ko. Tae naman nga tao ngayon lakas makahugot e.!


Hmmm.... bisitahin ko kaya si Yaya Shiro...

TOSHIRO'S POV

Tae....absent ako ngayong araw. Wala rin ako sa mood mag-anime. Nilagnat ako e. Tae napanaginipan ko kaya yung mga napanood ko kahapon....

Kumatok si Kenken, pinapasok ko sya kaagad.

" Kuya... si Kuya Phao andito... " si Kenken.

Pinapasok niya si Phao. Aba may dala-dalang groceries!

" Oh... ano meron Phao? " napabangon ako sa kama ko... lumapit naman sya

" May nagpapadala sayo nito... "

" Kanino galing? "

" Edi sa alaga mo... " sagot niya na nakangiti...

Kanino daw?

" Kay Kristoffer.... " sabi nya sabay ngiti sakin na may parang pinapahiwatig ..

" Bakit daw? "

" Ewan ko..... concerned maybe? " sabi ni Phao.

Ewan ko ba kung bakit napangiti ako.... concerned? Bakit magiging concerned sakin yun?

" Ha-ha-ha..... gago ka rin nuh... bakit magiging concerned sakin yun? Eh ako nga yaya nya di ba? " sarkastikong sagot ko.

" Alam mo ba... kanina sa grocery di sya magkanda-ugaga.. panay tanong sakin...  'Phao gusto ba ni Shiro ito? Eh ito... ' ganun sya! " sabi ni Phao.

Napatingin ako sa kanya....

" Tapos... eto pa... nakatingin lang sya sa bintana. Ilang beses pa sya natawag ng mga instructor natin nako... mali-mali ang sagot. Lutang ang Kristoffer! " kwento nya..

Ewan ko kung ano ba tong nararamdaman ko? Tengene napangiti naman ako.! Gago naman e... may concern pa pala sakin yung hinayupak na yun?

" Nako Phao! Kainin na nga natin tong mga dala mo! " sabi ko sa kanya.

" Tawagin mo nga si Kenken... hehe. " utos ko sa kanya... bumaba naman siya kaagad..

Kristoffer Lee Sebastian... you never fail to surprise me.

KRISTOFFER'S POV

Kinabukasan....


" Good morning! " aba pumasok na si Yaya Shiro! At maganda ang mood! Ano nakain nun?

Umupo siya at nilapag na ang backpack nya.

" Oy... magaling ka na ba? "

Tinapik ko sya. Humarap sya agad sakin... aba maganda nga mood nito. Blooming itsura e.

" Oo. "






" Salamat sa padala kahapon Tiyanak... " sabi nyang nakangiti...

Ewan ko ba kung bat ang warm ng feeling ko nung nakita ko to na nakangiti..

" Oo na. Walang anuman. Yaya kita e.. Pano naman ang alaga mo kung walang yaya... haha. " sabi nya sabay talikod...

Class time na... 

" Okay! Class may field trip tayo sa Baguio next week.... we will study Cordillera's native cuisine and ingredients there. Syempre. May little tour din tayo... " anunsyo ni Sir. Syempre naexcite kami!

" Hep-hep! Before that class... may buddy-buddy system tayo... kung sino ang nasa likod mo sya ang partner mo at kasama mo sa hotel room for the rest of the trip... "

Napaharap sya sakin bigla! Si Shiro ang partner ko...

Yes! May magbubuhat ng mga gamit ko! Harhar!

" Yaya Shiro... " bulong ko...

" Shadap.... ang swerte ko nga naman nuh... " reklamo nya xD

Nagtaas ng kamay si Phao. Oo nga pala wala akong seatmate... wala syang partner...

" Ser! Wala akong partner... " sabi ni Phao...

Napaisip si Sir...

" Hmm... ah okay. Kung sino ang walang partner sa ibang section sya ang magiging partner mo Mr.Phao. " paliwanag ni Sir...

" Okay sir.! " sabi ni Phao. Mukhang naexcite..

Naexcite na rin tuloy ako.... Baguio yun mga dude... tapos kasama ko si Shiro... este FIELD TRIP!

Napatingin tuloy ako ke Shiro... busing-busy sa pagsusulat...

Napakasipag talaga nito..... yan ang hinahangaan ko dyan e..

Naglecture na kami.... pinag-aaralan namin ang tungkol sa local cuisines...

" Mr.Sebastian! "

Shit! Natawag ako ni Ser!

" Ano ang tawag mo sa mga heart-shaped na kakanin? "

Tae... di ko alam ang sagot! Inspirasyon bigyan mo ko ng sagot....








Napatingin si Shiro sakin!

" Sir.! Kasing-kasing po! "

" Okay you may sit down! " utos ni sir. Naupo naman ako...







Inspirasyon? Shiro?

Uwaaaaa! Hindi ito maari mga chong!

Ang Childhood Friend Ko 3: A Recipe for Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon