ODA 1 (WP)

8.3K 144 9
                                    

5 years later...

"HAPPY BIRTHDAY PRINCESS!

Sabay-sabay na bati ng mga bata sa anak nina Gabriel at Loisa.

Limang taon na ang nakaraan magmula ng isilang ni Loisa anak nila ni Gabriel na pinangalanan nilang Princess Caliyah Garcia. Mas naging masaya ang kanilang pagsasama ng dumating si Princess sa buhay nila. Lumaki naman itong maganda, mabait, matalino yun nga lang may pagkasiga ito. Ayaw nitong nagsusuot ng mga dress at ayaw din nito sa mga manika, kadalasan pinupugitan lang niya ng ulo tapos sususunigin ito.

"Happy birthday my princess! Here's your gift from Papa."

Inabot ni Gabriel ang regalo sa anak. Excited namang kinuha ni Princess ang regalo mula rito at agad binuksan.

Nanlaki naman ang mata ni Princess ng makita ang laman nito.

"Wow! Big toy car. Thank you Papa."

Sabi ni Princess sabay yakap sa Papa niya. Natutuwa naman si Gabriel na makitang masaya ang kanyang anak. Wala naman ibang hinangad ang mag-asawa kundi ang kasiyahan ng kanilang unica ija.

"Your welcome sweety pero secret lang natin to ah, wag mong sasabihin kay Mama baka itapon naman niya sa basurahan yang toy car mo."

Naintindihan naman ito ng anak kahit sa murang edad. Nong huli kasing niregaluhan ni Gabriel si Princess ng laruang kotse ay kinuha ito ni Loisa at sinunog. Iyak ng iyak noon si Princess na dinaluhan naman ng ama. Alam niyang maling konsentihan anak pero ama siya at hangad niya ang kasiyahan ng anak kahit na taliwa ito sa pagkatao niya. Sa pagkababae.

OPPOSITE DO ATTRACT ---COMPLETED [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon