CHAPTER 2

76.2K 1.4K 25
                                    

Nakasakay na kaming muli sa sasakyan at pabalik na ng building ng BCorp, nakasunod kami sa sasaktan ng CEO. Gusto kasing makatiyak ng presidente na sa opisina talaga dederetso ang kanyang alibughang anak, napakasunduan kasi nila na sa opisina na lamang magusap.

Daig pa ang nasa race track kung magpatakbo ng sasakyan ang anak ng presidente, alam kong sinasadya nya yun para makalayo sya sa amim, pero hindi ko papayagan yun, kung gusto nya ng karera, pagbibigyan ko sya.

"Kahit kaylan talaga ay sakit ng ulo ang anak kong ito." Sabi ng boss ko habang umiiling.

"Na spoiled nyo yata ng husto." Komento ko.

"No... Mas tamang sabihin na napabayaan ko.... Alam kong sinsadya nyang pasakitin ang ulo ko para pahirapan ako. At hindi ko sya masisi kung bakit nya ginagawa yun... I never been a good father to him." May lungkot sa boses ng boss ko at nanikip ang diddib ko dahil dun.

Napakabait ni Mr Balesteros sa akin, parang anak na ang turing nya sa akin. 

Mula ng makapasok ako sa BCorp ay sinuportahan nya na ako pati ang pamilya ko, sya ang nagtaguyod ng pagaaral ko hanggang sa makatapos ako ng Business Management. Ginawa nya ring scholar ang mga kapatid ko, binigyan nya kami ng bahay sa isang malaking subdivision at ako ay may sariling condo unit na sya rin ang nagbayad, pati pagpapagamot ng tatay ko na may alta presyon ay sagot nya rin at may sarili akong sasakyan na sya rin ang bumili, at hindi ko hiningi ang mga yun kusa nyang ibinibigay sa akin ng walang hinihinging kapalit. Kahit anong tangi ang gawin ko ay wala akong magawa, napakagaling nyang mag manipula ng tao at hindi ako nakaligtas doon. Marahil yun ang sekreto nya kung bakit Isa sya sa pinakamagaling na business man sa Asya.

At dahil sa mga kabutihang ginawa nya sa akin at sa pamilya ko, kaya kong gawin ang lahat para sa kanya, pangalawang magulang na ang turing ko sa kanya, kahit ano, kahit buhay ko ay nakahan da akong ibigay para sa kanya.

At ang makita syang malungkot ay hindi ko kaya.

"Tito ano bang maitutulong ko."

Tito... Yun ang tawag ko sa kanya kapag gusto kong maging personal ang usapan namin.

Tiningnan nya ako, ngumiti sya pero hindi yun umabot sa kanyang mga mata.

"Yah right.... I think i'll be needing your help with Troy.... Pero kung papano, hindi ko pa alam. Pero gusto kong mangako ka na kapag alam ko na kung papano ay tutulungan mo ako."

"Anything for you Tito. Wala akong hindi gagawin para sa inyo."

BCorp Building sa loob ng opisina ng presidente. 

Nakaupo sa upuan nya ang matandang Balesteros ako naman ay nasa mesa ko malapit sa may pinto, si Troy nasa couch, nakasandal ang ulo sa sandalan at nakapatong ang paa sa coffee table. Para lang nasa bahay nya ang loko. 

Kung hindi lang sya naka coat and tie iisipin mo na isa lamang syang tambay sa kanto. Mahaba ang buhok ni hindi nakapag ahit at hindi maayos ang pagkakatali ng necktie. Pero hindi man lang yun nakabawas sa kagandahang lalaki nya.

"Whats happening with you Troy.?" Alam kong pilit na pinakakalma ni boss ang kanyang sarili. Kung gaano sya ka tapang at ka istrikto sa mga emppleyado nya, ganun naman sya kabait sa anak nya. 

It just to bad na hindi man lang iyon na appreciate ng anak nya.

"Para namang may pakialam ka sa mga nangyayari sa akin." Sabi ni troy na hindi man lang tinapunan ng tingin ang ama.

"Ano bang kailangan kong gawin para maniwala ka may pakialam ako sayo."

"Wala... Dahil kahit anong gawin mo ay hindi na mababago ang pagkakakilala ko sayo. Kung ang dahilan kung bakit mo ako pinatawag ay ang tungkol sa nawalang pera sa kompanya mo, wag kang magalala hindi matatapos ang araw na ito makakabalik yun sayo."

"Hindi ang pera ang inaalala ko Troy kundi ikaw... Ano bang nangyayari sayo, bumagsak ang JB Developer dahil sayo, dahil sa kapabayaan mo at ngayon naman ang BCorp. At nangyari ang lahat ng iyon dahil nawalan ka ng focus at yun ay dahil lamang sa isang babae."

Tumigas ang mukha ni Troy, tiningnan nya ng masama ang ama.

"Hindi lang sya basta babae Dad.. Mahal ko sya, mahal na mahal." Pubo ng emosyong sabi nya.

"Pero may asawa na si Danica Troy... Wala na sya, bakit ba hindi mo matanggap yun." Pigil ang galit na sabi ng matandang Balesteros.

Tumayo si Troy, nakakuyom ang mga kamao nito.

"Kung natatakot kang bumagsak din ang kompanya mo pwes bawin mo ang pamamahala nito mula sa akin. Wag mo lang pakikialaman ang buhay ko dahil kahit minsan hindi ko pinakialaman ang buhay mo."

Pinigilan kong sumabat sa usapan ng mag ama, pero parang gusto ko ng batohin ng stapler sa mukha ang walang modong CEO. Mabuti na lang mahaba ang pasensya ko.

"Hindi sa akin ang kompanyang ito troy... Sayo to at kung babagsak to,kasama kang babagsak nito. Kapag nawala ang kompanyang to, wala ka na rin.... Pupulutin ka sa kangkongan."

"Wala akong pakialam." At humakbang na ito palabas ng hindi man lang lumilingon.

Naiwan si Tito Sonny na nakakuyom ang kamao at nakapikit. Alam kong pilit nyang pinakakalma ang sarili nya.

Agad kong kinuha sa bag ko ang gamot nya, kumuha ako ng isang tableta at tubig at iniabot iyon sa kanya.

"Boss inumin nyo po ito,

Umiling sya.

" okey lang ako Krystel."

"Pero boss baka kung mapano kayo."

"Okey lang ako wag mo akong alalahanin. Mas nag aalala ako sa anak ko. Hes so broken kailangan ko syang tulungan. Pero papano.?"

Gusto kong batukan si Tito Sonny.

Kung hindi lang siguro sya matanda at kung hindi ko lang siguro sya boss baka sinigawan ko na sya at sinabihang tanga.

Talagang ang anak nya pang bastos, walang modo at makasarili ang inisip nya.

Kasalanan nya naman kung bakit sya iniwan ng girlfriend nya... Babaero kasi sya... Buti nga sa kanya. Kinakarma na sya.

"Kriztel... Tulungan mo si Troy."

"Ho." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nyang iyon.

"At ano naman ho ang gagawin ko sa anak nyong yun."

"Tulungan mo syang makalimutan si Danica. Akitin mo sya at ng mabaling sayo ang atensyon nya,"

"Joke ba to boss.?"

"Hindi iha, alam mong hindi ako marunong magbiro."

"Seryoso kayo.?"

"Kriztel ikaw na lang pagasa ko. Gusto kong makitang nasa ayos ang buhay ng anak ko bago man lang ako mawala sa mundo."

Hindi ako makapagsalita, seryoso nga sya....

"Boss... Ano bang gusto nyong gawin ko.?"

"Ipinagkakatiwala ko na sayo ang anak ko."

"Ho.....?" nagugulohan ako sa sinabi nya.

"Bahala ka na sa kanya, tulungan mo sya, patinuin mo, ilagay mo sa ayos ang buhay nya, gusto kong makita syang nasa tamang landas bago man lang ako mamatay."

"Mamatay agad... Di ba pweding maratay muna..." Pagbibiro ko sa kanya, ako lang ang may kakayahang gawin yun, Yung iba kasi takot na takot sa kanya.

"Ikaw talagang bata ka puro ka kalokohan, basta gawin mong pinagagawa ko sayo... At sisimulan mo ang trabaho mo sa pagiging EA nya. You will be Erson Troy Balesteros Assistant beginning today.

MY ASSISTANT, MY WOMAN-II                         TROYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon