A/N: Hi! Hello! ^_____^V
Tapos na dapat 'to matagal na kaya lang nabura kaya inulit ko ulit. Ang saya 'no? XD Okay. Gusto ko lang ma-expose ng onti. Babush! Hahaha.
Enjoy reading! :-* <3 Part 1 and Part 2 po ito kasi baka mabitin kayo eh. :)
**
Part 1:
"Hi Keshyl!"
"Hello po ate Keshyl!"
"Goodmorning po."
Naglalakad ako sa campus papuntang room. Nginingitian ko nalang ang bawat estudyanteng bumabati sa akin.
Well, yeah. Sikat nga ako sa school na 'to. Mahilig kasi akong sumali sa mga contest at palagi akong nananalo. And uh, siguro dahil girlfriend din ako ng nag-iisang pinapangarap ng halos lahat?
"Hi Love!" Sabi niya sabay kiss sa forehead ko.
Speaking of boyfriend. He is Jake Forteza --every girl's dream. Why? He has everything that girl's wanted for. I mean, almost perfect. Wala ka na sigurong mahihiling pa.
"Hello!" Sabi ko ng naka-ngiti.
Sabi nila, perfect match daw kami. Well, I hope so. ;)
"May laban kami mamaya. Punta ka ha?" Sabi niya na parang bata habang hinahawakan ang buhok ko.
"Busy ako." Sagot ko kaya napatitig siya ng matagal sa akin.
"Aw. Ang sakit Love! Mas mahalaga pa yan sa akin? Aray." Sabi niya sabay hawak sa puso niya na parang nasasaktan talaga.
"Hahaha. Joke lang 'no!" Sabi ko. Kasi naman eh, bakit pa kailangang sabihin eh kahit naman hindi niya sabihin, pupunta talaga ako! Hindi pwedeng wala ako dun 'no.
"Mr. Forteza, what brought you here?"
Oops. Nandyan na ang prof namin. Si Jake kasi, section A yan. B ako. Obviously, hindi kami mag classmate.
"Tsk. Si tandang sungit nanaman." Bulong ni Jake kaya natawa ako. Para kasi siyang bata.
"Umalis ka na kasi!" Sabi ko.
"Eh. Mamimiss kita!" Sagot niya. Kahit kailan naman 'to oh!
"Magkikita naman tayo mamaya eh." Sagot ko naman.
"Mr. Forteza?" May pagbabanta sa tono ni tanda ay este ni sir. Sorry sir! Si Jake kasi nakakahawa. >\\\\<
"Sir ang ganda mo!" Biglang sabi ni Jake kaya nagtawanan ang lahat.
Pfftt. Si sir, biglang namula at sinamaan ng tingin si Jake.
"Eh sir, joke lang! Sabi ko nga aalis na ako eh. Labyu sir!" Sabi ni Jake tapos tumakbo palabas ng room. Pero bago siya tuluyang umalis, sinigaw niya muna pangalan ko kaya napatingin kaming lahat sa kanya.
"Pero mas mahal kita kay sir. *wink*" Sabi niya at tumakbo na paalis.
"AYIIIIIEEEEEEE!" Hiyawan ng lahat. Ako naman bigla ang namula. Tsk. Kinikilig ako, enebe! ^/////////^
Ayan. Isa yan sa mga nagustuhan ko sa kanya. Ang sweet sweet niya. Mararamdaman mo talaga na napaka-special mo at itinuturi ka niyang prinsesa. Sarap sa feeling!
Naglecture lang si sir. Tsk! Pinag-intirisan nga ako sa recitation eh, halos lahat ng mahihirap na tanong, sa akin itinatanong. Buti nalang, nasa kondisyon akong makinig sa kanya at kahit papaano, nasagot ko naman lahat.
VOCÊ ESTÁ LENDO
I STILL DO [Part One]
Ficção AdolescenteSaying 'I love you' is easy to say but it's hard to prove if it's true. Likewise, saying 'I've already moved on' is easy to say but it's hard when you still do.
![I STILL DO [Part One]](https://img.wattpad.com/cover/60632461-64-k365663.jpg)