CHAPTER 1: Hijacked

Beginne am Anfang
                                    

"Kayo, cellphone niyo?" tanong samin nung inutusang lalaki. Tahimik lang naming inabot ni Nickan ang cellphones namin. Nang matapos kunin ng lalaki ang cellphones ng lahat ng pasahero, nilagay niya lang sa may isang sulok ang bag na pinaglagyan nito. Mukhang may tinatawagan ang leader nila.

"Hello inspector! Namiss mo ba ko?" bati niya sa kabilang linya. Nawala ang ngiti sa mga labi nito.

"Papaano mo—" binaba agad nito ang tawag at galit na galit na sumigaw.

"Ha!! Sino sa inyo ang nagsumbong sa pulis?" sigaw nito. "Ang lakas ng loob niyong suwayin ako?" kinasa niya yung isang hawak niyang baril. "Walang aamin? Gusto mo munang magbawas ako ng pasahero ahh.."

Tatayo na sana ko pero kinapitan ako ni Nickan ng mahigpit. Tiningnan ko siya habang may pilit na kinukuha sa bag na dala.

"Here!" nanlaki ang mata ko sa pinakita niya. Nagpeace sign lang siya sa'kin.

"Aba't wala talagang gustong umamin?" sigaw ulit ng lalaki.

"AKO!" sigaw ko pagkatapos tumayo. Napatingin sa'kin ang leader nila.

"Ikaw pala ahh... matapang kang bata ka ah! Gusto mo na agad mamatay? Pagbibigyan kita!" dahan-dahan itong naglakad palapit sa'min. Hindi pa man ito nakakalapit sa'kin ay napaluhod na ito. Palihim kong tiningnan ang katabi ko.

Gotcha!

Nabasa kong sabi ng labi niya habang hawak pa sa kaliwang kamay ang tranquil gun. Bumagsak sa sahig ang lalaki.

"Boss! Anong nangyari?" nilapitan agad ito nung lalaking nagsamsam ng mga cellphones. Nakita kong may tumalapid na paa dito kaya nadapa ito at nabitawan ang baril na hawak. Sinipa ko yung baril palayo dito at pagkatapos, binaril ko ng tranquil gun yung lalaking babaril sana sa'kin katabi ng driver. Nang makabawi ang lalaki sa pagkakadapa, tumayo ito at sinugod ako. Sinuntok niya ko at nabitawan ko yung hawak kong tranquil gun. Mahirap din ang posisyon ng lalaki kaya alam kong hindi siya mababaril ni Nickan. Iniwasan ko yung sunod niyang suntok at pagkatapos, sinipa ko siya. Nang makitang wala ng hawak na baril ang lalaki, tinulungan ako nung mga lalaki sa likod para patumbahin yung lalaki. Makalipas ang ilang minuto, tulog na ang tatlo.

"Mabuti naman at agad mong naitext sa amin ang nangyayari dito Euclid," sabi sa'kin ni uncle Dy kasama ang inspector na tinawagan nung leader kanina. May mga pulis na palang nakaabang sa may checkpoint kaya mabilis naming nasurrender sa kanila ang mga suspek.

"Mga takas ang mga ito at sa tingin ko, plano nilang kunin pa ang natitira nilang myembro na hindi nakasama sa pagtakas. Yun siguro ang hihingin sana nilang kapalit sa paghijack ng bus," sabi ng inspector.

"Ahh ganun po pala..." napatangu-tango na lang ako habang tinitingnan ang ibang officers na kumukuha ng mga pangalan ng mga nasa bus.

"Pero ang husay mo hijo, papaano mo napatulog ang tatlong 'to?" tanong ni inspector.

"Ahh gamit po yung tranquil gun, may silencer effect po kasi siya at ang nirerelease nitong bala ay isang capsule na tumatagos sa katawan ng tao para patulugin siya. Invention po ni Dr. Pascal, isa sa mga mentor ko po sa M.I." Yan sana yung gusto kong sabihin kaso naisip kong mas makakabuti na hindi nila alam ang tungkol sa amin. "Sinwerte lang po inspector," magalang kong sagot sa kanya. Matapos ang ilang paliwanagan, nagpahatid na kami ni uncle sa NAIA. Nawala na sa isip kong alamin kung sino yung matapang na nagtalapid sa paa nung isa sa mga hijacker.

"My princess!!!" sigaw agad nung matandang lalaking patakbong lumapit sa'min, walang iba kundi ang daddy ni Nickan.

"Dad! How's L.A? Yieee! Namiss kita!" tuwang-tuwa nitong sinalubong ang ama. Maya-maya pa, bumitaw na sila at napansin na ako ng daddy ni Nickan na nakatingin sa kanila.

"Bakit kasama mo ang lalaking yan Nickan?" seryosong tanong ng daddy nito.

"Ahm kasi dad, b-boyfriend ko na po si Euclid! Euclid, daddy ko!" nahihiyang sagot nito.

"Hello sir, Euclid Shellingford po!" kinamayan ko siya kahit ang sama pa rin ng tingin niya sa'kin.

"You're son of Aristotle right?" tanong niya sa'kin.

"Yes sir," magalang kong sagot sa kanya. Napatangu-tango na lang ito.

"Wag mong isiping boto na ko sa'yo dahil lang anak ka ni Aris ah? Hindi ko pa rin nalilimutang muntik nang malagay sa alanganin ang buhay ng anak ko noong ikaw ang kasama niya! Kapag may nangyaring masama sa anak ko, malalagot ka sa'kin, naiinitindihan mo?" napalunok ako sa sinabi nito. I guess father will always be father, protective as always to their only daughter.

"Ako pong bahala kay Nickan. I'll always take care of her sir," sagot ko sa kanya. Napahawak naman sa braso ko si Nickan.

"Good! Let's go!" napahinga kami ng maluwag nang tumalikod na ito at naunang maglakad papunta sa sasakyan.

*ring ring*

"Wait Nickan!" huminto muna kami sa paglakad at sinagot ang tawag.

"Hello uncle?"

"Euclid, we need you here!"

"What case is it?" tanong ko. Nakarinig ako ng pagkawala ng malalim na hininga sa kabilang linya.

"A serial murder case," seryoso nitong sagot.

"What?"

"There will be a meeting here in an hour, mas mabuti kung aattend ka para mas madaling iexplain,"

"Sige po uncle! Pupunta na ko diyan!" sagot ko at pagkatapos ay binaba na ang tawag. Tiningnan ko si Nickan na nagtatakang nakatingin sa'kin.

"There's a serial murder case Nickan. Uncle Dy needs me there," sabi ko sa kanya.

"Should I help?"

"Nah. Kababalik lang ng daddy mo, mabuti pa asikasuhin mo muna siya. Ako nang bahala sa kaso, I'll call you later okay?"

"Ahh o-okay..," binitiwan niya na yung braso ko at hinawakan yung kamay ko. "Mag-iingat ka ah?" tinanguan ko siya.

"Mag-ingat din kayo sa byahe!" niyakap ko muna siya at pagkatapos ay nagpaalam na. Tumakbo ako papunta sa sakayan at pumara ng taxi papuntang station.

*** To be continued...

A/N:
Picture of Euclid -> media

ES:TROTGD
Vote.Comment.BeAFan
EuclidAngel

Euclid Shellingford (Volume 2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt