Prolouge

2 1 0
                                        


Zech Jeon's POV

Araw-araw walang kupas, pumupunta parin ako dito sa matandang puno na'to. Umaasa na babalikan parin niya ako. Kahit na yung oras na namin ay overdue.

Nandito nanaman ako, mag-isa. Bakit ba sa tuwing mag-isa ako feeling ko kasama ko siya? Ganon ba talaga yun?

Naala ang mga masasayang alaalang binuo naming dalawa na magkasama. Mauulit pa kaya iyon?

Hindi ako magsasawang maghintay dito. Alam ko sisiputin niya ako at sa oras na dumating siya rito at masilayan ko ang kanyang mukhang matagal ko ng kinasasabikan, hindi ko na siya muling pakakawalan pa. Yayakapin ko siya't ipapadama ko sa kanya kung gaano katagal naimbak ang pagmamahal ko sa kanya simula ng siya ay lumayo.

Handang handa na ako ngayon. Please Athalia bumalik ka na.

Hindi ko na napigilang umiyak. Nakakabakla man sa paningin ng iba, pwes ang masasabi ko sa kanila makitid utak nila.

Miss na miss ko na lahat lahat sayo athalia, hanggang kelan ako maghihintay? Lord sign naman oh.

Napabuntong hininga nalang ako saka tumayo. Pero bago ako umalis hinarap ko muna yung matandang puno.

"Exactly two years ago today, here under you, old tree as our witness she and I buried a time chest here remember? We promised each other to meet here two long years later, but she hasn't come yet punong tanda.  I'm going to wait."

Pinunas kong muli ang mga luhang pumatak sa pisngi ko saka lumakad palayo. Maghihintay parin ako.

  Are you willing to wait for forever? And choose between For Ever or Over. This story fits you.

Enjoy reading!

[A/N: Update every saturday, comment down]

Forever or Forover?Where stories live. Discover now