"Siguro naman, nalaman mo na sa news na naganap ang insidente sa Pioneer Hotel public rest room.  Sa hotel na 'yon ginaganap ang birthday party ng owner ng East Pearl Academy kung saan invited ang mga teachers pati na rin ang mga spouses.  So, hindi na nakakapagtakang naroon sina Jen, 'yong Zac at asawa nitong si Rina Falcon."

"Alam ko na 'yan," tugon ko na medyo naiinis na dahil ang dami pang pasakalye ni Faith.

"Actually, I was at the same Hotel that time to meet some college friends at nagkataon lang na nasa loob ako rest room cubicle no'ng mga panahong 'yon...  Sa madaling salita, nasaksihan ko ang lahat." 

Bumilis ang tibok ng puso ko at nanlaki ang mga mata kong nakatingin kay Faith.

"'Tapos narinig ko ang malakas ng boses no'ng Rina habang inaaway si Jen.  Then, kinuha ko ang cellphone ko at ni-video-han sila," tugon ni Faith saka ipinapanood sa akin ang video na nasa kaniyang cell phone.

Kita at rinig sa video ang nanggagalaiting si Rina Falcon habang minumura si Jen na pinararatangan niyang kabit daw ng asawa niyang si Zac.  Matapos magsisigaw at magmura ay naglabas na siya ng bread knife upang saksakin si Jen. 

Sinikap ni Jen na agawin kay Rina ang kutsilyo hanggang sa maitulak niya ito ng malakas dahilan upang bumagsak ito sa sahig.

Nahagip din ng camera kung paanong dinaluhan ni Jen ang nakahandusay nang si Rina na halatang napuruhan sa pagkakabagsak.  Ilang segundo ang nakalipas ay makikita na ang paglabas ni Jen ng rest room at doon na natapos ang video.

"Hanggang diyan lang ang nakunan dahil namatay na ang cell phone ko.  Sa pagkakaalam ko ay tumawag na si Jen ng tulong kaya siya lumabas, pero huli na ang lahat dahil wala na si Rina," paliwanag ni Faith habang ibinabalik sa loob ng bag niya ang cell phone.  "However, kitang-kita na self defense ang nangyari.  Walang kasalanan si Jen dahil 'yong Rina ang nag-umpisa ng lahat.  With this video, along with my statement as an eye witness ay malakas ang magiging laban ni Jen para mapawalang sala siya, what do you think?"

"You're right," sambit ko sa tonong nabubuhayan ng pagasa.  "Thank you, Faith."

"Huwag mo akong pasalamatan dahil wala pa akong sinasabing pumapayag akong ilabas ang video na ito at tumayong testigo para kay Jen," tugon ni Faith sabay halukipkip.  "Gagawin ko lang 'yon sa isang kondisyon."

Kumunot ang noo ko.  "What?"

"Marry me," ani Faith sabay ngiti.

"Okay, I'll marry you if that's what you want," mabilis ko namang sagot.

Bigla namang nagtaka si Faith na tila hindi makapaniwala sa narinig.  "Hindi ko inasahang mabilis kang papayag.  Ang akala ko ay mahihirapan akong kumbinsihin ka."

"If its for the one I love, I'll do anything," taas no at buong pusong kong pahayag.  Kahit buhay ko pa ang hingin niya ay hindi ako magdadalawang isip na ibigay, masiguro ko lang na hindi mapapasama ang taong mahal ko.  Agad ko namang nakita ang pagkadismaya sa mukha ni Faith ngunit pinilit pa rin niyang ngumiti.

"Well then," kinatok ni Faith ang pinto ng van at bumaba mula roon ang dalawang maskuladong lalaki.  Lumapit ang mga ito sa akin saka ako hinawakan sa magkabila kong braso.

"Faith, ano 'to?" utas ko saka nagpumiglas pero hindi ko magawang makawala mula sa dalawang lalaki na nakahawak ngayon sa akin.

"Don't worry Dustin, hindi ka nila sasaktan.  Dadalhin ka lang nila sa isang ligtas na lugar para hindi mo ako matakasan.  By the way, I need your phone."  Kinuha ni Faith ang cell phone ko na nasa back pocket ng aking pantalon.  "You can't communicate with anyone at hindi mo puwedeng ipagsabi sa iba ang mga napag-usapan natin kaya kukunin ko muna 'to."

For The One I LoveWhere stories live. Discover now