Password

60 1 1
                                        


Sam's POV

"Yo! Sam!" Bati ng bestfriend kong si Jake (as Mingyu) na kakapasok lang sa room.

"Di ka yata late?" Mangha kong sabi. Lagi kasing late tong mokong na 'to at himala nalang pag maaga siya.

"Dumating si ate eh." Sabi niya at umupo sa upuan niya sa tabi ko. "Binuhusan ba naman ako ng tubig?! Kakarating lang niya di man lang bumati ng maayos!" Inis niyang sabi. Natawa lang ako ng malakas.

"Di ka kasi nagbabago eh!! New year na new year sira na resolution mo! Hahaha!" tuwang-tuwa kong sabi.

"Yun nga! New year na new year sira na agad araw ko!" Inis niyang sabi with panggigigil pa. Haha. Yung ate niya kasi masyadong strikto pag dating sa pag-aaral kasi naman abogado eh. Sino ba naman ang may ganang pumatol pa? Puro logical ang answers.  ̄ˍ ̄

Pumasok na ang teacher namin at nagsimula na ang klase.

"Uy! Peram ballpen! Naiwan ko sa bahay eh!" Bulong niya.

"Asus!!!" Kinuha ko naman ang ballpen ko sa pencil case at iniabot sa kaniya.

"Salamat!" Kinuha niya at nagsimula ng magsulat.

Matagal na kaming bestfriends ni Jake simula nung elementary pa lang kami hanggang ngayong high school at yun rin ang simula ng pagkakaroon ko ng crush sa kaniya pero ngayon parang mahal ko na siya eh. Pero feeling ko walang pag-asa, may pinupormahan kasi siya. Etong loleng niyo masyadong scretive kaya ayan, too late na.

*bell rings

"Sa mga di pa tapos, picturan niyo nalang ang nakasulat sa blackboard at tapusin niyo nalang sa bahay niyo at ang project niyo bukas na ang deadline. Dapat lahat makapasa." Sabi ni madam and yes, pwede sa amin picturan ang mga pinapasulat sa amin pero kay madam lang sa ibang teachers di pwede, masyadong mga strikto. Haha

Binuksan ko ang bag ko para kunin ang cellphone ko pero di ko mahanap.

"Jake! Dala mo cellphone mo? Pwede pakipicturan nalang yung sa blackboard. Naiwan ko kasi phone ko." Sabi ko kay Jake.

"Okay." Tumayo na siya at pinicturan ang nasa blackboard. Mabuti nalang may bestfriend ako na kagaya ni Jake.

Bumalik na siya at kinuha ang bag niya. Tumayo na rin ako at lumabas na kami sa room.

@Sam's house

"Ano na?! Wala ka pang naiisip na idea?" Tanong sa akin ni Jake. Di pa kami nakakapagsimula sa project namin. Bukas pa naman din ang deadline. Paano ba naman kasi, parati siyang may basketball practice. Ayaw naman niyang simulan ko na ang project kasi parang individual na raw ang dating nun kaya ngayon nangangapa kami sa ideas. Matagal na akong may idea kaso nalimutan ko lang. Last week pa kaya yun!

"Ba't ako lang?! Mag-isip ka rin kaya! dapat sinimulan ko na yung project last week, tignan mo cramming tayo oh!" Inis kong sabi sa kanya.

"oo na! Ako na may kasalanan. Past is past. Kaya pwede ba asikasuhin nalang natin yung ngayon?" Inis rin niyang sabi.

Nakaupo lang kami dito sa couch sa kwarto ko. Wala na talaga akong maisip. ay! Yung picture pala kanina kailangan ko yun.

"Jake! Yung picture pala kanina, pabluetooth ako. Gawin ko muna yun. Di pa naman tayo nagsisimula." Sabi ko sa katabi ko.

"Mamaya na yan! Madali lang yan! Yung project muna natin yung asikasuhin natin!" Sabi naman niya.

"Bakit? May naisip ka na ba?" Bigla siyang natigilan.

"Wala." Mahina niyang sabi. Napatawa ako ng malakas sa sinabi niya.

"Wala naman pala eh!" Sabi ko at kinuha ang phone niya na nakalapag sa mesa sa unahan namin. Binuksan ko kaso may password.

Password ( One Shot )Where stories live. Discover now