Chapter Two (Unedited)

9.3K 278 13
                                    


KINAKABAHAN si Yue habang papasok siya sa Gentlemen's bar. Kaninang umaga kasi ay tinawagan siya ni Whiskey at sinabing mag-report siya ngayong alas-tres ng hapon para sa pagsiismula niya sa trabaho. Hindi niya akalain na sasabak na kaagad siya sa trabaho.

Pagdating niya ay kaagad siyang sinalubong ng bouncer na si Rey. Iginiya siya nito patungo sa counter, kung saan tinatanggap lahat ang perang ibinibayad ng mga guest na kumakain. Hindi pa man siya nakakapasok ay kinakabahan na siya nang makita ang lalaking nakatalikod at nakaupo sa teller table at nagtitipa sa computer. Pamilyar sa kanya ang bulto nito.

"Excuse me, Sir, narito na po ang bagong hired na casher," wika ni Rey sa abalang lalaki.

"Okay. Iwan mo na siya rito," sabi naman nito na hindi magawang lumingon sa kanila.

Lalong dumalas ang tahip ng dibdib niya nang iwan siya ni Rey. Mamaya'y iniikot ng lalaki ang silya nito paharap sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ito. Ganoon din ang pagrehistro ng gulat sa mukha nito.

"Ikaw?" nagkasabay pang sabi nila.

Napalunok siya. Ang kilalang pinakabatang bachelor sa unibersidad nila at pinakaguwapong mag-aaral na nakilala niya ay nagtatrabaho sa bar na iyon. Si Ruzlee Young. Isa iyong malaking tanong sa isip niya. Bakit? Bakit ito nagtatrabaho samantalang may sarili na itong pabrika ng mga tsokolate?

"Ah, anyway, please take your seat," anito sabay turo sa bakanteng silya na katabi nito.

Umupo naman siya. Inikot na naman nito ang upuan nito paharap sa kanya. Kumislot siya nang sagiin ng mga tuhod nito ang tuhod niya. Pinagsupling nito ang mga kamay habang nakngising nakatitig sa kanya. Iyon ang senaryong nagpapangatog sa mga tuhod niya, ang harap-harapang makipag-usap sa lalaking pinagpala ng kaguwapuhan, na kung tumingin ay parang gustong daklutin ang puso niya. Napalunok siya nang masaksihang kinagat nito ang ibabang labi nito bago ito nagsimulang magsalita.

"So, who push you to work here? Gumaganap ka bang si Cinderella ngayon? Isang anak mayamang gustong magpaalila?" anito.

Mariing kumunot ang noo niya. "I just want to work," matatag na sagot niya.

"For what? May sinusuportahan ka bang charity?" nakataas ang isang kilay na tanong nito.

Umiling siya.

"Ah. Ah, I hate the way you answered my question. Huwag mo akong iilingan. Just answer me yes or no."

Bahagyang uminit ang bunbunan niya. Alam na kaagad niya na bossy ito. Sino ba ito sa kompanyang ito?

"Fine. I want to work just to earn money for my own needs," pagkuwa'y sabi niya.

Umismid ito. "Nice. But, I'm just curious. Why are you doing this? Naglayas ka ba sa inyo?"

Tumitig siya sa mga mata nito. Hindi niya akalaing mahuhulaan kaagad nito ang nangyari sa kanya. Tatango sana siya ngunit pinigil niya ang sarili nang maalala ang kakasabi nito na ayaw nito ng tango na sagot sa tanong nito.

"O-oo," tipid niyang sagot.

"Oh, ang hard naman. Baka kung pipilitin kitang magkuwento ay aabutin tayo ng umaga. Of course, it's none of my business. But I'm interested to know your story. Maybe next time, if we both have enough time to talk," anito, pagkuwa'y humarap ito ulit sa computer.

Pinagmamasdan lamang niya ang ginagawa nito.

"Now, here's how to work as a casher. It's just like you're in convenience store. It's simply as you type a keyword to open the cash drawer. Kapag may dumating na order slip, i-total mo lang sila. If my additional order and guest ay i-add mo na lang sa receipt. Iyon ang magiging bill nila na ibibigay mo sa waiter. Naka-program lahat ng menu dito sa computer with corresponding price," pagtuturo nito sa kanya.

Bartenders Series 11; Moonshine (Completed) UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon