Kaibigan Lang

33 0 2
                                        

Kaibigan Lang

"GoodMorning Babe!" Yan ang sabi ni Christ pag pasok ko sa classroom.

"Morning Christ!" Bati ko sa kanya. Oy hindi ko boyfriend si Christ okay? Babe lang talaga ang tawag nya sakin. Kung bakit? Hindi ko alam. Masyado syang sweet at protective sakin. Pag magkasama kami lagi syang naka-akbay sakin or magka holding hands kami kaya akala ng ibang tao na mag Boyfriend-Girlfriend kami na hinihiling ko na sana totoo. Ilang months na rin kaming magkasama at kilala sya ng parents ko at kilala rin ako ng parents niya. Oo mahal ko siya dahil ang sweet sweet niya sakin na parang girlfriend niya ako. Lagi niyang akong hinahatid pauwi at lagi niya din ako nililibre pag break time namin. At sino bang hindi maiinlove sa kanya gwapo siya, clingy, matangkad, may dimple, medyo matalino, mabait, may respeto sa mga babae, pero medyo bad boy nga lang hehe pero kahit ganyan yan sweet parin niya sakin. Binibigyan niya rin ako ng flowers. Kaya nga lalo akong na fa-fall sa kanya. Pero ang masakit lang dun hindi ko alam kung mutual yung feelings namin, umaasa kasi ako at nagbigay siya ng motibo.

Kaya pag katapos ng last subject namin hinatid na niya ako pauwi. Itetext ko na lang siya mamaya para maliwanagan ako kung anong meron sa aming dalawa. Syempre ayaw ko namang umasa sa wala dahil masakit.

"Bye babe!" Pagpapaalam niya sakin. Kinikilig talaga ako kapag tinatawag niya akong 'babe' pero nasanay nadin ako.
"Bye Christ, ingat ka!" Nakangiti sabi ko sa kanya at pumasok sa bahay. Umakyat agad ako sa kwarto ko at humiga sa kama.

Mahal niya rin kaya ako?

Mutual kaya yung feelings namin sa isa't isa?

Pinapaasa niya lang ba ako?

Aishh. Ang daming tanong sa isip ko pero kahit isa wala akong makuhang sagot kaya napagdesisyunan ko na itext na lang siya.

"Mahal na kita, Christ. Hindi bilang kaibigan kundi higit pa dun. Pareho ba tayo ng nararamadam para sa isa't isa? Mahal mo din ba ako?" Yan ang tinext ko sa kanya. Kinakabahan na ako sa magiging sagot niya sa mga tanong ko.

"Sorry En, pero kaibigan lang ang turing ko sayo" Yan ang reply niya sakin. Gago ba siya? Kaibigan? May kaibigan bang ganon  kasweet sa kaibigan nya to the point na napagkakamalan na silang mag Boyfriend-Girlfriend? Ang sakit sakit, nagbigay siya ng motibo na mahalin ko siya.

Umasa ako pero kaibigan lang pala.

Kaibigan Lang (One Shot)Stories to obsess over. Discover now