Chapter 6 ~ I'm his Savior

Začať od začiatku
                                    

.

.

SI JERIC NGA PALA!

Inopen ko na ung phone...

Bakit ayaw? No, hindi ka pa sira. Isa pa...

Ayaw talaga! Teka macheck nga ung loob, aayusin ko lang ung battery.

WALA UNG BATTERY!!

Tumingin ako sa paligid ko, babalik ba ako sa may Restroom? Baka naapakan na un. Nako naman. Anu bang kamalasan 'to?

"Grabe Madds! Nakakapagod pero enjoy talaga dito! Next week ulit ah!" Nandito na pala si Alex.

"Alex nasan si Sam?" Hindi ako nakatingin sa kanya kasi may hinahanap ako.

"Ayun Madds tignan mo, may nahuli na ata. Hehe."

Napatingin naman ako bigla sa direksyon na tinuro ni Alex...

"Hindi ko naman makita eh, nakatalikod kaya."

"Mamaya haharap din yan, wait lang ah, CR lang ako ah. Sabihin mo sakin kung gwapo kapag lumingon na ha?" Tumango na lang ako kasi hindi ko makita ung hinahanap ko.

Sorry Alex pero lalabas muna ako. Hahanapin ko lang ung battery ko. Sobrang nakakasuffocate na rin kasi dito sa loob kasi halo-halo na ung amoy.

Fresh air... Medyo may tama na ako ng konti pero dahil sa kaya ko pa, maglalakad-lakad muna ako. Malayo sa kalsada itong favorite bar namin.

"San nga pala ako pupunta?" tanong ko sa sarili ko habang naglalakad kung saan na medyo hilo din. Nawawala na ba ako?

"Parking lot" Pagbasa ko ng mahina.

Paano ako nakarating dito? Nevermind makabalik na nga lang sa bar.

"Yeah I'm with Thomas." papaalis na ako ng marinig ko ang isang familiar na boses.

Ikaw pala myloves. Nagniningning ang mga mata ko sa nakita ko, isang lasing na Adonis dito sa parking lot. Oh my gulay kahit madilim kumikislap ang biceps niya.

Bigla ako napasampal sa sarili. What am I talking about? Erase what I've said a while ago. Don't want to waste my time here, may misyon pa akong hanapin ang battery ko.

"Okay I'll tell him later when I get back inside. No, no don't be like that, I assure you his not flirting with anyone tonight." Haist halatang lasing na 'tong Adonis ko but wait andito din si Thomas Torres? Hala! One of my fave players in UAAP. Oh lala~ Ang swerte din ng gabi ko. Kailangan ko makapagpapicture sa kanya.

"Akin na yang cellphone mo!!"

What's that? Nagulat ako ng may sumigaw! Hindi pa ako nakakalayo kaya pagkatingin ko sa direksyon ni Jeron,

Oh gosh! May mga monster!

May dalawang lalaking mukhang mabaho, haist pano ba explain basta ang panget nila at parang may bad idea silang gagawin. Hinawakan na ng isa ang lasing na lasing na si Jeron sa magkabilang kamay papunta sa likod.

Nilapag ko muna sa ilalim ng kotse ni Sam ung phone ko. Mahirap na. Baka mapasabak ako dito.

"Baby, dito ka lang ah. Babalikan ka ni Mommy."

"Pare mamahaling cellphone ito. May kagat sa likod!" sabi nung bugok na isa.

"Oh yess naman! Iphone 5 yan eh!" hindi ko napigilan ang sarili ko.

"Sino ka naman?"

"Excuse me? Hindi ako sinuka! Duh! My mom told me that she gave a c-section of my birth." pagmamataray ko sa kanila.

Love from Within (A Jeron/Jeric Teng FanFic)Where stories live. Discover now