Lalo akong nanggalaiti ng makilala ko ito. Ang bwiset na ama ni Tristan. Nakakunot ang noo nito lalo ng lumabas si Francis na kasing tangkad lang naman nito at kasing-katawan rin saka binuksan ang pintuan sa side ko. Una akong lumabas. 

Inantay kong lumabas si mommy ng pinagbuksan siya ni Francis. Parang nag-aalanganing lumabas si mommy. Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha nito at halatadong-halatado ito kasi maputi siya. 

Ng tingnan ko si Mr. Montoya, parang nakakita ito ng multo. Nakatitig ito kay mommy. 

Inantay ko kung sino sa kanila ang unang magsalita pero parang parehong tumigil ang mundo ng dalawa. Ano bang nangyayari dito?

Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Unti-unting nawala ang shock sa mukha ni Mr. Montoya at napalitan ito ng galit. "Anong ginagawa niyong mag-ina dito? Pwede ko kayong kasuhan ng tresspassing," nakapamulsang pahayag nito at malamig na tumitig parin kay mommy. Si mommy naman parang naestatwa. 

"Mom," tawag ko kay mommy.

"Ha?.. ah eh," saka lang parang nagising si mommy sa mahimbing na tulog. "My daughter just want to talk to your son just for a few minutes," sabi ni mommy sa kaswal na boses.

Lumakad si mommy palapit sa akin saka tumayo sa tabi ko. 

Tumaas ang kilay ni Mr. Montoya.

"My son is not here. He flew yesterday to the US together with his fiancee to finish their studies there. Kaya makakaalis na kayo. Hindi namin kailangan ng mga pulubi dito!" Nagtatagis bagang na saad ni Mr. Montoya na ikinakulo ng dugo ko.

"Hindi mo kai-" Pinatong ni mommy ang kamay niya sa balikat ko. Nagtatakang tumingin ako sa kanya at di ko na natapos ang dapat kong sabihin sa malditong matanda na ito.

"Look, Sebastian," mom walked closer to him at nakita ko kung papanong mas lalong nagtatagis ang ngipin nitong nakatitig kay mommy. Maraming emosyon ang nakabalot sa mga mapupungay nitong mga mata. "whatever is going between our kids, let's not meddle. Let them talk, hindi naman  kami magtatagal kasi aalis narin naman kami and we will leave your son at peace," malumanay paring sagot ni mommy.

"Anak ko siya, kaya gawin ko kung anong nararapat sa kanya! At hindi ang anak mo ang karapat-dapat sa kanya. Hindi ko hahayaang lolokohin din ng anak mo ang anak ko," matalim ang tinging pinukol nito kay mommy. Paminsan-minsan lang akong tapunan ng tingin ni Mr. Montoya.

"Whatever happened between us is over. It's been years, long years that I couldn't even remember, Sebastian. Malalaki na ang mga anak natin, let's just bury it." Napakakaswal parin ni mommy. Napatigil ako sa sasabihin ko sana. 

Sa narinig ko, saka ko narealized na parang may something kina mommy at Mr. Montoya nuon. Lumapit ako ng konti para marinig ko ng klaro ang pinag-uusapan nila. "Not until I get a revenge, Shayla. Hinding-hindi kita mapapatawad!" Madilim nitong sambit saka ito tumalikod at paakyat sa porch papasok sa mansyon.

"Hindi kita niloko, Sebastian, pero hindi mo ako pinaniwalaan dahil mas pinaniwalaan mo ang traydor kong kaibigan at ng mga kaibigan mo. Inalok ako ng mommy ng pera para layuan ka at kasabwat ang mga kaibigan mo at ang kaisa-isang kaibigan ko na akala ko nagmamalasakit sya pala ang ahas," matigas na sabi ni mommy na ikinatigil sa paghakbang ni Mr. Montoya. 

Lumipad ang mga mata ko kay mommy. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Parang pakiramdam ko, magkapareho kami ng kapalaran ni mommy. Umiiling-iling pa si mommy. 

Tiningnan ko si Mr. Montoya na tumingin ulit kay mommy ng may panggigil sa mga mata. "Ang sabihin mo, mukhang pera ka lang talaga. Hindi mo kailanman ako minahal. Pera ko lang talaga ang habol mo!" Nanggigil na pahayag niya saka pa nito dinuro-duro si mommy.

The Devil's Angel |Montoya Series 1|Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu