"Babalik ako agad. Promise."
Nasan na yung pangakong yan? Nawala na parang bula, nawala kasama ng malamig na hangin, isinama mo sa pinuntahan mo. Ang tanging naiwan lang ay ako at mga memories at pangako mong napako.
"Baka yung 'agad' mo. Two or three weeks. Or months. Or years! Wag naman ganon!"
Oo, sanay na ako maiwan, sanay na ako mapaasa. Pero hindi naman lagi yun na lang mararamdaman ko, 'di ba? Hindi naman ibig sabihin na sanay na ako, eh hindi na ako nasasaktan.
"Di ko lang alam. Wag ka kasing nega :) Babalikan kita."
Akala ko iba ka. Akala ko hindi ka katulad ng iba. Ah, oo nga iba ka. Mas malala ka.
"Ako lang, ha?"
"Oo naman po. Sayong-sayo ako. :)"
Ewan ko kung ikaw ba talaga ang may kasalanan o ako. Kasi umaasa ako eh. Pero hindi naman ako aasa kung hindi mo ako pinaasa 'di ba?
---
Bago ka umalis, nagkita pa tayo. Nagdate muna tayo kasi mamimiss natin ang isa't-isa.
Ang sweet natin. Mahihiya pa yong mga langgam sa sobrang kasweet-an natin non. Ninamnam natin ang bawat sandali na parang ito na ang huli. Walang sinayang na sandali. Nilubos ang bawat segundo noong araw na iyon.
---
Araw na ng pag-alis mo. Sumama ako sa paghahatid sa inyo sa airport. Kahit ayaw ko dahil baka mas lalo lang akong maiyak, pinilit mo ako. Pumayag na rin ako. As if namang matiiis kita.
Tinawag na yung flight niyo. Oras na para mamaalam. Hinawakan ko ang kamay mo ng sobrang higpit. Na para bang ayaw na kitang pakawalan. Pero kelangan. Babalik ka naman agad di ba? Binitawan ko ang kamay mo at niyakap mo ako ng napakahigpit. Yung ramdam na ramdam ko kung gaano mo ako mamimiss.
"Bye na po. Mamimiss kita. Wag kang manlalalaki ha? Babangasan ko yung lalaki. Tandaan mo yan. Lahat ng lalandi sayo, mamamatay agad agad! Ako lang ha? Ako lang!"
Natawa naman ako don.
"Oo na po." Sabay kurot sa tungki ng ilong mo. "Ako lang din ha? Sa oras na nagpalandi ka don, magkakalat ang balat ng mga tinalupang mga babae! Maghihirap muna sila bago sila mamatay!"
Tinawag muli ang iyong flight sa huling pagkakataon. Oras na talaga para mamaalam.
"Bye, baby. I love you to infinity and beyond."
"Annyeong, jagi. Saranghae unjaene, youngwonhi."
---
Yung mga unang weeks, okay pa. Gabi-gabi ako umiiyak. Kasi sobrang namimiss talaga kita.
Days, naging weeks, naging months. Asan na yong pangako mong 'agad'? Hays. Napaasa na naman ako.
---
Ilang buwan na nakakalipas pero wala pa rin akong balita sayo. Chinachat kita pero inbox-zoned lang ako. Pero eto pa rin ako, naghihintay.
---
Dumating yung time na na-2012 ang mundo ko. Bakit ganon? Sino siya? Kaya ba hindi ka na bumalik kasi meron siya? Kaya ba hindi ka na nagparamdam kasi may iba ka na?
Nag-stalk kasi ako sa timeline mo, nakita kita. Nakita ko yung tagged photos sayo. Ang lapad ng ngiti. Sobrang saya. Makikita talaga sa mga mata mo na parang ang saya mo. Ang masakit, hindi dahil sakin kasi may kaakbay kang babae, kiniss ka sa cheeks habang nakangiti ka ng malapad. Bilang isang dakilang tanga, ini-scroll ko pa. Marami pa akong nakita. Magkasama kayo habang masaya. Makikita talaga sa mata niyong dalawa na mahal niyo ang isa't-isa dahil ganyan din tayo magtinginan noon.
Nagkulang ba ako? Kelangan mo pa talagang lumayo para lang ipagpalit mo ako? Wow. Just wow. Di ako ready, beh!
~~~
Hang on, guys. May susunod pa na chapters. Short story lang ituuu~
-Gazzel~ ♡
