We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

Litrato (Short Story)

4 0 0
                                        


Ako si John, isa sa mga batang palaboy sa Tondo. 15 taon pa lang ako ay naging palaboy na ako sa daan buhat ng pagrerebelde ko sa mga magulang ko, may kaya naman kasi kami, may negosyo at masasabing lahat ng luho ay maibibigay sa'kin ng mga magulang ko dahil dalawa lang kami ng kapatid kong babae na si Jewel. Panganay ako kaya naman ay mataas ang tingin ng mga magulang ko sa akin.

"pareng John, saan na naman ta'yo mangbibiktima ngayon?" tanong ni Kirk, kasamahan ko sa pagnanakaw

"Linggo ngayon, kaya sa Luneta ta'yo. Sigurado akong maraming tao ang nando'n, marami ta'yong madadali" sagot ko sa kanya. Mamayang hapon ay pupunta kami ng Luneta upang magnakaw upang may makain.

"sige pare, sabihan ko lang ang iba na'ting kasamahan" sambit ni Kirk at agad ng umalis. Ganito halos araw-araw ang takbo ng buhay namin dito sa lansangan, kung hindi mo kayang magnakaw ay ihanda mo ang iyong sikmura upang kumain ng mga tirang pagkain sa basura.

Alas 5 ng hapon kami nakarating sa Luneta. Marami-rami na rin ang mga tao sapagka't ay linggo nga, at araw ng pamamasyal ng magkapamilya. Sa tuwing nagagawi ako rito sa Luneta ay 'di ko maiwasang maalala ang kapatid ko, tuwing linggo kasi ay namamasyal kami dahil walang pasok, kasama naman ang mga magulang namin pero mas malapit talaga kami ng kapatid ko. Minsan nga ay nakakaligtaan na namin na kasama pala namin ang mga magulang namin. Hindi ko naiwasang magbalik tanaw.

"kuya, bilhan mo ako ng balloon" sambit ng kapatid ko, limang taon pa lamang siya at ako'y labing-tatlo na. Agad-agad ko naman siyang binilhan ng balloon mula sa sobra kong baon, malaki-laki rin kasi kung makapagbigay sila mama sa'min. Patuloy lamang kami sa paglalakad ng marinig kong humikbi ang kapatid ko.

"oh? Ba't ka umiiyak?" tanong ko sa kanya. Kahit bata pa ay naging kuya na ako sa kanya.

"kuya, 'yong balloon ko" sabay ingos at turo sa itaas na wari tinutukoy ang langit "lumipad" at humagulgol na siya ng iyak

"hush Jewel, bibili ta'yo ng bago" pag-alo ko sa kanya

"pre!" sabay tapik sa'kin ni Jude na siyang nagpapukaw sa'kin mula sa pagbabalik tanaw. Kasamahan ko rin si Jude "utos mo na lang ang hinihintay namin" wika pa nito.

"simulan niyo na" pag-utos ko sa kanila na ang pahiwatig ay ang pagnanakaw. Habang abala ang mga kasamahan ko ay 'di naman ako makakilos, bumabalik pa rin sa alaala ko ang pamilya ko. 2 taon na simula ng mawalay ako sa kanila, napabuntong-hininga na lang ako. Maya-maya pa ay narinig ko si Kirk na tumatawag sa'kin.

"ano pare?" takang tanong ko pagkakita kay Kirk na pawis na pawis at parang hinahabol ng aso "may problema ba?"

"pre, hinahabol ako ng babae, nahuli niya akong nagnakaw ng wallet niya" hingal pa ring sambit nito "heto oh" sabay abot sa pitaka ng babae sa'kin. Binuksan ko ito at tumambad sa'kin ang makapal na laman nito, pero mas nakuha ang atensyon ko sa litrato ng dalawang bata sa wallet nito. Isang batang babae at isang lalaki, naramdaman kong may namuong luha sa gilid ng aking mga mata.

"ok ka lang ba pre?" tanong ni Kirk sa'kin ng maramdamang natulala na ako pagkabukas ko ng wallet

"nasa'n ang babae pre?" tanong ko sa kanya, 'di pa rin maalis ang tingin sa litrato. Nakarinig na lang kami ng isang sigaw ng babae

"hoy! Ikaw! Magnanakaw ka, ibalik mo ang wallet ko!" sambit nito habang palapit sa'min

"pre? Ano na ang gagawin na'tin?baka magsumbong sa pulis" tarantang sambit ni Kirk, pero 'di pa rin ako natinag, mas nangibabaw ang pagkasabik ko sa babeng nagmamay-ari ng wallet.

"kuya" hingal na sambit ng babae ng marating ang kinaroroonan namin "ibalik mo na ang wallet ko" pagsusumamo niya "kahit sa'yo na ang pera, ibalik niyo lang ang litrato sa'kin, please po" pakiusap pa rin nito. Bigla na lang tumulo ang luha ko sa mga nabanggit niya, kahit ang litrato lang ang maibalik sa kanya at huwag na ang pera, mas importante ang litrato ng dalawang bata kumpara sa pera niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 17, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LitratoStories to obsess over. Discover now