Yes I am.

171 1 1
                                    

Chapter I

August na ngayon. Ilang buwan na lang ang bibilangin, bull's eye! Graduate na ko! Aba nga naman! Kaunting puyat, pagod, luha at pimples na lang ang bubunuin ko. And.. speaking of pimples, naalala ko nanaman ang taong dahilan ng sandamakmak na pimples ko ngayon.

Ang prince charming ko.

Siya si Gian Emmanuel Salcedo. 16 years old, 4th year high school student. Ang irog ko.

Matangkad siya pero payat. Yung kapayatan niya, yun yung tipong parang dadalhin ng hangin pag naglalakad. Pero sa paningin ko, wala ng guguwapo pa sa kanya, pwera sa tatay ko.

Matalino siya, pero tamad mag-aral. Suplado, yung parang milagro pag nagpakita ng kabaitan, most especially sa mga babae. Hindi siya loner, actually friendly din naman siya, sa mga boys nga lang. Hindi niya trip makipag socialize sa iba, lalo na pag sa babae.

Well kung hindi niyo pa napapansin sa descriptions, allergic siya sa babae. Na trauma kasi siya sa mga babae, nung kinder siya, niyakap siya ng limang classmates niyang babae. Umiyak siya ng umiyak at hindi na uli siya pumayag na doon pumasok, so end of the story, nag transfer siya sa ibang school dahil natakot siyang mayakap uli. 

Alam ko medyo weird siya, pero, eheemm. Crush ko yan. 

Anyways, I'm Janice Helena Ambida. Ems sa mga kaibigan ko. Like Gian, 4th year high school na din ako. 15 years old, turning 16 next January.

Matangkad din ako katulad ni irog, pero hindi ako payat, hindi din ako mataba. Normal kumbaga. Hindi din ako maputi, hindi din maitim. Balbon kasi ako kaya tingin ko sa sarili ko e sobrang itim. Maganda ako sa paningin ng mga magulang ko, pero sa paningin ng salamin, hindi naman.

Hindi naman sa minamaliit ko ang sarili ko ha, pero ako yung tipo ng babaeng hindi mo bibigyang ng 2nd look pag nakasalubong mo sa daan. Ako yung tipong hindi mapipiling muse kung hindi mapapagtripan. Ako din yung tipong walang manliligaw.

Yeah right. Alam kong masaklap ang kapalaran ko pagdating sa ligawang yan. Once nga, tinanong ko si mama ng ganito, "Ma! Bat walang nanliligaw sakin?"

It sounds like I'm so desperate to be courted, pero actually, bilang babae, nagtataka lang ako. Ang palaging sinasagot lang sakin ng nanay ko e, "Anak, mataray ka kasi. Matapang pa. Pano sila makakapanligaw?"

Siyempre tinanong ko din ang butihin kong ama. Ang sagot naman niya, "Anak naman, sinong makakapanligaw sayo e bantay sarado ka ng nanay mo sa school. Tapos ako naman sa kabila lang. Sige nga, sinong matapang na lalaki ang makakapanligaw sayo?"

Well. Syempre, no choice ako kundi maniwala.

Nga pala, my parents are both teachers. Teacher ang nanay ko sa high school na pinapasukan ko. At ang tatay ko naman ay professor sa university katabi ng school ko. O kitams? Bantay sarado ako. Only child e. 

"Hoooooy! Tama na ang day dreaming mo te!"

Ok. May panggulo sa aking magandang thoughts. At ang hampaslupang nanggulo ay wala ng iba pa kundi ang aking bestfriend na kasingganda ko.

Si Sandara Evangeline Antonio. Sandy for short.

Gaya ko, matangkad din siya kumpara sa mga kaedad namin. Pero pagdating sa kulay, hindi kami talo. Maitim siya, e alam ko naming hindi ako maitim. So hindi talo ung kulay namin.

“Nakasalubong ko si Lorenz kanina sa Cafeteria, hinahanap ka daw ni Gillmore.”

Ako? Hinahanap ni Gillmore? Nako. Minamalas lahat ng taong hinahanap nun. Nalalagay sa bingit ng alanganin.

“Anong sabi mo?”

“Ano pa? E di sinabi ko masakit ang ngipin mo para hindi ka na puntahan pa dito.”

“Yey! Kaya naman mahal na mahal kita e. Hindi mo ako pinbabayaan sa pang-araw araw na ginawa ni Lord.”

“Chaka mo te. Umayos ka na, at mamaya mapadaan dito si Gill sabihin naman tinutulungan kitang magtago.”

“Chos. Totoo naman diba? Hehehehehe!”

Si Gill? Siya lang naman ang masugid na editor-in-chief ng isa sa dalawang school organs namin. At alam ko naman ang reason kung bakit ako hinahanap ng isang yun. As usual, kukumbinsihin nanaman niya akong mag member sa school organ namin bilang photojournalist. Hindi naman sa pagmamayabang, but I’m good in taking pictures. Yun ang kaisa-isahang talent na nasalo ko nung naghagis si Lord ng talents dito sa planet Earth.

Bakit ayaw kong magmember? Simple lang. Hassle. Kuntento na ako sa hirap at pagod na dinadanas ko ngayon.

“Good afternoon class.”

Hala, hindi ko napansin si Ma’am. Anu ba yan. Mamaya nga lang uli. Haharapin ko muna ang bangungot na dala ng Advance Chemistry.

Smile, My Prince.Where stories live. Discover now