Fallen' Picture (One-Shot Story)

77 0 0
                                    

Fallen' Picture

-MagandangKheyy 2013

Grace's POV

*click* 

"Okay isa pa ha?"

*click*

"Okay! Upo ka muna, saglit lang to. Mga 10 mins..." 

Pumunta ako kaagad sa harap ng salamin. Hmmm, medyo okay naman pala itsura ko. Bakit kasi kelangan pa ng picture sa pagpasa ng forms eh. Mukha tuloy akong haggard. Ay hindi pala! Haggard na pala talaga. For sure, panget  istura ko dun sa picture. Naka-uniform pa ko!

Nandito kasi ako nga sa isang Photo Shop, Rush ID to be exact! At syempre nagpakuha ako ng picture para sa mga forms na ipapasa ko sa college. Umupo na ako sa sofa sa tapat ng counter. Kung nasan nakaupo si Manong na nagpicture.

3 mins...

5 mins...

10 mins...

"Iha!" Tumingin ako kay Manong at agad na tumayo.

"Magkano po?" Lumapit ako sa counter at inabot ang bayad pagtapos kong kunin ang picture ko. 1x1 at 2x2 ito eh.

"Sige po salamat po uli." Kinuha ko na ung bag ko sabay labas sa Shop. Sumakay ako ng tricycle para makauwi na ako kaagad. May exams pa nga pala kami at kailangan ko magreview. 

Ang hirap ng buhay 4th year! Ang daming gagawin. Hectic lagi ang schedule! Masakit sa ulo at nakakapagod. Ang dami pang events na gaganapin sa school. Hayyy -____-

Naalala ko, nagpapabili nga pala si Mama ng tinapay. "Manong, pakidaan po sa bakery!" Sabi ko kay Manong Driver.

Malayo pa naman kaya kinuha ko muna ung picture ko sa bulsa ko. Tinignan ko, medyo okay naman. Medyo in-edit ni Manong kaya mukhang fresh pa. Bwahahaha! Pwede na 'to.

Biglang huminto ung tricycle at nakita kong nasa tapat na pala kami ng bakery. " Manong saglit lang po ha." Ibinababa ko ang picture ko sa lap ko at kinuha ang wallet ko sa bag ko.

Lumabas na ko ng tricycle at bumili ng paboritong tinapay ni Mama.

Umandar naman kaagad ung tricycle pagsakay ko.

Kev's POV

"Oh ano pare? Dota muna ba tayo?" Tanong ni Arjhay samin paglabas ng school. 

"Ulol! Hindi ka na talaga nagbago Arjhay! Panigurado lagot ka na naman sa Nanay mo! Umuwi na lang tayo." Pagsermon ko sa kanya. Nagtawanan naman kaming magkakabarkada.

"Pre, daan muna tayo ng bakery, nagugutom ako eh!" Sabad ni Air samin. Sya talaga pinakamatakaw sa aming magkakabarkada.

"Hoyy! Mga g*go! Gutom na ung alaga ni Air! Bilisan nyo kung ayaw nyong kayo ang makain nyan. HAHAHA!" Sinamaan ng tingin ni Air si Earth, ung kakambal niya.

Napailing na lang ako sa kambal na to! Magka ibang magkaiba sila. 

"Miss, isang cake nga sakin at isang coke." Sabi ko sa tindera. "Hoy kayong mga ugok! Ano sa inyo? Bilisan niyo na maabutan pa tayo ng ulan eh." Naibigay naman agad sakin ung binili ko. Tapos ay umalis ako sa tapat ng bakery para makabili naman ung iba.

*plong* *plong*

Kinuha ko ung cellphone ko sa bulsa ko habang sumisimsim ng softdrinks. May nagtext eh. Baka si Mama.

1 message received - 5:23 pm

"Anak! Umlis ako, may susi k nman ng bhay dba? Bka gabhin na ko ng uwi. Wg mo n ko intyin. Sge, ingat! Labyu anak!" 

Oo na! Nanay ko na ganyan! Pshh -_-

Binulsa ko na din ung cellphone ko. Di na ako nagreply. Sanay naman na si Mama eh.

Nakayuko pa din ako habang kumakain at umiinom ng may mapansin akong picture sa ibaba. Tinitigan kong mabuti kung picture nga ba o isang supot lang ng pagkain. Pero ng maconfirm ko na isang picture nga, pinulot ko agad ito. Madaming picture ung nasa loob ng plastic. Nalaglag siguro.

Isang babae ang nasa picture. Nakauniform pa. Teka! Alam ko kung saang school ung uniform na to ah? Sa King's Crown University to! Tama! Tinitigan ko ung picture. Maganda ung babae. Lagpas balikat ung buhok niya.

"HOOOOYY!" Nagulat ako at muntik na kong mapatalon sa mga kabarkada ko. Gulatin ka ba naman kasi ng pasigaw? Ikaw kaya? Ang dami pa nila. Tapos sisigawan nila ako, nakakabingi kaya!

"Putaaaanggg*naaaaa nyooo!" Singhal ko sa kanilang lahat na ikinatawa lang nila.

"Putanggg*naaaaa mooo din with feelings!" Balik ni Ryuji.

"Sino ba kasi yang tinitigan mo sa picture? Bagong target mo?" Sabi ni Earth.

"Hindi ahh.. Napulot ko nga long to eh." Walang gana kong sagot sa kanila.

"WEEEEHHH?! Napulot??" sabay sabay nilang angil sakin? 

"Ay hindi! Hindi! Inilaglag! Inilaglag ko! Kasi ako to eh! Ako ung nasa picture!" Sarcastic tone on!

"BWAHAHAHAHAHA! Nahawa ka na ba kay Vice Ganda pare?" Tatawa tawang sabi ni Air.

"Ewan ko sa inyo." Sabi ko sabay lakad papalayo sa kanila.

Hmm, interesting... *evil smile*

(Okay, back tayo kay Girl!)

Grace's POV

"WAAAAHHHHH!!!! Mamaaaaaa!!!" Pagdadabog ko sa harap ni Mama habang naghihiwa ng lulutuin niya para sa hapunan namin.

"Ano ba nagyayari sayo Grace? Mukha kang kinatay na biik jan kung makangawa?" Walang lingon na sabi sakin ni Mama.

"Ehh kasi nga unggg picture kooo ehhhh!! Nalaglaaaaggg!!!" Ajujuju. Kainis naman eh!

"Eh ano ba kasi ginawa mong katangahan at nawala mo?" Tanong niya.

"Ewan ko ba! Nalaglag ata nung bumili ako ng tinapay eh! -3-" Padyak padyak paa kong sabi.

Pumasok na lang ako ulit sa kwarto ko at humiga sa kama. Sumubsob ako sa unan atsaka nagtitili. Waaahhh! Sana walang makapuloooottt! >< Nakakhiya naman kasi ehh! T3T

~~~~

Bitin! I know. Hahaha! Gusto ko kasi na kayo ang magtuloy eh. Or para medyo maconfuse kayo kung ano sunod na mangyayari. I know! Baliw akong author. Pero icomment nyo na lang mga gusto nyong ending.. Hahaha!

Hihihi! ^_^ Hi over there! Try ko lang ulit. Nakalikot ko lang sa maggulo kong utak! 

Please vote and comment. 

Thankiess! 

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Jul 18, 2013 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

Fallen' Picture (One-Shot Story)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant