The Dream

22 3 0
                                        

"You can jump in there, Cha." she said.

It's raining and we are here near the seashore. The strong breeze makes the waves clash into the bridge at habang tinititigan ko ito feeling ko nalulunod ako sa bawat pagtama ng mga alon sa mga bato.

"Ayoko Haze, natatakot ako. Ang lakas ng alon oh! At tsaka tumataas na ang tubig dahil sa lakas ng ulan" sabi ko.

"Bakit kasi napakatakutin mo?!" galit na sabi niya sa akin.

Nakapagtataka talaga. She hates me so much dahil palagi kaming kinocompare ng mga magulang namin pero heto ngayon, mag kasama kami at gusto niya pa talaga akong ipatalon sa dagat.

"Gusto mo ba akong patayin, Hazel Mae?" tanong ko sa kanya, naiinis na talaga ako.

Pakiramdam ko gustong-gusto niya akong patayin kaya gusto niya akong ipatalon sa dagat.

"Ewan ko sa you, Charlene!" sabi niya at iniwan ako

I can't face my fear in the ocean because I know na ikamamatay ko ito. Dahil sa takot ko na baka mahulog ako, ay umalis na ako.

"Bakit ba napakatakutin ko?" tanong ko sa sarili ko

"No, you're not Miss." sabi ng lalaking hindi ko kilala, gwapo siya, but nevermind.

"I don't talk to stranger" sabi ko

"You just did" he said while smirking. tsk!

Nakakaasar siya. He just remind me of someone. Someone that I want to remember, but I can't

"Bye, Charlene." I was shocked, bakit alam niya ang pangalan ko? Tinignan ko siya pero wala na siya doon. WEIRD.

Umuwi na ako at nadatnan ko ang nanay ko na naghahanda ng hapunan namin.

"Ma." sabi ko sabay kiss sa cheeks niya

"Oh nandito ka na pala, ano ang nangyari sa inyo kanina?" mahinahong tanong niya sa akin.

Tumingin ako sa may hagdan namin at nakita ko si Hazel na bumababa.

"Wala naman po." sabi ko at ngumiti na lamang para hindi na madagdagan pa ang mga tanong ni mama.

"Ganun ba? sige mag bihis kana ang basa-basa mo, naku bata ka!"

Pumunta na ako sa kwarto at nagbihis. Bakit ba gustong-gusto ni Hazel na tumalon ako sa dagat? Naiinis na ako, hindi kay Hazel kundi sa sarili ko. Para kasing may hindi tama, yung parang may kulang. Mabuti pa't bumaba nalang.

Habang pababa ako, may biglang pumasok sa utak ko. Isang scene na kung saan merong isang lalaki, nakatuxedo siya.

"Aarrrgghh!!!" sigaw ko ang sakit ng ulo ko, sobra.

Habang sumisigaw ako hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko.

"Bakit?!" tanong ko sa sarili ko.

"Cha, anong nangyari sa iyo?!" Mga boses lang nila ang umaalingawngaw sa tenga ko. Gusto kong mag salita pero walang boses ang lumalabas sa aking bibig. At yun na ang huli kong naalala.

Pagising ko nasa may tabing dagat na ako.

"Hey, Cha." sabi ng isang gwapong lalaki.

"Who are you?" I asked

"Bakit mo ako kinalimutan, Cha?" tanong ng isang lalaki.

"Hindi kita kilala!" sigaw ko at bigla nalang akong nahulog sa dagat.

The DreamTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang