Napa-ayos ito ng upo at isinandal na rin ang likod sa sandalan ng upuan. Napanguso ito at tumingin sa labas ng restaurant at tatlong beses na tumango. Parang nag-iisip ito ng isasagot sa akin bago ngumiti ng makahulugan.

"If she was you, then why not?"

Binalot ng init ang mukha ko at napaiwas ng tingin sa kanya. Pakiramdam ko ay nalaglag ang panty ko dahil sa sinabi nyang iyon. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pag-ngiti ko.

Lumunok ako ng laway para basain ang nanunuyo kong lalamunan.

"A-ano namang ibig mong sabihin doon? May interes ka ba sa akin?" pabiro kong sabi at nagkibit balikat lang ito.

Saktong dumating ang waitress at inilapag ang inumin sa harap namin. Mabilis kong kinuha iyon para mahimasmasan ang nag-iinit kong mukha.

Dala ng isang waiter ang pagkain namin at maingat iyong inihanda sa table namin. Bumungad agad sa akin ang bango ng bagong lutong pagkain. Talaga namang nakakapang-laway ang amoy at itsura non.

Matapos kong mahawakan ang isang kutsilyo at tinidor ay muli kong sinilip si Klaude.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." pangungulit ko sa kanya.

Napangiti ito bago inayos ang table napkin sa kanyang gilid.

"Kung sasabihin ko bang mayroon ay may magbabago ba?" hindi ko alam kung anong pinapahiwatig nya pero nagugustuhan ko ang takbo ng pag-uusap namin.

"Hindi ko alam. Depende sayo pero sa akin ay wala. Sanay akong may nagtatapat sa aking lalake." lalong lumawak ang ngiti nito sa kanyang labi.

Kitang kita ko ang mapuputi at pantay nyang ngipin. Napahawak ito sa ibaba ng kanyang labi habang ako naman ay nagsisimula na sa pagkain.

"It means two things, Thyrile. Either you've broken plenty of hearts or you've been in many relationships before." wika nito at ginalaw na ang kanyang pagkain.

Sa totoo lang ay wala pa akong nagiging boyfriend. Maybe because I had no interest in relationships before or better yet, dahil ngayon pa lang nagku-krus ang landas namin ni Klaude. Meeting him is like knowing what love really means to me.

"Ano ba sa tingin mo?" mapanlokong hamon ko sa kanya. Napailing lang ito kaya natawa ako. "Ikaw ba? Alin ka sa dalawa? Ang nagpapaiyak o isa sa mga umiyak at nasaktan?" seryosong tanong ko.

Ang nasagap pa lang ng impormasyon ko ay wala pang girlfriend si Klaude. Kakabalita lang na ang nakakatanda nyang kapatid ay may Fiance na, na nabasa ko sa isang article sa internet pero wala pa akong nababasa na may ka-relasyon si Klaude ngayon.

"I've never been in a serious relationship pero hindi ako yung tao na nagpapaiyak." napatango ako at tumingin na sa pagkain ko.

I wanna ask, 'With who?' pero ayoko namang itanong dahil baka isipin nyang masyado na akong nanghihimasok sa buhay nya.

Ang sabi nga ng pinsan kong si Trigger noong nandoon kami sa bar ay wala akong dapat na madaliin. Marami kaming oras ni Klaude kaya oonti ontiin ko ang impormasyon tungkol sa kanya.

Napatingin ako sa labas ng restaurant ng makita ang mabilis na pagpatak ng ulan. Madilim ang langit at malalaki ang tubig na tumatama sa bintanang sinisilipan ko.

"Ito na ata ang bagyo. Gosh, inabot pa tayo!" tumingin ako sa aking relo.

Delikado ang daan papunta sa amin lalo na kung basa ang kalsada at kadalasan ay sinasarado na iyon para sa safety ng mga tao. Ilang aksidente na rin kasi ang naganap doon dahil dumidiretso sa bangin ang ilang sasakyan dahil sa madulas na daan.

"Patay ako kay Lolo nito kapag hindi tayo nakauwi ngayon." wika ko pa.

Nagsalubong ang dalawa kong kilay ng may pumasok na mag-asawa sa loob ng restaurant na basa ang halos kalahati ng katawan. Isang maliit na babaeng pilipina at matangkad na lalakeng foreigner.

May kumuha agad ng payong nila at inilagay iyon sa tabi. Inalalayan ang dalawa para makakuha na agad ng mauupuan. Ilang customer pa ang dumating na ganon ang itsura.

"Thyrile, ilang oras pa ba ang byahe papunta sa inyo?" seryosong tanong sa akin ni Klaude.

Napakagat ako sa aking labi bago kinalkula sa utak ko ang oras kapag ganito ang panahon. Isang beses dati ay inabutan kami ng mga pinsan kong sina Tryck at Trey ng bagyo noong mga highschool pa kami. Gumala kami rito sa bayan nang hindi nagpapa-alam kay Lolo dahil itinakas ni Tryck ang bagong biling sasakyan para mapalitan ito ng ibang parts.

Madaling araw tumigil ang ulan noon pero hindi pa agad humupa ang baha sa isang ilog na madadaanan pauwi sa amin. Tinabunan kasi ng rumaragasang baha ang tulay kaya walang nakakatawid na sasakyan. Ngayon ay inayos na iyon kaya hindi na naaabot ng tubig kahit umulan.

"Mga tatlong oras siguro kung aalis na tayo ngayon pero kung maraming sasakyan ang papunta sa amin ay baka abutin tayo ng apat o limang oras."

Mabilis na nag-ayos si Klaude at tinigil na ang kanyang pagkain. Wala pa sa kalahati ang nauubos namin kaya napatitig ako saglit sa aking plato.

"Ipa-take out nalang natin 'yung pagkain." wala sa sariling napatango nalang ako at mabilis na pinadaan ang table napkin sa aking labi.

"Klaude, sigurado ka bang kaya mong mag-drive sa ganitong klase ng panahon?" habol ko sa kanya habang inaayos ang pagkain na ibinigay sa akin ng waiter kanina.

Nang dumiretso ang tingin ko ay nasa harap na kami ng pinto ng restaurant. Nakita kong napatigil muna si Klaude bago iyon binuksan.

Napahawak ako sa kanyang braso at nang mabuksan ang pinto ay isang malakas na hangin ang umihip sa buong katawan ko. Malamig at basa iyon kaya pagbukas ng pinto ay pumasok agad ang ilang tubig sa sahig ng restaurant.

Mabilis na isinara ulit 'yon ni Klaude. Hindi ko pa natatapak ang paa ko sa labas ay ganoon na agad ang tagpo. Ano pa kaya kung lumabas na kami r'yan?!

May lumapit sa aming isang staff. "Sir, malakas po ang ulan sa labas. May dala po ba kayong sasakyan?"

"The white Mercedes is mine." sinilip ng staff ang sasakyan ni Klaude na nakaparada malapit sa pinto ng restaurant.

"Sige, Sir. Alalayan nalang namin kayo para makapunta roon. Mayroon kaming malaking payong dito." kinuha na nya ang itim na payong sa gilid. Dalawa ang hawak nya at ibinigay nya ang isa kay Klaude. "Ma'am, ihahatid na muna kita." tumango ako sa kanya pero bago pa nya mabuksan ang pinto ay napatigil na ako dahil sa paghawak ni Klaude sa siko ko.

"Sa akin sya susukob." seryosong wika nito at ipinadausdos na ang kamay sa beywang ko para malapit ako sa kanya.

Nagtayuan ang balahibo ko dahil sa ginawa nya. Napatingin din ako sa kanya habang pinagbubuksan kami ng pinto.

Pagkabukas ay agad nyang pinindot ang payong at mabilis akong hinapit para madala ako sa sasakyan. Nakasunod lang sa amin ang lalakeng staff. Una akong pinasakay bago umikot si Klaude sa kabila para makapunta sa driver's seat. Pagkarating doon ay inabot nya agad ang payong sa lalake at mabilis na sinarado ang pinto.

Kinuha ko naman ang panyo sa aking bulsa at ipinunas iyon sa basa kong hita. Pati ang rubber shoes ko ay basa na!

Tinulungan ulit kami para makalabas sa parking area dahil masikip na ang kalsada sa dami ng sasakyan. Malabo na rin ang daan dahil sa lakas ng ulan. Tipong hindi na nakikita ang ibang sasakyan kung hindi mo bubuksan ang ilaw.

"Patay talaga tayo nito!" bulong ko.

Nakita ko ang basang braso ni Klaude na nakahawak sa manibela. He looks sexy! Paano nangyari iyon?!

"Let's just check in, Thyrile. Baka hindi natin kayanin ang ulan kung magpapatuloy tayo." wala sa sariling napatango ako at itinuon nalang ang atensyon sa aircon para hinaan ito.

Dare with the Beast [COMPLETED]Where stories live. Discover now