I stroked back and forth my canvass. Pero tila wala talaga sa isip ko ang ginagawa ko. Ni hindi ko nga matandaan kung anung ipinipinta ko. Dammit! Pambihira naman kasi. Sadya ba talaga kong lapitin ng disgrasya at sa lahat na lang ng pagkakataon nakakagawa ako ng eksena?

I remembered what happened last night at Remix bar. I sighed. I vowed that I would never ever step foot inside that place again. Sobrang nakakahiya! Panigurado may nakarinig ng mga pinagsasasabi ko kay Caleb. Kakapakinig ko lang kase du'n sa recorder at matapos kong gawin yu'n ay parang gusto kong pumunta kay Vicky Belo at ipabago ang mukha ko.

Truth is, hindi ko alam kung paano ko haharapin si Caleb ulit. Kumpletos rekados na ang mga sandata ko, natatakot lang akong makipagdigma ulit. Puntahan ko nalang kaya s'ya ulit nang lasing? Baka sakaling makalimutan ko mga kagagahan ko.

"Ay nako Natalie! 'Yan ka eh! Pagdating sa pagpapahiya sa sarili mo, valedictorian ka!" umiling iling ako habang kausap ang sarili ko. "Ikaw na! Ikaw na talaga!"

Nu'n ako nakarinig ng sunod sunod na katok sa pinto. "Natalie! Alam ko nand'yan ka! Buksan mo ang pinto!"

I blew out an exasperated sigh. "Diyos ko!" pasigaw pero mahinang sabi ko, itinaas ko pa ang magkabila kong kamay. "Ba't ngayon mo pa pinapunta 'yan dito?!"

"I can hear you from here! Open up!" she continued pounding on my door.

Napairap ako at tinanggal ang nakapatong na palette sa kandungan ko at nilagay sa lamesita. I stood up and walked towards my door, flipped the lock and wrenched it open. Tumambad sa'kin ang nakaismid na mukha ni Libby, my girl bestfriend.

"Finally!" she walked inside my condo without even waiting for an invitation. Sumalampak s'ya sa couch at tinitigan ako ng masama.

"Ano'ng problema mo?" ngumuso ako.

"I remember specifically telling you to call me last night!" tumayo sya at itinupi ang braso nya sa dibdib nyang nagmumura ang cleavage. "I had to know if you're okay! Pero hindi mo ko tinawagan. I had to go all the way from the location to here, just to check on you. Ano ka ba naman?"

Nagkibit balikat lang ako at bumalik sa harap ng canvass ko. Sa labis na pagkainis ko ay sumunod s'ya sakin. Ay nako! One word to describe my bestfriend? Persistent. I rolled my eyes.

"What happened, bes? Nakuha mo ba yung evidence? Ano?"

Tumayo ako at nagtungo sa kwarto ko. Sumunod parin dun si Libby. Hinalungkat ko ang bag ko, at initsa sa kanya ang recorder. Wala kong gana na ikwento sa kan'ya ang buong pangyayare kaya pakinggan na lang n'ya. I sighed as I crashed on my bed, looking at her.

"What's this?" she held the thing in front of me. "Bakit parang masama ng kutob ko sa itsura mo?"

"Pakinggan mo na lang 'yan."

She narrowed her eyes suspiciously and pressed the play button on the recorder.

Humiga ako sa kama at hinayaan na nakalaylay ang mga binti ko dulo. I covered my face with my palm. Mas nakakahiya palang pakinggan 'yun pag alam mong may iba pang nakikinig. Damn!

"What the fudge?" Libby looked at me wide eyed with her manicured hand covering her mouth. "Did you just tell him to rape you?!"

Nahihiyang tumango ako habang kagat kagat ko ang ibabang labi ko. Shucks! Gusto ko nang maglaho sa mundong ibabaw!

Much to my irritation, Libby started laughing. "OMG! I'm so sorry, bes. This is just so funny!"

Napanguso ako. Some friend.

I sat there, annoyed, as I let Libby listen to the whole conversation. At matapos iyon ay binigyan n'ya ko ng isang malapad na ngiti at double thumbs up.

Napangiti na rin ako kahit alam kong hindi pa naman doon nagtatapos ang misyon ko. But I know I'm halfway there. Mababawi ko rin ang boyfriend ko kay Heather. Ipinapangako ko iyan sa sarili ko.

"In fairness, bes, gentleman s'ya ha?" ani Libby na nakiupo sa kama ko. "He could have had his wicked way with you pero hindi n'ya ginawa."

"I know, that's why, confident ako na tutulungan n'ya talaga 'ko." I said, smiling.

"Pero di'ba pinalayas ka nga n'ya sa hotel n'ya?"

"So?" tumagilid ako ng higa para mas makita ko s'ya. "Ang importante, hawak ko ang alas. Pag hindi sya pumayag sa gusto ko, yari s'ya. Ako yata si Natalie Gifford, wala akong inaatrasan! At hindi ako titigil hangga't di ko nababawi ang akin."

"Atta girl." my bestfriend grinned at me and in return, I winked at her.

Totoo yung sinabi ko, hindi talaga ko susuko. Wala sa bokabularyo ko 'yun. Sa dami ba naman ng pinagdaanan ko sa buhay? Ngayon pa ba 'ko susuko?

Sa murang edad ko, I already learned how to fend for myself. Ang nanay ko kase, disgrasyada. I know that was kinda harsh pero 'yun ang totoo, naanakan s'ya ng nilalandi n'yang kano nu'ng nagtatrabaho pa lang siya bilang waitress sa ibang bansa. Well, nun una, sinuportahan naman kame ng ama ko, kaya nga dala ko ang apelyido nyang Gifford. Pero sa kasamaang palad, sa bandang huli, iniwan din niya kame kaya napilitan kaming umuwi dito sa pinas.

Nung una, kaming dalawa lang talaga ni mama. At hindi naging madali ang lahat, syempre nga naman, maalwan ang buhay namin noon sa amerika tapos biglang, boom! Waley na waley kame dito sa pinas. Kaya naman bata pa ko, naglalako na 'ko ng paninda naming pandesal sa umaga. Sa tanghali naman, papasok ako sa school. At para kumita ng perang pambaon, dahil si mama ay naglalabada lang, ako ang gumagawa ng mga assignment ng classmate ko. Mahilig akong magdrawing noon pa man kaya ninegosyo ko 'yun sa classmates ko.

Pero dahil nga sa hirap ng buhay, kailangan niya ng makakatuwang kaya nagasawang muli ang nanay ko. Medyo may kaya ang napangasawa niya. In good terms naman kame ng pamilya ng napangasawa niya. Sa katunayan, si tito Dennis ang nagpaaral sa'kin. May isang anak si tito Dennis sa nauna niyang asawa, si Kuya Nero. Tapos ngayon, nagkaanak na din sila ni mama, si Patricia at Patrick. Kambal. Kaya ayun, feeling ko kalabisan na 'ko sa pamilya nila kaya bumukod ako matapos kong makagraduate.

Tamang tama naman, nabalitaan namin na nadedo na ang tunay kong ama. Dahil si Mama, nagasawa ulit, wala s'yang natanggap na kahit singkong duling mula kay papa. Ako lang. Na siyang pinambili ko nitong condo ko.

Hindi na 'ko umaasa ngayon sa pamilya ng nanay ko. Pagdating sa pinansyal na aspeto ng buhay ko. Kung ano man ang kinakain ko ngayon, lahat yun galing sa pinagtrabahuhan ko. Kahit pa ang hirap minsan ng buhay ng isang artist, kinakaya ko. Naniniwala ako na balang araw, makakaipon ako at makakapagbukas ako ng sarili kong gallery.

"Teka, bes, sigurado ka na ba talaga sa gusto mong gawin?" untag ni Libby sakin.

"What do you mean?"

"Do you really want Axel back?"

Napairap ako. Hindi kase ganu'n ka boto si Libby kay Axel. Medyo malamya daw kase. At ang kailangan ko daw na tipo ng lalaki, yung kaya akong protektahan at masasandalan ko. Hindi daw ganun si Axel.

"Alam mo naman na mahal ko siya diba?" malungkot na sabi ko.

"Oo nga.." bumuntong hininga sya bago sya tumitig muli sakin. "Nakita ko kasi sila ni Heather sa photoshoot ko kahapon, ang sweet sweet nila. Ni hindi man lang nga nahiya sa'kin si Axel eh, alam naman niyang bestfriend kita.."

Nagpuyos ang damdamin ko sa narinig ko. Never kaming naging sweet ni Axel sa isa't isa. Or should I say, never siyang naging sweet sa'kin. Iniisip ko dati na dahil yun sa hindi lang talaga malanding lalaki si Axel. Pero ngayon na narinig ko 'to kay Libby, parang gusto kong maiyak.

Kaya dapat, maumpisan ko na ang plano kong pagbawi sa kanya.

Pero bago 'yon, dapat mapapayag ko muna si Caleb na tulungan ako. Pupuntahan ko sya sa bahay bukas!

Kailangan kong tawagan si Kuya Nero.

Steal thy heart (PUBLISHED BY BOOKWARE)Where stories live. Discover now