Part 1 (Stace)

24 3 2
                                    

Ako nga pala si Stace. Grade 8 palang pero madami nang crush. Pero sa lahat, si Lex yung pinaka gusto ko. Katamtaman lang yung height, singkit tapos gwapo siya. Nakita ko siya nun papunta isang tindahan. Tumatambay kasi kami sa tapat ng computer shop para hintayin yung service namin. Napadaan siya tapos tumingin ako. Habang naglalakad siya, tumingin siya sakin at nag-ayos siya ng buhok. Kinilig to the bones ako kaya nahampas-hampas ko yung katabi ko. Pangalawang time na dumaan siya, pauwi na siya dun sa kanila. Tumingin ulit siya sakin tapos kinindatan niya ko. Halos mangisay ako sa kilig nun habang tinutulak-tulak ako nung mga classmates ko. Tiningnan ko na kung saan yung bahay nila at nakita ko dun lang sa malapit sa school namin. Di ako mapakali dahil gusto ko na siyang puntahan until next day, day before fieldtrip. "Stace! Bili na tayo ng mga pagkain nadadalihin natin bukas." sabi ni Gel. Siya nga pala yung pinsan kong baliw. Nagsama rin kami ng ibang classmate namin. Habang nasa daan, nakita ko si someone sa likod namin! Inutusan pala siya si FUTURE MOTHER-IN-LAW ko (assuming lang ako)na bumili rin ng grocery nila. Sa luwang nung tindahan, nagkita kami sa section ng mga pagkain. "Gusto ko nito Stace! Libre ka nga" sabay tinulak ako si Matt. Si Matt naman yung mataba dun sa group namin. Sa kakatulak niya sakin, natabig ko yung biscuit box dun sa shelf tapos nahulog. "Kagulo mo naman! Nahulog tuloy" napasigaw pa ko at habang kinukuha ko yung nahulog, may isa pang kumuha nung biscuit box na yun. At yun na nga si Lex! Nag-blush ako sa kilig habang tinutulak-tulak pa nila Gel at Matt. Sa sobrang gulo nila, nahulog pa yung ibang box tapos tumama sa ulo ko. Yan tuloy sira moment namin ni Lex. Sa sobrang hiya ko, tumakbo nalang ako. Napaka-akward nung moment na yun dahil napahiya ko kay crush. Pagkalayo namin ay sinapak ko kaagad yung dalawa with matching suntok. Habang naglalakad pabalik dun sa tapat ng school, iniisip ko yung nangyari kanina. Yan tuloy na stolen ako. Naghahabulan pa kami para lang idelete niya yung stolen na yun eh. "Delete mo na kasi yan!", "Pabebe ka naman" sabi tuloy sakin ni Gel "KJ,KJ,KJ" sabi naman ni Matt. Pinost pa nila na may caption '1 like 1 pray' nung pinakita nila sakin. Baliw talaga pag magkasama yung dalawang yun. Tinuloy ko na lang yung pagtulala hanggang makabalik kami sa school. Hinintay na lang namin yung service hanggang makauwi ako. Natapos yung araw ko ng sirang-sira dahil sa dalawa.

It All Starts HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon