Sumunod ako sa kanya.
Andito kami ngayon malapit sa gym.
Tahimik kaming dalawa.
“Ahmm…Ano ba ang gusto mong pag-usapan?” I said. Alam ko namang tungkol na naman to kay Dane
“Wag na tayong maglokohan Louie—we all know na nagpapanggap lang kayo ni Dane--”
“I don’t know what you’re talking about.” I cut her out
“You don’t know? Oh c’mon! Alam mo ang sinasabi ko. You two are just pretending to be couples just to make me jealous. So if I were you, itigil mo na ang pagpapanggap niyo.”
“We’re not pretending.”
“Not pretending? Is that the lie you tell yourself? Ako ang mahal ni Dane.” Madiin niyang sabi
“Yan din ba ang kasinungalingang pinaniniwalaan mo hanggang ngayon? Well---”
Nasa harapan ko na si Dane. How did he—
“Don’t ever talk to Louie again.”
“Why not? Dane hindi mo naman kailangang mag panggap para lang bumalik ako sayo e.”
Nakakainis ah!
“Hindi na nga kasi kami nag papanggap!” sabat ko
“Tsk. Tumahimik ka nga dyan. Let me handle this.” He silently said to me
Nakatitig lang silang dalawa sa isa’t-isa.
“Dane please..” Lucille hold his hand
I can’t believe this! After all—
Umalis ako sa kinatatayuan ko.
Bumalik ako sa loob para kunin ang bag ko.
I just smiled ng makita ang mga kaibigan kong sumasayaw.
I sat down. Yung puso ko---ang bilis ng tibok. Still thinking kung anon a ang pinag-uusapan nilang dalawa. Leche naman oh.
“Mind if I dance with you?” I looked up and saw him again—
“Bat ka nagbihis?” Naka-tuxedo na kasi siya
“So that I can dance with you—Nakakahiya naman kapag yung uniform namin ang susuotin ko habang kasayaw ang magandang tulad mo.”
Napangiti naman ako. Nagiging fluent na kasi siya sa pag tagalog niya.
“Nangangalay na ang kamay ko--”
Alangan naman na magmukmok lang ako dito habang nakikipaglandian ang bwisit na Dane sa Lucille na yun. Nagawa niya ngang pagmukhain akong tanga dun—pwes! Kaya ko ding makipagsayawan sa iba ngayon!
“Sorry. Hehe.” I accept his offer
Dinala naman ako ni Austin sa gitna.
“Louie—you really look beautiful.”
“Paulit-ulit?”
*chuckles*
“Yeah. Kahit paulit-ulit. I’ll never get tired of saying that you’re beautiful every day..”
Nakakailang ang mga titig niya.
“Araaaaay!” Dane pushed Austin saka ako hinila palabas
“Araaay! Ano ba! Puro nalang ba tayo hilahan?!” hinablot ko ng buong lakas ang kamay ko.
“So what?”
“So what?! Hindi ako aso na basta-basta mo nalang hihilahin kung kelan mo gusto!”
“I see. You really want to dance with that guy huh?”
“Ahhhh! Kasalanan ko, kasi inalok niya akong isayaw? Ganun ba huh?! E ikaw naman tong unang nakipagharutan kay Lucille ah!”
“What?!”
“Hindi ko pa nauuntog yang ulo mo sa pader, nagka-amnesia kana? Pambihira!” I yelled at him
“Wag mong ibahin ang usapan.”
“Wag ibahin ang usapan?! Dane, baka nakakalimutan mong iniwan mo ako sa ere kanina? Then now, you have the guts to be mad at me? Sumosobra kana ha!”
Hindi. Hindi dapat ako iiyak. Malakas ako.
“Wait—no. You misunderstand. What happened--”
“Misunderstand?”
He didn’t talk.
“You really are good in making fights. You’re unbelievable.” Tinalikuran ko na siya.
I looked at my wrist watch—11:58pm. Hindi ko na hihintayin ang fireworks—wala na din naman akong gana para dun.
Okay na. Uuwi na ako—papasundo nalang ako kay Manong Alex.
“Ano na naman ba---”
Kasabay ng paghalik niya sa akin ang pag-ilaw ng kalangitan.
BINABASA MO ANG
Status: Pseudo Relationship
Teen FictionPseudo means false. Not genuine. Not true. Fake. Dane Rodriguez is still in love with his Ex and he will find a way to win her back. What will happen to Louie Gonzaga when the man of her dreams asks her to be in a Pseudo Relationship? Will she do th...
Part 26
Magsimula sa umpisa
