Never click suspicious links
Reminder: Wattpad will never ask for passwords, payment information, or other sensitive account security details.

U N O

29 2 0
                                        

U N O

Parade


"Amika, ang tagal mo! Aalis na kami!" Nahimigan ko ang pagbabanta sa tono ni Ella. Bumuntong hininga ako. Napahawak ako sa aking noo at kinamot ito.

"Ella, alam mo naman sila mommy. Hindi nila ako hahayaang lumabas ng ganitong oras kaya kailangan kong tumakas. Can you just wait for a minute?"

Kahit hindi ko siya nakikita at nakikipag-usap lamang siya sa akin sa telepono ay nailalarawan ko sa aking isipan ang pag-irap niya. Ella and I are childhood friends kaya kung may balak maggala ang isa ay isasama niya ang isa pa. She's like that to me. Ang relasyon namin bilang magkaibigan ay matibay kahit noong bata pa lamang kami.

"Fine. The clock's ticking, babe."

Napailing ako sa sagot niya. She's so uptight. Kahit may boyfriend na siya ay mataray at masungit pa rin siya. Hanga nga ako kay Hero dahil natatagalan niya si Ella. Ang sabi kasi ng iba naming kaibigan ay walang tatagal kay Ella. Mula pa lamang noong may mga nanliligaw sa kanya hindi na tumatagal. Ang hula pa nga ng iba ay mauuna ako magkaroon ng boyfriend dahil mas approachable ako kaysa kay Ella.

Ibinaba ko ang tawag at sinilip sila mommy sa sala. Nakapatong ang ulo ni mom sa kanang balikat ni daddy. Napangiti ako sa eksenang aking naabutan. Kahit ilang taon nang kasal sila mommy ay hindi pa rin nililipasan ng panahon ang pagmamahalan nila sa isa't isa. Hindi katulad ng ibang marriage, one year lang ang due.

Mula pa noon ay pangarap ko nang magkaroon ng relationship like my mother and father have. Sila mommy ang nagpapatunay na true love exists and this world has happily ever after. Kahit nga sabi ng ilan ay walang forever. Pero nasusukat ba sa panahon ang forever? Sa palagay ko kasi ang forever ay 'yung moment mismo.

When you felt nothing's wrong at pure joy ang nararamdaman mo para sa isang tao- even if that's just a second or two- forever na iyon. Kasi iba ang pakiramdam na naranasan mo. 'Yung pakiramdam na wala ka ng mahihiling pa at wala ng makapapantay sa naramdaman mong 'yon. That's my opinion.

Namataan ko ang paghawak ni dad sa ulo ni mom gamit ang kanang kamay at hapitin palapit si mommy. They struggled closer to each other. I saw dad turned off the television. Mukhang inaantok na siya 'di tulad ni mom na maagang sumuko. And I knew from that na sign na na malapit na akong makatakas.

Nagpalipas ako ng ilang minuto bago ulit silipin ang aking magulang. Tahimik ang paligid at ang ilaw na galing sa lamp shade ng sala lamang ang nagsisilbing source of light. Marahan akong naglakad palapit at sinilip sila. Both their eyes are closed and their breathing pattern is slow- ibig sabihin ay mahimbing silang natutulog. Nakahinga ako ng maluwag.

Agad akong nag-text kay Ella na papunta na ako. Nakalabas na ako ng bahay nang mag-reply si Ella.

'Okay. Dalian mo malapit nang magsimula ang lantern parade...'

Nanlaki ang aking mata at tinignan ang aking relo. It's 11:54 PM. Mags-start ang lantern parade ng eksaktong midnight. Mabilis kong tinahak ang daan patungo sa Hardin de Avis- isang lugar sa Isla de Vista na malapit sa dagat at kadalasang venue ng iba't ibang program.

Hindi ko naman sila masisisi dahil talagang napakaganda ng view ng dagat. Tuwing umaga ay masisilayan mo ang pagsikat at sa hapon- ang paglubog ng araw. Sa ngayon ay wala pang entrance fee iyon ngunit sa palagay ko ay magiging isa na iyon sa attraction dito sa Isla dahil dumarami na ang turista rito.

Nang makarating sa Hardin de Avis ay nag-text ako muli kay Ella. Sinabi kong dederetso ako sa bilihan dahil malamang sa malamang- ubos na ang sky lanterns na ibinibenta nila. Ngunit umaasa pa rin ako na kahit isa lang, sana ay may matira.

Summer EscapadeCerita yang bikin terobses. Temukan sekarang