It Starts Here!

4 0 0
                                        

Ugh! This day.. Eto na ang araw na pinakahihintay naming mga students. At syempre pati mga teachers. FOUNDATION DAY!

Noong una, hindi ako naniniwala na may dadayo sa paaralan namin. Kasi first time yun mangyayari kung meron man.

"Everyone is ready?" -tanong ng EMCEE sa lahat. Nasa harapan siya ng stage at may hawak na microphone. Malamang naman dba, paano namin maririnig lahat ng opening remarks churva ng mga speaker.

Isang 'YES' ang umalingawngaw sa open ground ng paaralan namin.

This is it! We're nervous. Four different teams will compete in their Calisthenics. Who will be the winner?

At kung minamalas ka nga naman, yung team pa namin ang nakabunot ng 'FIRST' to be perform. Oh di ba?

"LADIES AND GENTLEMAN, HELP ME WELCOME THE VARSITY PLAYERS AND THE COACH OF *MENTION THE NAME OF THE SCHOOL* Thank you sa pagtanggap sa game invitation ng paaralan namin " saad ng EMCEE

After the Opening prayer and all the ek ek messages.....

Hayan na! "LET'S WELCOME THE FIRST PERFORMER! GIVE THEM A ROUND OF APPLAUSE"

Palakad na kami papuntang harapan. Anjan pa rin ang kaba. Pero kailangan naming mag-'smile' para mas maganda ang kakalabasan ng performance namin.

Nagsimula na ang tugtog at nagsimula na rin kaming sumayaw. Lahat sila ay nagulantang sa pinakita namin. Hindi mo mawari kung nasasayahan ba sila sa sayaw namin o hindi.

Hindi kami makatingin sa pwesto ng mga varsity players na sinasabi ng EmCEE kanina kasi yung tingin namin  ay diretso lang sa mga judges.

Atlast, natapos rin ang sayaw namin. Lahat sila ay nagpalakpakan. May nagsabi pa na ang ganda daw ng performance namin.

Nakapag-perform na rin lahat ng mga teams at ang tanging masasabi ko lang ay 'ang gagaling ng mga students at syempre sa mga nagturo. Lahat ata kami panalo. ' Pero syempre, in any contest, "one can win and one can loose"

This is it, pancit! Inaanunsyo na ng Chairman of the Board ang resulta ng competition na nangyari at ang nanalo ay.............












0____0








"Tayo? Waaaahh! Panalo tayo.." sabi ng katabi ko at niyakap-yakap ako.



Oo. Kami ang nanalo. Akalain niyo yun?


"Students, proceed to the gym exactly 1:30 for the invitational game"






1:30.. gaya nga ng pakiusap ng EMCEE namin, pumunta kami sa gym para manood ng basketball.. Actually, I'm not a fan in that game.. Boring? Yeah! Isa lang yan sa iniisip ko about basketball. Puro sigawan lang naman at takbuhan. Psh!



Pero nagkamali ako, ang basketball na akala ko ay boring ay maganda palang panoorin. Bakit? Kasi may GWAPONG player. Imbes na yung mga players ng school namin ang chini-cheer namin ay yung gwapo.

Ikaw ba naman ang makakita ng matangkad,  maputi, hays! Sige lahat ng magandang features sa lalaki, nasa kanya na lahat.

Bawa takbo at shoot ng bola ay kinukuhanan ko ng litrato. Sa fangirl niya na ako ee. Hahaha!

But, kahit gaano namin siya...hmm sila, i-cheer (kasi nga wala silang supporters galing sa paaralan nila) natalo sila.

Ang gagaling kaya ng varsity player ng school namin.

Pagkatapos ng laro, maraming students ang nag-request na maka-picture siya. May kumuha pa nga ng number niya. Sus!

Ako? Andun lang sa mga bleachers, nakaupo at tinitignan siya. Shems! Bakit kasi ang gwapo niya?

Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong tignan siya kasi may hanay kami.


I've been searching his name on Facebook. Nalaman ko ang pangalan niya dahil narinig ko sa mga kinilig na students kanina. Sus! Eh ayun na nga, bilang DAKILANG STALKER, hinanap ko naman agad sa Facebook at boom! Meron. In-add ko na. Hindi ako nag-a-assume na sana i-confirm niya ang request ko.






Pero nung in-accept niya yung request ko, ay GRAVITY! KINILIG ANG LOLA NIYO...

How To Pretend?Where stories live. Discover now