From: Geoffrey MyLuvs
Meet me at Jollibee. 7:00 pm. Thanks. See you there.
Biglang nabuhay ang mga organs ko. Feeling ko my blood pressure arises, chos. Bumilis ang tibok ng puso ko. Nanginig ako. Parang nanghina ang mga kamay at braso ko hawak hawak ang cellphone ko nang mabasa ko ang text ni Geoffrey MyLuvs. Landi ko noh? Pake n'yo. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Ma-e-excite ba ako? Kikiligin? Kakabahan? Or what. All I know is bumilis ang tibok ng puso ko, halos manlambot ang katawan ko, nagpantig ang buong body system ko. Natulala ako habang binabasa ko at pinipilit kong i-sink in sa utak ko ang text niya, which is sunk in naman na actually, hindi lang talaga ako makapaniwala.
What? Geoff's asking me out?! Gosh! I can't take this anymore.
It took me a little while before ako magkahwisyo na gumalaw. I gently put my left palm covering my lips then tumili ako. The moment I exhausted my voice so loudly, biglang napunta ang mga palad sa may magkabilang tenga ko. The right one still holding the phone though.
"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!" I can't really help myself from shouting. O my gosh, o my gosh, is this it? Is he really asking me for a date? Di niya sinabi pero perhaps. Di naman siguro masama ang mag-assume diba?
"Nicole! Anong nangyari sa'yo?! Ba't ka sumisigaw? Nagising mo tuloy itong si Stephen, ang hirap pa naman itong patulogin ulit!". I forgot na nandito pala si mom, nakakahiya tuloy. She mouthed those words na parang galit siya but m-ini-maintain niya yung low voice niya, habang karga karga niya si Stephen na umiiyak. Haaay talaga sina kuya. Ba't ba naman kasi di pa sila ang mag-alaga sa anak nila eh? Ba't si mom pa? Habang sila nagta-trabaho. Si mom naman, ayaw magpakuha ng yaya, gusto niya raw kasi siya ang mag-alaga sa unang apo niya. Di ko naman siya makontra, yun gusto niya e.
"Nothing, mom, may daga lang ho. Mabuti ngang nakalabas na ng bahay." Pagsisinungaling ko. Alam ko kasing hindi papaboran ni mom yung pakikipagkita ko sa kanya mamaya kesyo nagpapakabanal na daw yung tao, lalandiin ko pa.
Haay. Ba't di ba kasi maintindihan ni mom na seminarian pa lang si Geoff at hindi pa yun sure na magpapari siya someday. Like, you know, pwede pang magbago yung isip niya. Wala naman akong hidden agenda na akitin siya, no. Hindi naman ako gano'n kadesperada. I'm just hoping for that someday to come.
Hindi na nagsalita si mom at binigyan nalang ako ng medyo naiinis na tingin, at saka tumalikod habang pinapamper niya ang pamangkin ko para makatulog.
"A, by the way, mom." Napatigil si mommy na papasok sana sa room kung sa'n ang cot ni Steve. Nakatalikod parin siya.
"What?" tanong niya. Parang di na galit yung tone nya, yung usual na lang niya.
"Rachel's inviting for a dinner tonight. May something daw kasi siyang i-se-celebrate, e. Don't you worry, mom, I'll be home at 8:30." another lie. Mom turned her back towards the door of Steve's room at faced me. Habang sinasayaw-sayaw ba niya si baby para tumahan na.
Mom stared at me. She considered for a while.
After a few minutes of silence
"Okay, mag-ingat ka. Basta, umuwi ka ng maaga, be home at 8:30 as you've said nang di na'ko nag-aalala."
"Yes, mom, Thank you..." I responded in gratitude. I wanted to hug her for thanks kaso parang mahirap yung gawin kasi may bata siyang karga-karga kaya binigyan ko nalang siya ng isang full smile. She responded me with a smile too. Saka pumasok na siya sa kwarto.
T-in-ext ko muna si Rachel about sa excuse na ginawa ko kay mom para at last she is aware how to cover me up. Nagtalo pa nga kami sandali, e. Ba't ko pa daw siya idadamay sa mga kalokohan ko. Pero sabi ko sa kanya, wag na siyang pumalag. Tinanong pa niya ako kung anong excuse ang gagawin niya, at sabi ko siya nang bahala, basta yun. Nagreply pa siya. Di na'ko nag-respond. After 3 rings of messages mula sa kanya na hindi ko r-in-eply-an, tinawagan niya ako, but offed the call so as my phone. Estorbo.
