Unang Araw Nang Klase

29.7K 77 0
                                    

"Oy girl kamusta ? Long time no see. Nako! Magclassmate nanaman tayo." Bungad sakin nang dati kong kaklase noong 3rd year na ngayon ay classmate ko pa rin habang papasok ako ng gate. Sya si jordan, ang bakla, pinakamaingay, madaldal, makulit, ngunit matalino kong kaibigan. Madalas lang talaga tupakin at malakas ang trip.

"Oh ikaw pala yan. Ito humihinga pa naman. Ikaw, kamusta ka ? Gunaganda ka atang bakla
ka ?" Sagot ko sa kanya habang hinahanap ang section ko. Sa mga papel na nakapaskil sa board malapit sa gate.

"Hay nako! Maliit na bagay. Sya nga pala, may ichichika akes sayo. Alam mo ba ? Ang gwapo ng Bago kong Fafa! Ay! Nako day. Waley ka sa beauty ko." Pagmamayabang nito sa mukha nyang tadtad ng make up kaya nag mukhang clown.

"Tss. Di ko kailangan ng boyfriend no. Alam mo namang focus ako sa pag aaral. Kung mag ka gusto man hanggang crush na lang yon!" Pataray kong sabi sa kanya.

"Hanggang ngayon ba naman Queenlyn. Pag aaral pa rin ? Hay nako! Bahala ka na nga girl. Punta muna ako sa mga ka Federation ko. Malamang miss na ako nang mga yun." Sabay tumakbo ito papalapit sa mga kaibigang nyang bakla na malalandi.

Ako nga pla si Queenlyn. Queenlyn Aragon. Hindi mayaman hindi mahirap. NBSB dahil mahigpit ang magulang at focus sa pag aaral. Pero meron akong crush :-). Si Clemente Rodrigo. Isang sikat na playboy sa School Campus. Mayabang, Manloloko! Manyak syempre gwapo. Ewan ko ba. Hindi ko alam kung paano ko sya nagustuhan. Siguro dahil nung tinulungan nya ako sa problema ko noon. Sino ba naman kasing mag aakala na ang sikat na playboy sa school ay may mabait din palang ugali.

Nakita ko ang section ko sa board. Section Einstein. Syempre cream section. Magsunog ba naman nang kilay eh.

Nasa 3rd floor ang room ko. ROOM 312. Pumunta ako sa stairway 1 ng school upang umakyat na.

Habang akoy papaakyat, nagulat ako sa nakita ko. Si clemente <3. Ang crush ko. Oo kinikilig ako. Haha :-) Ang gwapo nya kasi. Pero syempre as usual. Maraming babaenh nakadikit sa kanya. Nakatambay sa hagdan. Crush ng bayan to eh. Buti na lang infatuation lang itong nararamdaman ko para sa kanya. As if namang mafall ako sa isang playboy.

Wala akong magawa sa room kaya kinuha ko ang headset ko para mag soundtrip. Pinatugtog ko ang kantang Jealous by Labrinth. Paborito kong kanta :-).

Maya maya pa ay pumasok na ang aming adviser.

"Goodmorning Class!". Bati nang aming gurong lalaki.
"Goodmorning Sir". Sabay sabay naming bati. Medyo marami rami narin kami sa loob ng classroom. Nakaupo ako sa pinakaduling upuan sa unahan. Ayoko kasi sa likod dahil malabo ang mata ko.

Habang nagbabakilala ang bawat isa ay may dumating na isang pang estudyante. Si clemente.

"Oh clemente." bungad sa kanya nang aming guro.
"Goodmorning sir." Sa sobrang sikat nya dahil sa mga katarantaduhan sya. Halos lahat na rin ata ng teacher eh kilala sya.

Nang makapasok na si clemente sa classroom ay dumiretso ito papalapit sa akin. Akala ko'y kilala nya ako dahil nakatingin ito sa akin habang nakangiti. Ngiti na para bang may masamang balak. Umupo ito sa tabi ko dahil bakante ang upuan sa tabi ko.

"Hi my Queen." Bati nito sa akin.

"Che. My Queen ka dyan. Pano mo nalaman name ko ? Stalker ka no ?. Feeling close to." Pagtatatay ko sa kanya.

"Crush kasi kita." Sabi nito na may pagkindat pa. Akala mo naman talaga madadaan nya ako sa pakindat kindat nya -,-. Hay nako! Mha lalaki nga naman. Mga paasa lang naman. Tsk.

"Wag ako lokohin mo. Nanay mo na lang. Damay mo pa ako sa mga biktima mo." Muli kong pagtataray.

-End-

Sex With My ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon