1st Paper

0 0 0
                                        

"Aaaaaaaaaa! Spell SUCCESS naman dyan o!"

Sabi ko paglabas na paglabas palang namin sa room. Grabeee! Feeling ko ay nag-impake ang mga brain cells ko ng dahil sa Math.

Ngayon kasi ang 2nd day ng Periodical Test namin. At Math pa ang last subject. Kahit open notes na kami (OO. Tama kayo ng nibasa. OPEN NOTES. Ganyan kalupit ang tamad naming teacher sa Math) e malakas ang feeling ko na BAGSAK pa rin ako.

Oy a! Di ako ganon kabobo sa Math. Best in MATH pa nga ko nung Grade 6. Tapos nakakapasa naman ako sa mga test namin last school year. Iba kasi tong teacher namin ngayon e. TAMAD. Laging nasa TV ang lesson sa kadahilanang tamad sya magsulat. Puro shortcut ang nituturo. Di ko na maintindihan. -_- Kaya di na ko magtataka kung line of 7 ang grade ko sa Math ngayong 3rd quarter. -_-

"Shh. Ang ingay mo naman Muse. Hahahaha. OA ka."

Sabi ni Nicole. Friend ko.

"Grabe ha! Kahit ni-easy easy ko lang yung Math kanina, di ko naman ata deserved ang line of 7."

Taas-noo kong sabi. Aba oo. Baka mawala ako sa Top 10 nyan! Di naman sa pagmamayabang, e honor po 'to. *clap clap* Top 10 nga lang. -_-

"Aba bakit aber? Kala ko madali lang sayo yung test kaya di mo na kinailangan ng calculator. E yun naman pala, umasa ka sa mini-mini-mayni-mo! Nakunaku Muse ha. Top 10 ka pa naman. Baka maagaw ko sayo yang Rank mo."

Pagmamayabang ni R.A. Babae yan. Ang alam ko? HAHAHAHAHA. Mejjo astang lalaki kasi sya. At may crush na babae. Yak di ba? Pero kahit ganyan yan, mahal ko yan. Barkada ko yan e!

"Grabe sya o! Ikaw na nga ang naka-46 over 50 sa AP. Sus. Di mo ko mabi-beat."

Nagyabangan lang kami dun. Kumain ng paborito naming street foods. Naggala-gala. Niti-treat lang namin ang sarili namin. Aba! Dapat lang dahil napagod ang mga brain cells ko.

----
"Muse! Natutulog ka na naman! Mas lalong mamamaga yang mga mata mo! Hala! Tumayo ka dyan."

Sigaw--este sabi ng maganda kong Ina. Haaay. Leche kasing mantika. Sukat talsikan ba naman ang mata ko?! Di tuloy ako nakapasok at nagpa-check up kay Dr. Carunungan kanina.

Nakakainis. Bawal matulog ng matulog. Mas mamamaga daw ang mata ko. Bawal magbabad sa pephone dahil yung radiation. Lalo akong magiging HOT este yung mata ko pala.

E anong gagawin ko dito sa bahay? Mabaliw sa kakaisip kung anong nigagawa nila sa school? Kaya ayoko ng na-absent e. Feeling ko kasi 1 week akong um-absent sa dami ng pwede nilang gawin.

Tumayo na ko at nagbukas ng TV. Channel 57. Tsk! Arirang Special. Channel 10. Luma yung palabas. 24, luma din. Abaaaaa! Mamamatay ako sa boring. Nipatay ko na yung TV.

Wala naman Si Mama. Nasa labas.  *evil smile* Nikuha ko Yung pephone ko. Dear Mama, alam kong bawal ako mag-pephone. Pero mamamatay ata ako sa boring nito! At maa-outdate ako sa Bangtan. So, kailangan kong mag-FB. XD Naka-upo ako ng prenteng-prente. Tapos may nabasa akong post ng Co-Army ko.

Tungkol sa isang lalaki NA galit sa BTS dahil sa niiwan sya ng girlfriend nya ng dahil dun.

"ABA! King-ina nya! Wag nya--"

"Hoy! Bat nagmumura ka?!"

O__________________O

Biglang pasok ni Mama. Pak-tay. T^T ISIP. ISIP.

*loading*

*loading*

"H-hindi M-Ma. Lyrics yun sa Lion King. Kingina nyaaaaa~~" pagkanta ko with flying kamay pa.

"Kala ko ey. Naku Mumu ha. Marinig lang kita magmura ay. Tampal sakin yang nguso mo. Hala. Ibaba mo yang cellphone mo. At BAWAL KA MAG-CELLPHONE."

BAWAL KA MAG-CELLPHONE.

BAWAL KA MAG-CELLPHONE

BAWAL KA MAG-CELLPHONE

BAWAL KA MAG-CELLPHONE

Parang may echo pa. Huhuhuhu. T_________T Kukuyugin ko pa SANA Yung lalaking nang-aaway sa Bangtan e. Tss. -____-"

----

A/N: SORRY sa short UD. Keep Reading guyseu. SALAMAT.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Papers Of A Thousand MemoriesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon